tagal
ng pinagsamahan natin. bumilang ng napakaraming buwan. taon nga ito. 'pag
weekdays, umaga pa lang ay magkasama na tayo. pagkagising ko, ikaw agad ang
hinahanap ko. maliligo na lang, kailangan pa rin kita. pag-uwi galing trabaho,
ikaw agad ang kasapakat ko… kailangang magkita agad tayo. kahit na nga di pa
nahuhubad ang sapatos, ikaw agad ang aking kaulayaw. umaabot hanggang
madaling-araw ang ating gabi-gabing date. madalas pa nga ay inuumaga tayo at
maghihiwalay lamang kapag papasok na ulit ako sa trabaho.
siyempre
mas matindi ang ulayawan natin 'pag weekend. sabado ng umaga pa lang ay simula
na agad. di maaaring wala ka sa aking paningin sa buong araw. walang tigil ang
ating weekend date… ligo at maikling idlip lang ang pahinga. tuloy-tuloy
hanggang maglinggo na. walang patid. walang puknat. ako na nga ang susuko dahil
sasakitan na ako ng ulo sa walang patumanggang pakikipag-ulayaw sa iyo. at
siyempre ay magkatabi tayo sa pagtulog.
kaya
ang sakit nang ikaw ay lumisan. ang sakit-sakit. masakit kasi para bang
ganun-ganon lang 'yun. ang tagal natin di ba? bumaha na't lahat dala ng ondoy
at habagat, ang tagal nating magkasama sa unit 112. sa tuwing may biyahe ako,
di ako makapaghintay na uwian ka at tayo'y muling magkasama. alam mo lahat sa
akin. ikaw ang tangi kong karamay 'pag may unos. pinapawi mo ang lumbay ko at
pinapatid ang inip sa mahabang mga araw. kabahagi kita sa lahat ng tuwa't saya
at kasama sa bawat hakbang. sa iyong balingkinitang katawan araw-gabing
nakadampi ang aking mga palad.
pero
bakit isang araw ay nalaman ko na lang na umalis ka na? magbabagong taon pa
naman nun… hindi ba masayang sa pagsalubong sa 2016 ay tayo pa rin. tayo pa rin
ang araw at gabing magkasama sa bawat paglalakbay. tayo pa rin ang
makakatulugan na lang ang bawat isa. ang hirap eh. alam mo 'yun. ang hirap
tanggaping wala ka na. mahirap isipin na tuluyan ka nang sumuko. sinukuan mo
ako… ito 'yung napakalaking grabang nakadagan sa aking dibdib.
ang
masakit pa rito… sinisisi ko ang sarili ko sa iyong pag-alis. demanding ako.
'pag ginusto ko, dapat ay masunod kahit pa maging magdamagan ito. anuman ang
nais ko ay kailangang mangyari. mahirap akong pakisamahan. di ko iniisip ang
iyong kapakanan. madalas ay nalilimutan kong bigyan ka ng tamang atensyon at ng
arugang ukol sa iyo sa kabila ng ilang taong pagtitiis mo sa akin. kahit na nga
sino ay parang isang bumbilyang mapupundi dahil sa akin. kaya siguro pinili
mong umalis at iwan ako.
kaya
heto ako. kahit nahihirapan, sinusubukang mag-move on. kahit sumasakit ang mata
ko dahil sa silaw at sumasakit ang aking balakang dahil sa paroo't parito,
pinipilit kong tanggaping di ka na babalik. alam kong di ka na babalik. di mo
na ako babalikan.
ayaw
ko man pero panahon na upang ika'y kalimutan at maghanap na ng iba. mahirap na
walang gaya mo sa araw-araw. sobrang hirap talaga kaya napapalatak na ako ng kung
anu-anong hugot lines… o aking remote control.
No comments:
Post a Comment