saang baul mo ba kinuha ang barong mo?
kulang
na lang ay sunglass, PSG na ah!
anong
masasabi mo, mayor?!
ganitong
mga hirit ang normal mong maririnig mula sa mga tao kapag ang isang lalaki ay
nakabarong. maging sa kasalan o kaya ay may kinalaman sa mga gawaing
pangkorporeyt, normal na lang yata sa maraming pinoy ang magkomento ng mga
ganito. puwede kasing di sanay ang mga taong makakita ng nakabarong sa maraming
pormal na okasyon. o sanay ang maraming tao na iugnay lamang ang barong sa
gawaing pampulitika o laging suot ng maraming pulitiko. pero mas nakababahalang
malaman na may mga taong mababa ang tingin sa barong. bahagi na lang daw ito ng
nakaraan kaya dapat ay nasa baul na lamang. o kaya naman ay mas maganda raw ang
kanluraning kasuotang long sleeves at amerikana.
ewan
ko pero karuwagan at pagtataksil sa bayan ang pagkakaroon ng mababang tingin sa
barong. higit sa kung anupamang dahilan, pamana ito ng ating lahi. kung paanong
ganoon na lamang ang pagmamahal ng ibang lahi sa kanilang tradisyunal na
kasuotan, may mga pinoy na may gana pang magtawa sa barong o sa nakasuot nito.
ok lang ang ibang hirit tulad ng may kinalaman sa mga pulitiko pero dapat ito'y
walang bahid ng masamang panlasa. walang monopoliya ang mga pulitiko sa pagsusuot
ng barong. kung paanong karaniwan lamang ang batik ng mga indones, dapat ay
sanay din ang mga pinoy sa mga nakabarong na di pulitiko. oo nga't may
binabagayan ang barong pero ang amerikana rin naman. may mga nagsusuot ng
amerikana pero ang kulang na lang ay salaming pantabing sa kanilang mukha, mga
bulaklak at naghihinagpis na mga kamag-anak.
bakit
di mo magugustuhan ang barong? puti, malinis at magaan ito sa paningin ng
marami. presko at akmang-akma sa mainit na panahon dito sa pilipinas. madaling suutin…
kailangan lang ng puting kamisa sa loob, ayos na ang buto-buto. dapat lang ay
di masyado itong maluwag pero di na kailangan ng necktie para matawag na pormal
kaya bawas na rin sa gastos. makagagalaw at makakikilos ng maayos ang maysuot
nito… wala nang kailangan pang hubaring amerikana kapag di na komportable ang
maysuot. ekonomikal, praktikal, moderno, presko, madaling isuot at dalhin, at
higit sa lahat, pinoy na pinoy at sariling atin.
paninindigan
ko ang barong tagalong at pagsusuot nito. may kung anong saya ang dulot ng
barong sa akin. direktang kawing ito sa mayamang kasaysayan ng aking lahi. pakiramdam
ko, lalo nitong pinatitingkad ang aking aking pagka-pinoy at sa tulong nito,
naipagsisigawan kong "pinoy ako"!
No comments:
Post a Comment