I had always known the sky are full of mysteries - but not until now had I realized how full of them the earth was.
- Miss Peregrine's Home for Peculiar Children
Taipei, Taiwan
November 2016.
Thursday, December 22, 2016
Sunday, December 18, 2016
hiyas
diyamante o anumang
mamahaling bato o mineral. ito ang isa sa pinakamatatagal nang pinag-aawayan ng
mga tao sa kasaysayan ng sangsinukob. ito at mg bagay na pinalamutian ng mga
ito ang unang isinusukbit sa mga nakawan, digmaan at maraming sigalot sa
pagitan ng mga tao. nakakabit sa mga ito ang kapangyarihan, karangyaan,
kayamanan, kapalaluan at karangalan. 'pag nabanggit na ang mamahaling batong
gaya ng diyamante, sapiro, rubi, opal o ang mga presyosong metal gaya ng ginto
at pilak, umiigpaw na ang dugo ng marami dahil sa halaga ng mga ito. pinamamana
pa ang mga ito sa salinlahing di na mabibilang. ginagamit ang mga ito bilang
adorno ng mga karakter na may kinalaman sa relihiyon at upang bigyang ringal
ang mga hari't reyna ng mga monarkiya. maging sa sinaunang pilipinas, may
bigat, bukod sa literal na onsa o kilo, ang mga ito sa buhay ng sangkatauhan.
kaya naman sinusuong
ninuman ang anumang unos, baha o anumang kalamidad makamit lamang ang anumang
hiyas. tatawirin ang anumang mapanganib na sangandaan upang makaumit maski ng
maliit na butil ng mga ito. sasagasa sa anumang bulto ng mga tao, masayaran
lang ang mga palad ng presyosong bato o metal. buong tiyagang maghihintay sa
pagsapit ng takdang panahon upang mahinog ang mga ito. lulubog sa anumang
kumunoy kung ito lamang ang paraan upang makapagmina nito. tatawagin ang lahat
ng santo upang humingi ng katakut-takot na buwenas at biyaya, nang sa gayon,
makaani ng nakakubling uslak. lulunukin ang anumang dangal sa sarili upang
matantusan lamang ng mga ito. kesehodang gumastos pa ng higit sa nararapat
dahil ang iniisip ay ang balik nitong kaperahan sa sandaling tumaas pang lalo
ang presyo sa merkado. handa ring isakripisyo ang buhay kung kinakailangan
dahil di matatawaran ang pagkakamal ng mga mamahaling hiyas.
sa huli, di
maikakaila ang halaga ng anumang hiyas sa tao. oo nga't may mga taong di
mahilig sa anumang alahas, pero ang halina ng mga ito ay tila isang unibersal
na nang-aakot sa kaloob-loobang kalamnan ng mga kaapu-apuhan ni adan at eba…
"angkinin mo ako, mag-may-ari ka ng isa sa amin, gastusin mo ang pera mo
sa isang piraso ng alahas at ikaw ay lulukuban ng ibayong ligaya".
wala akong ni isa
mang piraso ng anumang mamagaling bato. isang singsing at kuwintas (nawala pa
ang pendant), pero ako'y masaya.
ikaw, anong hiyas mayroon ka?
Friday, December 16, 2016
Asiatique
The wheels on the bus go 'round and 'round all through the town.
- Yuri Boy
Asiatique, Bangkok
December 2016.
- Yuri Boy
Asiatique, Bangkok
December 2016.
Tuesday, December 13, 2016
Monday, December 12, 2016
hugot
limang taon. oo,
limang taon tayong magkasama. limang taong puno ng abentura. puno ito ng saya,
galak at higit sa lahat, kusa mo itong ibinigay sa akin. di ka naghintay ng
anumang kapalit. kaya naman ganoon na lang ang aking galak at pasasalamat nang
dumating ka sa aking buhay. hulog ka ng langit, batid ng aking puso't isipan.
