Thursday, February 24, 2011

joy

matagal-tagal na ring nagbo-blog si ate joy. sangkatutak at di na rin mabilang ang mga events na dinaluhan niya at di miminsang naging punong-abala bilang guro ng palatuntunan sa bawat pagdiriwang ng kung anu-anong mga produkto. at nitong nakaraang linggo, ipinagdiwang niya ang unang anibersaryo ng kanyang blog na occasions of joy. isa itong selebrasyon di lamang ng kahanga-hangang tagumpay niya sa pagsasatitik ng mga bagay-bagay sa mga events at opinyon sa pang-araw-araw na buhay, kundi pagdiriwang ng pagkakaibigan (ni ate joy at ng mga mommy bloggers) at buhay-pamilya. tila nasumpungan na ni ate joy ang karerang malaon nang nakatadhana para sa kanya, maging isang blogger - di lamang ng isang partikular na paksa tulad ng pagkain o moda, kundi ng malawak na pagtingin sa mga batayang panlipunan at intimang pagtalakay o pagkukuro sa mga kapani-paniwalang mga produkto o serbisyo lamang.

apaw ang malinamnam na pandesal mula sa walter, sinamahan pa ng pritong hamon at hotdog mula sa kusina ng mga mendiola at kape mula sa love blends. balut-balutan na may kopya ng mod at reader's digest, johnson's na pulbo at lotion ang pinamudmod sa halos 30 kataong nagsidating, wala pa rito ang mga ispesyal na buslo para sa mga nagsalita sa programa at nanalo sa palaro. nagsilbi rin ng tanghalian, ngunit ang haylayt ng programa ay ang video presentation para kay ate joy. bagamat para sa akin ay di angkop ang awit na inilapat dito, matamang pinili ang mga larawan para rito, iniistorya ang buhay-pamilya ni ate joy pati na ang kanyang buhay-blogger. higit sa lahat, dahil sa blogversary na ito, nakahuntahan ko nang mahaba-haba ang aking mga kapatid na sina ate rose, ate she, kuya bob, ate joy, maging si ate nena. nagsawa rin kami sa apat na klik kada pagkakataon sa funlipix.

sa susunod na kainan ulit!

No comments:

Post a Comment