at
naulit nga. naulit nang naulit. labing-anim. ngayon ay labimpito na. hanggang
kailan kaya ang kawntdawn na ito?
may
pagtatanong pa rin kasi kung bakit humaba ang hugpungang ito. una, di biro ang
nakataya rito. angking kapararakan ang mayroon sa bawat tagpo. pangalawa, di naman
talaga ganoon kaayo. may pagkagrosero. oo, kahit na nga umawas na ay dama pa
rin ang angking rudo. pangatlo, may iba pa nga sigurong higit na luntian sa
ibang dako. may higit na matayog ang tikid. maaaring may mas kaaya-aya o lalo't
higit ang facha. napakaraming isiping kahigitan at kung anu-anong mga
posibilidad na kumbinasyon ng abentaha.
pero
ngunit datapwat ano ang nangyari? nakuluban ang lahat ng ito ng
pinagsama-samang mabubuting salik. una, agos na nga ang kalipunan. ol awt na
kumbaga. pangalawa, may palagayang-loob na wala sa iba. pangatlo, maigi ang
ihip ng hangin sa tuwing may puwente.
bahagi
rin nito ang kasanayan sa gawi… mahirap na ngang sumugal sa ibang dako. baka
matapilok. baka walang tulad nito. baka mas pumangit pa ang takbo ng mga bagay.
baka malasin sa bagong landasin.
ewan ko nga ba. tingnan natin kung saan pa ito magsasanga. habang maayos pa ang mga bagay-bagay, pigain ang mapipiga. lasapin ang bawat galak at magpatiagos dito hangga't mayroon pa.
No comments:
Post a Comment