ariba
na naman ang isang ito. isang linggong tila ba isa siyang nagnanaknak na nana. malamyos
na tinig kuno pero isang tunay na halimaw – sa loob at labas ng pagkatao.
hay
naku, 'wag ka kasi masyadong pabituin. di dapat na gumawa ng isyu dahil lang sa
pakiramdam mong dapat ay gumawa ka ng isyu. di dapat na umangkin ng kung anuman
dahil lang pakiramdam mo ay dapat iyo ito. iwasan mo na kasing pumaimbulog
dahil wala na nga… lipas na. ang nangyayari tuloy, lalo ka lang pinuputakti ng
birada, mga biradang tulad ng dipikult, biyatch, mangkukulam, anak ng VP at
kung anu-ano pa.
lagi
mong aalalahanin – kung ang mga taong biniyayaan na nga ng kagandahan ng
panlabas na kaanyuan ay tumatanggap pa rin ng sangkaterbang pintas… ang mga
gaya mo pa kayang wala nito. di puwedeng magaspang na nga ang balat, ganoon din
kagaspang ang pag-uugali. di puwedeng delikado na nga ang hitsura mo pati ba
naman ang mga sasabihin mo ay delikado rin. kung nililiparan ng lamok ang iyong
ulo at sing-itim ng kawang di pa naiis-is ang iyong kutis, dapat ay tumpak ang
iyong pag-uugali. di maaaring pumareha sa mga matataray na kontrabidang tipikal
na makikita sa mga teleserye.
kailangang
may isang bagay na sasalba sa iyo. kung di ka maganda, dapat mabait ka. kung di
makinis, dapat ay di halimaw ang pag-uugali. kung di balingkinitan, dapat tama
ang timpla ng mga salitang binibitiwan. kung di ka kagandahan, 'wag kang
umatitud at umastang para bang artista. kung ikaw ay pangit, di ka dapat
mahirap pakisamahan. sa ganoon, may babalikan ang mga tao. may mamahalagin sa
iyo maski paano at mababawasan ang biradang di mo kakayanin kapag ito'y iyong
narinig.
matuto kang humanay... baka sakali ay mabawi mo pa ang paggalang mula sa iba.
No comments:
Post a Comment