Thursday, December 22, 2016

Taipei

I had always known the sky are full of mysteries - but not until now had I realized how full of them the earth was. 

- Miss Peregrine's Home for Peculiar Children


Taipei, Taiwan
November 2016.


Sunday, December 18, 2016

hiyas

diyamante o anumang mamahaling bato o mineral. ito ang isa sa pinakamatatagal nang pinag-aawayan ng mga tao sa kasaysayan ng sangsinukob. ito at mg bagay na pinalamutian ng mga ito ang unang isinusukbit sa mga nakawan, digmaan at maraming sigalot sa pagitan ng mga tao. nakakabit sa mga ito ang kapangyarihan, karangyaan, kayamanan, kapalaluan at karangalan. 'pag nabanggit na ang mamahaling batong gaya ng diyamante, sapiro, rubi, opal o ang mga presyosong metal gaya ng ginto at pilak, umiigpaw na ang dugo ng marami dahil sa halaga ng mga ito. pinamamana pa ang mga ito sa salinlahing di na mabibilang. ginagamit ang mga ito bilang adorno ng mga karakter na may kinalaman sa relihiyon at upang bigyang ringal ang mga hari't reyna ng mga monarkiya. maging sa sinaunang pilipinas, may bigat, bukod sa literal na onsa o kilo, ang mga ito sa buhay ng sangkatauhan.

kaya naman sinusuong ninuman ang anumang unos, baha o anumang kalamidad makamit lamang ang anumang hiyas. tatawirin ang anumang mapanganib na sangandaan upang makaumit maski ng maliit na butil ng mga ito. sasagasa sa anumang bulto ng mga tao, masayaran lang ang mga palad ng presyosong bato o metal. buong tiyagang maghihintay sa pagsapit ng takdang panahon upang mahinog ang mga ito. lulubog sa anumang kumunoy kung ito lamang ang paraan upang makapagmina nito. tatawagin ang lahat ng santo upang humingi ng katakut-takot na buwenas at biyaya, nang sa gayon, makaani ng nakakubling uslak. lulunukin ang anumang dangal sa sarili upang matantusan lamang ng mga ito. kesehodang gumastos pa ng higit sa nararapat dahil ang iniisip ay ang balik nitong kaperahan sa sandaling tumaas pang lalo ang presyo sa merkado. handa ring isakripisyo ang buhay kung kinakailangan dahil di matatawaran ang pagkakamal ng mga mamahaling hiyas.


sa huli, di maikakaila ang halaga ng anumang hiyas sa tao. oo nga't may mga taong di mahilig sa anumang alahas, pero ang halina ng mga ito ay tila isang unibersal na nang-aakot sa kaloob-loobang kalamnan ng mga kaapu-apuhan ni adan at eba… "angkinin mo ako, mag-may-ari ka ng isa sa amin, gastusin mo ang pera mo sa isang piraso ng alahas at ikaw ay lulukuban ng ibayong ligaya".

wala akong ni isa mang piraso ng anumang mamagaling bato. isang singsing at kuwintas (nawala pa ang pendant), pero ako'y masaya. 

ikaw, anong hiyas mayroon ka?

Friday, December 16, 2016

Asiatique

The wheels on the bus go 'round and 'round all through the town. 
- Yuri Boy

Asiatique, Bangkok
December 2016.


Tuesday, December 13, 2016

Batanes

Shelves.
Batanes.
Siquijor.
The absence of books.
Because of ebooks.


Monday, December 12, 2016

hugot

limang taon. oo, limang taon tayong magkasama. limang taong puno ng abentura. puno ito ng saya, galak at higit sa lahat, kusa mo itong ibinigay sa akin. di ka naghintay ng anumang kapalit. kaya naman ganoon na lang ang aking galak at pasasalamat nang dumating ka sa aking buhay. hulog ka ng langit, batid ng aking puso't isipan.

