Hapon ng linggo.
Ikaw lang at ako.
Ay nandoon pala ang mga guwardya!
Pero para kasing ako lang din naman ang tao roon.
Ako nga lang kasi ang namamasyal.
Sarado ang lahat ng establisyemento.
Wala ang mga nag-oopisina.
Ni walang makainan.
Pero ok lang.
Minangha mo naman ako sa iyong mata paalapaap.
Kakaiba ito sa maraming kapitolyo.
At mahusay na nagkita tayo.
Sa Cabarroguis matatagpuan.
Isang traysikel ang layo mula sa sentro ng Cabarroguis.
Marami pang gusali sa paligid.
Pati na ang panlalawigang himnasyo at trak.
Salamat sa iyong katuwa-tuwang elipsyo.
Salamat sa pagpatingala sa akin.
Salamat sa asul na langit at sa haring araw.
Salamat, kapitolyo ng Quirino sa Cabarroguis.
No comments:
Post a Comment