bunga
ng masukal na dalitan sa bundok, kinaladkad ang sarili pabalik sa pamilyar na
sentro ng kalakalan sa bansa. luminga-linga at naisip na sumubok ng bago sa
santuaryo. lumipat daw kasi rito ang 10,000 taon. baka mas ok at malapit lang
sa kalsadang ipinangalan sa iba't ibang mga puno. tambilangan paroo't parito
pero napakaraming tanong at higit sa lahat may kagat ang fiyat. parang lugi
yata. ngunit nanaig ang kalam ng sikmura… maraming tao ang may malalim na takot
sa pagkagutom kung kaya nagpatianod na lang. pikit-matang tinahak ang dako pa
roon, bukas ng pinto sa europa at naisyuhan ng oda, sabay tambilangan ng numero
nito.
ilang
minuto lamang ang lumipas at tumunog na ang kapizili. nariyan na raw ang aking
pagkain… ito pala ang pagbati sa emperador. di gaanong matayog pero may angking
tamang kabulugan at ngislak ang tangan. sevimli, ito ang unang intiba. unang tanong
ay paano raw nalaman ang 10,000 taon… saang peryodiko raw nanggaling ang
impormasyon. tunggak na tanong… mayroon pa ba ngayong wala sa midya? siyempre wala…
wala nang ligtas sa epekto ng pangatlong plataporma.
at
ito na nga… simula na ng harina. dovadova rito, dovadova roon. walang gaanong palabok
na pampaalsa pero maganda ang lagihay at lagutukan. pagkatapos nito ay kaunting
regatearan… bago ito ha pero wala namang kabuwisitang dulot. palpak ang gripo
sa kainan, itatawag pa sana pero sumige na nga kasi nasa eiliad na. buminmek na
ang 10,000 taon… sapul na sapol ang kuwing. walang pakundangan at pumasada nang
pumasada. lumantak nang lumantak. nipa kung nipa. degmek kung degmek kasama ang
lisan. akala'y walang maaasahang sirik pero sumisilakbo rin pala. at gibi ang
bas lalo na nang malapit na ang rurok ng sulak. gumiri nang matindi at yupmapak
ang ipong sut. sapat ang onsa. o anong lirip!
pinatapos
pa… balik sa nipa at degmekan. medyo matagal nga kasi pero ok lang daw. sambulat
at natighaw ang kagutuman. salamat. literal na kahulugan ay 10,000 taon…
pagbati na ang kahulugan ay mabuhay at mahabang buhay para sa emperador.
No comments:
Post a Comment