Monday, February 29, 2016

eps

eps nga ito. umiinog ang mundo nito sa pagpapalapad ng papel. araw-araw ang kanyang obhetibo sa buhay ay kung paanong mapaniniwala ang mga matatanda sa kanyang galing. walang araw ang lumipas nang di man lang niya nasabi sa ibang tao ang kanyang "husay" at kanyang mga nagawa. eps nga kasi.

epal nga ito. konsistent ang kanyang karaniwang gawain, lalo na tuwing sasapit ang katapusan ng buwan. mabalasik ang mga tono ng pahatid. ni walang mga palabok na hi. mangungutya sa mga gawain at ipadaramang wala ka namang naipapasok sa bilihan. mag-uungkat ng kung anu-anong bagay, kesyo wala pa raw pumapasok at sobrang taas na ng lumabas. at siyempre bubuhatin ang sariling bangko at ipangangalandakan sa iba na kundi dahil sa kanyang punyagi ay wala raw. epal nga kasi.


eps nga ito. nandoon na tayo. sinuwerte ito sa unang bugso kaya mabango ang pangalan. pero lagapak naman nito lang nakaraan. di nga maunawaan ng iba kung bakit ito biniyayaan pa. mabilis pa sa alas-4 kung umangkin ng kredito… ang patalastas sa matatanda ay hulog siya ng langit sa lokal. ang totoo nito ay wala naman talaga, 'yung may kinalaman lang sa tsek ap. yun lang. wala nang iba pa. eps nga kasi.

epal nga ito. alam niya kung kailan mawawala at ipagwawalang-bahala ang mga bagay. ngunit mas alam niya kung paanong sa huling bahagi ng anumang punyagi, bigla siyang lilitaw at magiging panday na magsisilbing tagapagligtas ng sangsinukob. pagsama-samahin ang mga ideya ng iba at ibato itong parang sa utak niya nanggaling. palitawin sa mga matatandang halos di na siya magkandaugaga sa dami ng trabaho gayong alas-3 pa lang ng hapon ay umuwi na siya upang maglaro ng tako. ito ang kanyang natatanging sikreto sa pag-asenso. hay naku. epal nga kasi.

No comments: