tila
di na madaragdagan. hanggang 25 lamang, ito ang pakiramdam. tatapatan lang nito
ang 25 noong 2013 ngunit higit na mataas sa 20 noong 2014. ngunit may iba
palang adhika ang hangin ng disyembre. may iba itong tulak na nagwiwikang
pumalaot pa… bumubulong ng "isa pa" at nagsasabing magalak sa isa
pang pagkakataon bago magpalit ang taon. at dahil nais din namang kumaripas ng
kagalakan, umisa pa bago matapos ang taon.
at
di nga nagpapigil. kahit madaling-araw na ay sumibad pa rin. kaway sa kamagong
at sa isang iglap ay nasa edsa na. walang hintayan, kahon na agad. di pa
natatagalan ay nagsimula na. mabilis ang unang sulak ngunit tunghay ito.
meryendang klub bago ang pangalawang bilog. isinalikop sa lahat ng sulok ang
tikid at sumulak. mabilis din ang nipa pero sakto naman sa limitasyon. ito na
nga ang pangdalawampu sa puwente. dalawampung mga tagpong kintal na sa
kamalayan.
siyempre,
natapos nga ang 2015 sa 26. sa kabuuan, 116 na ito magmula nang isang gabing
iyon sa lungsod ng ping pong noong oktubre 2010. 52 na ang suma at karamihan
nito'y luntian, walang lunan, partido liberal at pook urban. 50 sa pangalawang pinakamayamang
lungsod sa pinas, 34 sa kabisera, 19 sa lungsod ng ping pong at pito sa kuba.
o siya… 2016 na.
tiyak na madaragdagan pa ang numero. sana ay maging puno ng kaiga-igayang
sulak, nipa at matayog na tikid ang mga karagdagang ito. kailangang tumuklas ng
bago ngunit ok pa rin naman ang ilang mga luma. gudlak!
No comments:
Post a Comment