dinala mo ako sa
ibang daigdig gaya ng sa nat geo at discovery. bikaryong ipinatikim mo sa akin
ang mga pinagluluto ng mga tao sa master chef at mga hinurnong cake sa cake
boss. inaliw mo ako sa pamamagitan ng mga palabas na panonoorin mo lang upang
may ingay sa aking bahay tulad ng maynila, sarap diva at mga balitang
paulit-ulit lang sa cnn at aljazeera. tumaas ang aking dugo sa eksaytment dahil
sa mga isports – mula sa tennis, volleyball, olimpiyada, badminton at marami
pang iba. mataman mo ring pinuno ang aking isipan ng mga impormasyong
pangkasaysayan at lalo na sa mga pangyayari sa kasalukuyan. inaliw mo ako sa
pamamagitan ng mga pelikulang kahindik-hindik, aksyon, madrama at may komedya
rin. binigyang-daan mo ang pagkakakilala ko sa mga karakter ng downton abbey at
ilang mga seryeng di ko rin naman nasundan masyado pero nalaman ko ang maliit
na anggulo ng mga ito.
higit sa lahat, ikaw
ang nagbigay-daan upang maaliw ako sa mga oras na wala namang wawa ang mga
bagay-bagay. kinasangkapan mo ang iyong sarili upang ako'y makalimot sa mga
suliranin at makatagpo ng panandaliang lamyerda palayo sa mga isyu. ikaw ang
aking kasama sa araw-araw na ginawa ng diyos, mula umaga't pagkagising ko,
hanggang makaalis ako patungong trabaho at makauwi mula rito. ikaw ang konstant
sa aking buhay. sa maikling salita, limang taon mo akong pinaligaya. limang
taong walang anumang balik. libre ito, di ko kinailangang magbayad. minahal mo
ako nang buong-buo!
ngunit, natapos na
ang maliligayang araw na ito. bigla kang nawala. makailang beses kong binalik-balikan
ang dati nating tagpuan ngunit wala ka na. tahimik ang paligid at di ka
umiimik. noong una, inakala ko pang maysakit ka. di ko kasi alam kung naambunan
ka ba nang minsang lumakas ang ulan nang nasa taiwan ako. baka lang kulang sa
pitik sabi ko. pero di pala. wala ka na talaga. sabi ni kuya isko, tuluyan ka
nang kinitil. tuluyan na ngang hinadlangan ang ating hugpungan. tuluyan na nila
tayong pinaghiwalay!
masakit sa akin ang
paglisan mong ito. nasanay na kasi ako na lagi kang nandiyan. alam mo 'yung
pakiramdam na bigla na lang kinuha ang isa sa mga alagang hayop o bigla na lang
inagaw ang iyong bag… ganoon ang pakiramdam ko ngayon. nababalot na tuloy ng
nakabibinging katahimikan ang aking tahanan… wala ka na eh. malalim ang mga
hugot, mahirap, masakit at malungkot.
o libreng cable tv
connection, bakit mo ako iniwan? bakit kailangan nating maghiwalay? bakit
kailangan nilang putulin ang kawad? o ang anumang analog na paghahatid ng
mahika mula sa iyong mga kable patungo sa aking tv. bakit? o bakit? bakit
kailangan itong mangyari? hindi ba maaaring lima pang taon? o kahit isang taon
lang. sabi nga ni ogie alcasid:
kailangan
kita
ngayon
at kailanman
kailangan
mong malaman na ikaw lamang
ang
tunay kong minamahal
ang
tangi kong hiling ay makapiling ka lagi
kailangan
kita.
ngunit huli na ang
lahat. huli na nang aking mapagtantong binawi ka na sa akin. di na ako maaari
pang umapela. kung maaga ko sanang nalaman, may nagawa pa ako. pero wala na.
dapat ko na lamang gawin sa puntong ito ay magpasalamat sa alaala, sa iyong
pagmamahal, sa iyong kalinga't biyaya, at higit sa lahat… sa mga perang aking
natipid (PHP 550 ka rin kada buwan; 6,600 kada taon at; 33,000 sa loob ng 5
taon!!)! kailangan ko nang umiba ng dako, maghanap ng tulad mo at may impit na
dasal na sana'y makasumpong ulit ng gaya mo, 'yung di naghihintay ng kapalit…
'yung walang bayad!
magkano nga
magpakabit ng sky cable? o may libre ding sky cable?!
Sunday, December 11, 2016
Mandalay
The way of the gods were not to be fathomed.
Where everything baffled us, their ways would be the most beffudling of all.
- Longitude by Carlos Cortes
Sutaungpyae Paya
Mandalay, Myanmar
December 2016.
Where everything baffled us, their ways would be the most beffudling of all.
