ano ba namang mga uri ng balita ito? bugbugan sa makati. rambulan sa naia. binugbog diumano si albie casino ng mga barkada’t kaibigan ni andi eigenmann, habang kinuyog naman ng grupo ng mag-asawang si raymart santiago at claudine barretto ang kolumnistang si mon tulfo. tiyak na hedlayn sa lahat ng panggabing balita ang mga ito, lalo na nga’t nangyari ang mga ito noong sabado’t lingo. ang nakatatawa pa, na-capture sa video ang rambulang raymart/claudine at mon tulfo.
di na ako interesadong malaman kung sino talaga ang maysala sa nangyari. maaaring na-provoke talaga si raymart ng pagkuha-kuha ng litrato’t pagngisi-ngisi ni tulfo at sinuntok niya ang nakatatandang kolumnista. o di kaya naman ay si tulfo talaga ang unang nanapak at nanadyak gaya ng istorya ni claudine at raymart. wala raw na cctv footage na mailalabas ang NAIA, kaya’t labanan ito uli ng sabi niya at sabi nila.
parehong publikong personalidad ang magkabilang panig. dapat na pinairal nina claudine at raymart ang mahabang pisi sa mga ganitong pagkakataon dahil nasa pampublikong lugar sila. kahit sino ay maaaring makakuha ng litrato o bidyo ng kanilang pag-aalburuto sa cebu pacific at kung paano diumano minura-mura ni claudine ang empleyado nito. ngunit di rin dapat gamiting lisensya ni mon tulfo ang kanyang pagiging mamamahayag upang umastang mayabang at basta na lang magkukukuha ng walang anu-ano. sigurado akong kung sa kanya ginawa ang parehong bagay, rambulang umaatikabo rin ang magaganap. di pa kasi tanggap ng lipunan sa ‘pinas ang mala-paparazzing paghabol sa mga personalidad. wala pa tayo sa antas na katanggap-tanggap na ang mga ginagawa halimbawa ng tmz.
sa huli, ang insidente sa pagitan ni raymart/claudine at mon tulfo ay patunay ulit ng mga problema’t kakulangan sa ating paliparan. saan ka ba naman nakakita ng pandaigdig na paliparang walang gumaganang cctv? di rin sapat ang kapulisan at seguridad. bukod dito, tila di rin supisyente ang kaalaman ng mga ito kung paano imani-obra ang mga insidenteng ganito. at dahil sa dagsa ang mga mananakay dala ng tag-init, di rin kinaya ang dagsa ng mga bagahe kaya abut-abot ang ngitngit ng mga gaya ni claudine. hay naku.

No comments:
Post a Comment