Thursday, August 29, 2013

Da Vinci

dumating na nga ang paham na si leonardo da vinci sa manila at ito ay sa pamamagitan ng eksibisyong da vinci – the genius sa the mind museum. ito na raw ang pinakakomprehensibong eksplorasyon ng pamana ni da vinci na gawa ng grande exhibitions australia. may halos 200 na mga gawa ng henyo ang makikita sa eksibit. mula sa kanyang mga likhang sining, pandigmang kagamitan, mga kodisyo, at maging mga prototipo ng mga makinang panlipad. kagabi, saksi kami nila ate joy at chumcie sa selebrasyon para sa isa sa impluwensyal na mga indibidwal sa kasaysayan ng tao. di matatawaran ang ambag ni da vinci sa kabihasnang mayroon ang mundo. mantakin mong ilang daang taon pa ang bibilangin pagkaraan ng kanyang kamatayan ngunit inilatag na niya ang batayan para sa modernong imbensyong tulad ng parakaida, elikoptero, eroplano,  bisikleta, otomobil at maging submarino. lahat ng ito’y nagkaroon ng malalim na impluwensya at nagbigay-daan sa modernong pamumuhay na alam natin ngayon.



nakatutuwa ang interaktibong ekperiyensya sa the mind museum. bawat sulok ng eksibit ay nakatuon sa  isang tapyas ng pagkahenyo ni da vinci. bubulaga sa iyo ang ikonikong mga dibuho ni da vinci tulad ng mona lisa at the last supper, habang ihahaylayt naman ng ibang porsyon ang kanyang mga imbensyong pangmilitar, akwatiko, paglipad, mga ilustrasyong pang-anatomiya at marami pang iba. di ko na nga napansin ang mga kawikaan sa pasukan ng eksibit kaya bago umalis ay binasa ko ang mga ito. maaaring may pinagdadaanan lang ako sa buhay-trabaho kaya napukaw ng mga linyang ito ang aking atensyon ngunit akma pa rin ang mga aksyom na ito sa pang-araw-araw na buhay hanggang ngayon:

every now and then go away, have a little relaxation, for when you come back to your work, your judgment will be surer. go some distance away because then the work appears smaller and more of it can be taken in at a glance and lack of harmony and proportion is more readily seen.

experience does not err. only your judgments err by expecting from her what is not in her power.

alam kong hindi mamuseo ang mga pinoy tulad ng ibang lahi. pero hindi dapat puro sa mga mall ubusin ang enerhiya, pera’t panahon. maano ba namang kumultura magkaminsan at paganahin ang analitikal na bahagi ng utak. magandang simula para sa lahat ang mind museum at ang bago nitong eksibit kay da vinci.  

No comments:

Post a Comment