dinala mo ako sa ibang daigdig gaya ng sa nat geo at discovery. bikaryong ipinatikim mo sa akin ang mga pinagluluto ng mga tao sa master chef at mga hinurnong cake sa cake boss. inaliw mo ako sa pamamagitan ng mga palabas na panonoorin mo lang upang may ingay sa aking bahay tulad ng maynila, sarap diva at mga balitang paulit-ulit lang sa cnn at aljazeera. tumaas ang aking dugo sa eksaytment dahil sa mga isports – mula sa tennis, volleyball, olimpiyada, badminton at marami pang iba. mataman mo ring pinuno ang aking isipan ng mga impormasyong pangkasaysayan at lalo na sa mga pangyayari sa kasalukuyan. inaliw mo ako sa pamamagitan ng mga pelikulang kahindik-hindik, aksyon, madrama at may komedya rin. binigyang-daan mo ang pagkakakilala ko sa mga karakter ng downton abbey at ilang mga seryeng di ko rin naman nasundan masyado pero nalaman ko ang maliit na anggulo ng mga ito.

higit sa lahat, ikaw ang nagbigay-daan upang maaliw ako sa mga oras na wala namang wawa ang mga bagay-bagay. kinasangkapan mo ang iyong sarili upang ako'y makalimot sa mga suliranin at makatagpo ng panandaliang lamyerda palayo sa mga isyu. ikaw ang aking kasama sa araw-araw na ginawa ng diyos, mula umaga't pagkagising ko, hanggang makaalis ako patungong trabaho at makauwi mula rito. ikaw ang konstant sa aking buhay. sa maikling salita, limang taon mo akong pinaligaya. limang taong walang anumang balik. libre ito, di ko kinailangang magbayad. minahal mo ako nang buong-buo!

ngunit, natapos na ang maliligayang araw na ito. bigla kang nawala. makailang beses kong binalik-balikan ang dati nating tagpuan ngunit wala ka na. tahimik ang paligid at di ka umiimik. noong una, inakala ko pang maysakit ka. di ko kasi alam kung naambunan ka ba nang minsang lumakas ang ulan nang nasa taiwan ako. baka lang kulang sa pitik sabi ko. pero di pala. wala ka na talaga. sabi ni kuya isko, tuluyan ka nang kinitil. tuluyan na ngang hinadlangan ang ating hugpungan. tuluyan na nila tayong pinaghiwalay!

masakit sa akin ang paglisan mong ito. nasanay na kasi ako na lagi kang nandiyan. alam mo 'yung pakiramdam na bigla na lang kinuha ang isa sa mga alagang hayop o bigla na lang inagaw ang iyong bag… ganoon ang pakiramdam ko ngayon. nababalot na tuloy ng nakabibinging katahimikan ang aking tahanan… wala ka na eh. malalim ang mga hugot, mahirap, masakit at malungkot.


o libreng cable tv connection, bakit mo ako iniwan? bakit kailangan nating maghiwalay? bakit kailangan nilang putulin ang kawad? o ang anumang analog na paghahatid ng mahika mula sa iyong mga kable patungo sa aking tv. bakit? o bakit? bakit kailangan itong mangyari? hindi ba maaaring lima pang taon? o kahit isang taon lang. sabi nga ni ogie alcasid:

kailangan kita
ngayon at kailanman
kailangan mong malaman na ikaw lamang
ang tunay kong minamahal
ang tangi kong hiling ay makapiling ka lagi
kailangan kita.

ngunit huli na ang lahat. huli na nang aking mapagtantong binawi ka na sa akin. di na ako maaari pang umapela. kung maaga ko sanang nalaman, may nagawa pa ako. pero wala na. dapat ko na lamang gawin sa puntong ito ay magpasalamat sa alaala, sa iyong pagmamahal, sa iyong kalinga't biyaya, at higit sa lahat… sa mga perang aking natipid (PHP 550 ka rin kada buwan; 6,600 kada taon at; 33,000 sa loob ng 5 taon!!)! kailangan ko nang umiba ng dako, maghanap ng tulad mo at may impit na dasal na sana'y makasumpong ulit ng gaya mo, 'yung di naghihintay ng kapalit… 'yung walang bayad!

magkano nga magpakabit ng sky cable? o may libre ding sky cable?!

