Friday, November 30, 2012

Andres Bonifacio

pambansang bayani. 
unang pangulo ng pilipinas. 
dakilang pilipino.  

San Pedro Calungsod

san pedro calungsod, pangalawang santong pilipino. 
isang pagpupugay sa kanyang kabanalan 
at sa inspirasyong hatid ng kanyang buhay at pananampalataya.

baboy



ayon kay george bernard shaw, ang pakikipagtalo o pakikipagkumpetensya sa isang amo ay parang pakikipag-wrestling sa isang baboy. habang kinakapitan ng putik ang lahat ng bahagi ng iyong katawan at nanggigitata sa dumi, aliw na aliw ang baboy sa pagbubunong ito. ito rin ang linyang-dunong na hatid ng aming tagasuri ng merkado ng suplays.

eksakto ang linyang ito ni shaw upang ilarawan ang pagka-amo ng lamanlupa. walang humpay ang pagdududa, panghahamon at pagtutol nito sa mga lahat ng mga bagay. kagaya ng isang baboy sa putikan, ramdam ang pagkalugod nito sa pakikipagbuno sa lahat ng mga kapangkat. di ako magtataka kung isa-isang magsialisan ang mga taong ito sa nalalapit na mga araw.

sinabi ko na ngang di na ako ang dapat pang maghatid ng presentasyon sa disyembre. una, di na ako ang makikita nila sa susunod na raun kung kaya’t wala nang malaking rason kung bakit kailangan ko pang gawin ito. pangalawa, niliwanag ko rin na ang prosesong ito ang isa sa nagpabigat ng aking pakiramdam at nagpatanda sa akin ng dalawang dekada noong setyembre. pangatlo, ni hindi ko nga naramdaman na may magandang idinulot sa akin ang pagpe-present sa kliyente dahil puro pabalat-bunga lang naman ang mga pahatid na nakarating sa akin. kinlaro ko rin na sa sandaling magpasya akong umalis sa pangkat na ito, ang hahalili sa posisyong ito na dapat ang gumawa nito.

pero hindi. sang-ayon sa klasikong lamanlupa, ipinipilit pa rin nito na gawin ko ito sa disyembre. kesyo di pa raw handa ang napili niyang gumawa nito sa marso at magkaiba raw ang aming istilo sa pagpe-present kung kaya’t kailangang gawin ko pa ito sa huling pagkakataon. may mga pambobola pang komportable raw sa akin ang mga bumili ng datos kaya dapat pang muling danasin ang matinding istres.
  
ang lahat ng ito’y bunga ng panggigipit at pamimilit dahil nakapagpasya na ang lamanlupa. oo nga pala. di pa nalalayo ang mga galamay ng mandragora. may kamandag pang maaaring lumason sa mga araw ng disyembre dahil sa kanya.

makikipagmatigasan ba ako? o bibigyang-daan ko pang muli ang ibayong istres? 

dalangin ko lang na sana’y may magandang balita ang pagdating ng marinero sa pangalawang linggo.

Wednesday, November 28, 2012

leader

Great leaders are almost always great simplifiers, 
who can cut through argument, 
debate and doubt, 
to offer a solution everybody can understand. 
- Colin Powell

Tuesday, November 27, 2012

Monday, November 26, 2012

kordyal



magmula nang banggitin ko ang mga linyang may kinalaman sa pag-alpas, totalmenteng nag-iba ang ihip ng hangin. wala na ang di magkamayaw na pambubuska sa parehong-oras. tumigil na rin ang mga sarkastikong hirit. nagkaroon na rin ng mga karampatang pagbati sa mga elektronikong sulat. higit sa lahat, huminto na nga ang walang wawang panglulundo. tila may salamangka ngang hatid ang pagpapahiwatig ng pag-alpas!

depensibo pa kasi noong unang bahagi ng pagtasa. kesyo binak-apan daw ang mga pigurang ‘yun ng malaking tao at maliwanag daw ang ekspektasyon maski berbal lang ang mga ito. kahit na nga mabababa ang karamihan ng mga marka, wala akong ni isa mang hinamon sa mga ito. para sa akin, kung ‘yan ang pagtingin mo, eh di ‘yan na ‘yan. ngunit dapat ding kinilala ng dokumentong iyon na walang anumang pagtasa at pagse-set ng mga target na naganap sa nakaraang taon. wala kasi ni isa man lang na banggit dito sa kabuuan ng excel na ‘yun. nagpatuloy sa mga blah blah hanggang ibigay sa akin ang pagkakataong magsalita. at sinimulan ko ito sa pagsasabing nais ko na ngang umalpas. ang pagkapanghal ng aking isipan at bigat ng batok ang nangunguna sa lahat ng salik sa desisyong ito. di naman kataasan ang sahod upang masabi na may pantubos sa lahat ng di kailangang istres. at ito na nga ang naging hudyat ng dagling pagpapalit ng panahon. bigla-biglang naging kordyal at di mapanghamon. nagpatuloy ang di natural na pagiging grasyoso hanggang sa mga sandaling ito.
   
ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, alam kong panandalian lamang ang mga ito. sabi nga ni silvan shalom, mahalaga ang tigil-putukan ngunit ito’y tumatagal lamang sa napakaikling panahon. tiyak na babalik ang mga sandaling wala na namang habas ang panglalason ng mandragora. taal na kasi ang ganitong gawi. di na mababago pa maski ng anumang pagsasanay o pangangailangan.

sa ngayon, naghihintay lamang ako ng anumang pahayad sa isang bagong puti sa himpapawid. may bahagi pa rin sa akin na umookey sa ideyang umiba pero dito pa rin. pero kung di ayon sa aking naisin ang ihahain, ihahain ko na rin ang pinal na paunawa.

Sunday, November 25, 2012

Wat Arun



of bangkok's hundred or so temples, wat arun is my favorite. the first time i went to bangkok, i went to wat arun alone. i wasn't able to climb its steps so during my trip in june of this year, i made sure to go up its 282 ft prang. wat arun is one unique temple, with its khmer style.  


Saturday, November 24, 2012

twenty

just before my trip to korea, it has reached twenty. yup. twenty. the teen phase is over. will there be more? only time can tell.

Thursday, November 22, 2012

patience



Patience is the ability to count down before you blast off.


Wednesday, November 7, 2012

overthinking

Over thinking ruins you. Ruins the situation, turns things around, makes you worry, and just makes things worse than it actually is.
- Unknown

Sunday, November 4, 2012

bay hotel

the last singapore trip i had i stayed in bay hotel. just a few steps opposite vivo city in telok blangah road, bay hotel has that modern feel. but it has some of the smallest rooms i've seen in a hotel. everything's cramped in a very tiny space although it's still is functional. the food is not bad could be improved. what's good with this hotel is its proximity to vivo city and harbourfront mrt station. 


countdown



di ko nakasanayang gumawa ng mga kawntdawn. maski nga sa pasko o bagong taon, hinahayaan mo lang lumipas ang mga araw. o kaya kapag may inaabangan akong biyahe, di ko binibilang ang paglipas ng bawat araw. darating din naman kasi ang araw na ito. di na kailangan pang sadyang gumawa ng kawntdawn.

pero nitong mga nakaraang linggo, magmula ng setyembre, ang kawntdawn sa aking isip at kalendaryo ang naging mapagtitiwalaang kaibigan ko. ang mga panahong ito na kasi yata ang pinakanakalalasong mga araw sa loob ng marami kong taon sa aydisi. sabi ko nga sa ibang mga paskil dito, para bang may nakadagang adobe sa dibdib ko nitong mga nakaraang araw. bukod pa sa bigat ng batok at walang habas na hataw ng sakit ng ulo.

sa pamamagitan ng kawntdawn, humuhupa maski paano ang istres ng dulot ng lamanlupa. kapag sinasabi mo na “dalawang araw na lang” o kaya ay “miyerkules na”, may kung anong ginhawang dulot sa pakiramdam. nakahihinga ng maluwag kapag napapaalala sa iyo na malapit na ngang magwakas ang nakapapagod na araw. naiibsan din ang bigat sa dibdib sa tuwing maiisip na malapit ka na sa dulo ng nakapagpapatandang gawain o kabuuang trabaho. pinatutunayan ng kawntdawn na matatapos din ang pagdurusa. sabi nga nila, wala namang permanente sa mundo, maging ang istres o paghihirap. salamat sa kawntdawn. kundi ko siguro iniisip na lilipas din ang paghihirap ay matagal na akong inatake sa puso.

kaya naman ngayon, ibang uri ng countdown naman ang ihip ng hangin. inihanda ko na ang aking sarili na ang linggong ito ay puno na naman ng mga kabulastugan at antiko ng kumplikador. siyempre, ibayo pero di naman kailangang istres na naman ito. isang linggo lamang at tatlong araw sa susunod na linggo bago kami tumulak papunta sa lugar ng mga koreano. pagkatapos nito, dedlayn na. dedlayn na talaga.

nobyembre, maging maginhawa ka sana maski paano. pakiusap lamang.