Friday, April 8, 2011

pagi

sitio de amor, san pablo, laguna... unang sabado ng abril, araw ng muling pagiging bata at pananariwa sa mga araw sa gitna ng kalye't paglalaro ng mga larong lansangang maaaring katutubo o binigyan ng pinoy na lapit mula sa larong banyaga.

una na rito ang buntot pagi! may ibang bersyon nito sa ibang mga lugar gaya ng dadagitin ng lawin ang mga inakay ng isang manok, pero sa amin sa novaliches, ang pagi (sting ray) ang inspirasyon ng larong ito. may paniniwala kasi na maykapangyarihang taglay ang buntot pagi na panlaban o pantaboy sa mga aswang o mga kauri nito.



ayon kay father leo, ito ang mga alituntunin ng laro:

1. ang isang pangkat ay nakapila at magkakakabit (yapos sa may bewang), nasa unahan ang nanay at nasa likod niya ang lima pang mga miyembro.

2. kailangang protektahan ng nanay mula sa kabilang grupo ang lahat ng nasa kanyang buntot. di dapat makuha ng kabilang grupo ang pinakahuling miyembro ng kanyang pangkat, kundi magkakaroon ng puntos ang kabilang grupo.


3. hindi dapat maghiwalay ang isang grupo sa buong laro. oras na maghiwalay ang grupo, ibibigay ng awtomatikong puntos sa kabilang grupo

4. unang makalimang puntos ang syang mananalo ng premyo.

5. premyo: "kayo na! nakahawak kayo ng maraming buntot eh"!


dati, nilalaro lang namin ang buntot pagi upang maisali ang mga maliliit pang mga bata o mga salingkit, para di tawagin ng mga nanay nila ang mga kalaro namin. sa sitio de amor, walang humpay na hagalpakan at hiyawan habang nilalaro namin ito... mas napagod pa kami sa pagsigaw at pagtili kaysa sa mismong laro. dahil nakabitiw ang ibang miyembro ng kabilang grupo ng dalawang beses, nanalo ang pangkat ko... ako at ang mga nagbabagang babae! (",)

No comments:

Post a Comment