- Longitude by Carlos Cortes
Sutaungpyae Paya
Mandalay, Myanmar
December 2016.
sta. cruz
akala'y parang huling
dalawang didjit na ng taon ang magiging ending. di kasi umariba ngayong taon na
ito. daming kailangang pagtuunan ng pansin, di gaanong naging kaaya-aya ang
himpapawid sa pagtuklas ng bagong uslak. at sa unang pagkakataon magmula nang
masumpungan ang biyaya ng kasinatiang ito, walang ni isa man lang mula sa bayan
ng mga kanal sa chao. magkagayunman, ngislak pa rin naman ang hatid ng taong
ito. mantakin mo ba namang pumalo pa rin sa mataas ang total. di nga lang ganoon
karami tulad ng 2015, pero di rin naman pahuhuli ang abenturang hatid ng 2016.
bukod sa dekadang
hatid ng fuente osmena, may iba pang himpilan ang taong ito. una na riyan ang
crispy patang hatid ng tarlac. kaiga-igaya at matayog ang lipad ng saranggola
ni pepe. pumalaot din ang camotes. ibang lebel ang tikid, mahahanay sa maraming
matatayog na lagayan ng watawat. sumunod ang di gaanong mahusay na ronda sa
cebu. nakatatamad ito at tila walang wawa sa uslakan. buti na lang at binawi
ito ng alas ng albany. di ito nagpagupo sa kapaguran at buong giting ang
paggiling sa ginataang suso na may kasamang malunggay. nagbalik sa san mateo
upang makopo ang mga korner. mabilis naman ang sulak at di nataripaan ang sasa
pero ok lang din kasi kaaya-aya ang tanawin. akala'y mabobokya dahil sa isyu sa
koordinasyon ngunit natuloy din ang majayjay. maigsi ito ngunit di naman maikli
ang uswagan at punong-puno ng kangisi-ngising gawain. ang huli ay ang lungsod
sa ibabaw ng bundok. mabilisan ito at ni hindi gaanong nakapagprepara. sakto
lamang ngunit di na muna uulit.
at balik nga tayo sa
sta. cruz. mahirap humindi rito kaya nga shi na ito. kung tutuusin, di ito
eksakto. malayo at kadalasan ay di gaanong nakokopo ang dapat malimbag. pero
iba ang tipnip sa isang ito. kumbaga ay mayroong malalim na hubungan, masaya
ang bawat taripa, karami ng nauuwing gambar at di pumapalya ang dalawang
pustanje kada daan. dahil sa mga ito, di naman nakapagtatakang pumangdeset na
ito.
parang nais pang
tumuklas ng ibang meso bago magpalit ng taon. may panahon pa naman at siyempre
bakit naman magpapapigil sa iba't ibang paktoyd kung magdaragdag naman ito ng
di matatawarang iskustvo.
hanggang sa susunod!
Friday, December 9, 2016
stickers
sa
tuwing darating na lang ang panahong ito, kinokopo mo ang laymlayt. tuwing
lalagpas ang undas, lahat ng taong mahilig sa kapihan at kuwentuhan, ikaw ang
paksa. 'pag lumapit ka sa kawnter, tatanungin ka kaagad kung nais ka bang
makatagpo. sa bawat huntahan, may nagtatanong sa akin kung nag-iipon ba ako ng
tulad mo.
gayon
na lamang ang bigat ng iyong panghalina… ang mga taong magkaminsan lang
nagkakape ay biglang lalaklak ng higit sa isang tasa upang makakuha ng tulad
mo. ang mga mahilig naman magkape, dumodoble yata ang lagok para ikaw ay
dumami. sa mga gaya ko namang malagihay lang ang relasyon sa kape at tsaa,
nahahalina rin akong mag-aya at bumaba upang bumili ng kape… kapalit ng isang
tulad mo.
o
stickers para sa planner, iba ka talaga! kakaibang alindog mo sa ninuman…
hahamakin ang lahat makumpleto ka lamang!
at nakumpleto ko na nga ang akin! CBTL!
Monday, December 5, 2016
Sunday, December 4, 2016
Beitou
There's a balance in this world, and sometimes forces we don't understand intervene to tip the scales the right way. - Hollow City, Miss Peregrine's Home for Paculiar Children by Ransom Riggs
Beitou Thermal Valley,
Taiper, Taiwan.
November 2016
Thursday, December 1, 2016
Diplomat Hotel
"People get too old to care for a place, their family writes them off for one reason or another - it's sad but it happens." - Miss Peregrine's Home for Peculiar Children by Ranson Riggs.
Diplomat Hotel, Baguio City.
July 2016.
Diplomat Hotel, Baguio City.
July 2016.