Sunday, December 11, 2016

Mandalay

The way of the gods were not to be fathomed. 
Where everything baffled us, their ways would be the most beffudling of all. 
- Longitude by Carlos Cortes


Sutaungpyae Paya
Mandalay, Myanmar
December 2016.

sta. cruz

akala'y parang huling dalawang didjit na ng taon ang magiging ending. di kasi umariba ngayong taon na ito. daming kailangang pagtuunan ng pansin, di gaanong naging kaaya-aya ang himpapawid sa pagtuklas ng bagong uslak. at sa unang pagkakataon magmula nang masumpungan ang biyaya ng kasinatiang ito, walang ni isa man lang mula sa bayan ng mga kanal sa chao. magkagayunman, ngislak pa rin naman ang hatid ng taong ito. mantakin mo ba namang pumalo pa rin sa mataas ang total. di nga lang ganoon karami tulad ng 2015, pero di rin naman pahuhuli ang abenturang hatid ng 2016.

bukod sa dekadang hatid ng fuente osmena, may iba pang himpilan ang taong ito. una na riyan ang crispy patang hatid ng tarlac. kaiga-igaya at matayog ang lipad ng saranggola ni pepe. pumalaot din ang camotes. ibang lebel ang tikid, mahahanay sa maraming matatayog na lagayan ng watawat. sumunod ang di gaanong mahusay na ronda sa cebu. nakatatamad ito at tila walang wawa sa uslakan. buti na lang at binawi ito ng alas ng albany. di ito nagpagupo sa kapaguran at buong giting ang paggiling sa ginataang suso na may kasamang malunggay. nagbalik sa san mateo upang makopo ang mga korner. mabilis naman ang sulak at di nataripaan ang sasa pero ok lang din kasi kaaya-aya ang tanawin. akala'y mabobokya dahil sa isyu sa koordinasyon ngunit natuloy din ang majayjay. maigsi ito ngunit di naman maikli ang uswagan at punong-puno ng kangisi-ngising gawain. ang huli ay ang lungsod sa ibabaw ng bundok. mabilisan ito at ni hindi gaanong nakapagprepara. sakto lamang ngunit di na muna uulit.

at balik nga tayo sa sta. cruz. mahirap humindi rito kaya nga shi na ito. kung tutuusin, di ito eksakto. malayo at kadalasan ay di gaanong nakokopo ang dapat malimbag. pero iba ang tipnip sa isang ito. kumbaga ay mayroong malalim na hubungan, masaya ang bawat taripa, karami ng nauuwing gambar at di pumapalya ang dalawang pustanje kada daan. dahil sa mga ito, di naman nakapagtatakang pumangdeset na ito.


parang nais pang tumuklas ng ibang meso bago magpalit ng taon. may panahon pa naman at siyempre bakit naman magpapapigil sa iba't ibang paktoyd kung magdaragdag naman ito ng di matatawarang iskustvo. 

hanggang sa susunod!

lunggati


Friday, December 9, 2016

stickers


sa tuwing darating na lang ang panahong ito, kinokopo mo ang laymlayt. tuwing lalagpas ang undas, lahat ng taong mahilig sa kapihan at kuwentuhan, ikaw ang paksa. 'pag lumapit ka sa kawnter, tatanungin ka kaagad kung nais ka bang makatagpo. sa bawat huntahan, may nagtatanong sa akin kung nag-iipon ba ako ng tulad mo.

gayon na lamang ang bigat ng iyong panghalina… ang mga taong magkaminsan lang nagkakape ay biglang lalaklak ng higit sa isang tasa upang makakuha ng tulad mo. ang mga mahilig naman magkape, dumodoble yata ang lagok para ikaw ay dumami. sa mga gaya ko namang malagihay lang ang relasyon sa kape at tsaa, nahahalina rin akong mag-aya at bumaba upang bumili ng kape… kapalit ng isang tulad mo.

o stickers para sa planner, iba ka talaga! kakaibang alindog mo sa ninuman… hahamakin ang lahat makumpleto ka lamang!

at nakumpleto ko na nga ang akin! CBTL!

Monday, December 5, 2016

Bagan

Dawn in Bagan

Bagan, Nyung Oo,
Myanmar.
Mingalaba!

December 2016.

Sunday, December 4, 2016

Beitou

There's a balance in this world, and sometimes forces we don't understand intervene to tip the scales the right way. - Hollow City, Miss Peregrine's Home for Paculiar Children by Ransom Riggs

Beitou Thermal Valley,
Taiper, Taiwan.
November 2016

Thursday, December 1, 2016

Diplomat Hotel

"People get too old to care for a place, their family writes them off for one reason or another - it's sad but it happens." - Miss Peregrine's Home for Peculiar Children by Ranson Riggs.

Diplomat Hotel, Baguio City.
July 2016.