Tuesday, November 1, 2016

metro ng tubig

malay ko sa metro na 'yan… ni hindi ko pa nga nakikita 'yan sa tagal ko na sa buena casa. sa totoo lang, ni wala nga akong pakialam sa pagbasa ng metro na 'yan maski sa tingin ko'y higit na mababa pa dapat ang binabayaran ko sa buwanang patak ng metro para sa kunsumo ng tubig.



ni hindi ko mamamalayan kung may kakaiba sa pagtakbo nito. una, wala ito sa  yunit ko. nasa dulo ito ng unang palapag at dahil nasa unang pinto ako, di ko talaga makikitang patuloy ang pagtakbo nito. hindi ako magagawi sa bandang ito, maski pa gusto kong makasagap ng tsismis. pangalawa, matagal na ako sa buena casa, ngayon lamang nangyari ang sinasabi nilang aberya sa metro ng aking tubig. sa marami kong taon dito, naglalaro lamang sa 70-100 pesos ang bayarin ko sa tubig. gaya ng sabi ko, pakiramdam ko nga ay di pa dapat ganito kataas ang binabayaran ko dahil mag-isa lamang ako, di ako naglalaba at wala ako sa bahay halos buong maghapon. pero ok na rin kahit sa tingin ko ay mataas pa rin ito. iniisip ko na lamang na mahirap para sa admin ng building na i-compute ang pang-isahang taong kunsumo. di pa ako nagkakaproblema rito sa loob ng maraming taon. pangatlo, hindi ko na nagagamit ang flush ng indoor dahil sira ito, pati na ang gripo sa lababo. kaya nga dapat mas mababa sa 70 pesos ang bayarin ko. higit sa lahat, mapapansin mo ba talaga kung may pagbabago sa galaw ng tubig? imposible ito at di ko ito pag-aaksayahan ng panahong obserbahan.

kaya nga madiin kong sinabing di ko babayaran ang anumang sosobra sa karaniwan kong kunsumo ng tubig. di ko kagagawan kung bakit nagka-aberya ito. pagbalik ko mula sa singapore, wala akong tubig. at nang ibinalik nila ito, wala naman akong napansing pagbabago. nito ulit nang itawag ni shelda, tsaka ko lamang napansin ang sinasabi nilang pagtakbo ng tubig. muli, di ko ito kasalanan.  tungkulin nilang abatan ang mga metro sa araw-araw. silipin at nang kanilang mapansin ang pagtakbong di ayon sa normalidad. hindi ito responsibilidad ng mga nangungupahan.

mabuti at mahusay ang pakikitungo ni kuya isko nang kanyang ayusin ang sistema sa aking yunit nitong nakaraang sabado. pinalitan ang flush at gripo at naging maayos na ito. kundi dahil dito ay tiyak na magtutuloy-tuloy ang inis ko. mabuti na lamang.

dapat lamang na rin ako papanagutin sa mga pinalitan nilang mga bagay-bagay. dapat lamang nila itong palitan. wag na wag din sanang magpaandar ng atityud. cool lang dapat at sana'y magpatuloy ang mabuting samahan.

No comments: