Friday, June 1, 2012

pos

para kang nana sa nagnanaknak na sugat. makati, namamaga at nagdudulot ng kirot. parang hanip na nagsusumiksik sa pinagtahian ng dalawang piraso ng tela. sabi ng mga detektib, may isang kaso raw sa kanilang karera na tila di maaalis sa listahan. mukhang sa akin, ikaw na ‘yun. 


o pos, lubayan mo na ako. ‘wag ka na sanang lumitaw sa dako pa roon. itago mo ang iyong sipiyu sa baul. ihagis mo ang iyong monitor sa malayong ibayo. ibaon mo sa lupa ang iyong panglimbag. ipaanod mo sa pusali ang mga kapapelan at tinta. magpakalayu-layo ka… ‘yung di ka na matatanaw sa landas ko. isama mo ang walang wawang bumbay. isilid mo sa kaha de yero ang bumbay na ito at huwag hayaang makaalpas. konsulting kuno pero ang ginawa lang naman ay koordinasyon. eh kahit sinong nasa kolehiyo pa ay maaaring magawa ‘yun! liban nga ako pero ginagawa ko pa ang mga buwisit na slayd para sa buwisit na proyektong ito. nagkober sa trabaho ng apat na tao, ‘yun ang ginawa ko sa proyektong ito kahit na ang usapan ay tutulong lang ako.


tigilan na natin ang kahunghangang ito. wala nang ulitan. di rin taympers. ayawan na pagdating sa pos.

No comments: