Thursday, May 31, 2012

walo

namutakti nga ang mayo. puro dot. halos kada linggo, nagkaroon. sulang harinahan tapos kumaldag ang dapat kumaldag. sumulak ang nais sumulak. serye ng adot ay kamrukan nito lang. pangwalo.

mahaba ang digitan. napagkamalan pang wednesday ang wendy’s. may kaunti ring alinlangan sa kung anong tabernakulo ang sasadyain. pero natuloy din. glorietta. membeli ng bilyete. tagal bago makarating! di alam kung saan makabibili ng bacon cheeseburger. late sa puting telon. simula na ang abentura nina will smith at tommy lee jones. masaya ang plik. kaunting hithit at lumakad pakanan. punuan ang patimog kaya balik sa gilid ng dusit. 70 hanggang sa rotunda na wala namang pabilog na plano. may kaba kaya isa-isa ang pasok sa piksyunal na lungsod ayon kay jean-claude forest. panhik na at dumigit na. mata sa mata sa silipan.

wisik-wisik. libre ang kakaibang bakbakan sa bubtyub. daming usalan. dalawa lang magberadik at may pamilya na rin ang kakak. karumah ang bapa at nenek na lang sa malibay. walang trioptage ang bapa at nagkasakit ito ng colon cancer pero gumaling. hiwalay ang mga indung at nakapiit pala ang ibu dahil mencandu raw ito. siyam na taon pa lang ng huling makita. nagkaroon na rin ng maraming priatel’ky, ‘yung huli ay nitong disyembre lang.

bukod sa mga ‘yun, karamihan ay kritik sa kung anong meron sa bubtyub. hanggang sa magderoupa na. tagal na ng kantiyawan eh. walang harinahan sa ikawalo. may kropp sa corpo, pero di ganoon katindi. pero higit na matagal ang kaldag sa likod. masyado lang maligawgawin. panalo talaga ang kieli at lupas pag ginamit ito sa magkabilang krutsgals. ‘yun yata ang sikreto. matiyaga sa nipitan at buong husay ang trabaho. may doigt na rin sa takapuoli pero di interesado sa tuwirang nyakan.



pero parang decepcionante ang ibang hirit sa telepono. buti at walang masyadong dalang pasta. mas maganda ‘yung kusa, di ba? ‘wag na ‘yung may mga kakaibang hirit pa. maghintay at may nakalaan, ‘ika nga. mahirap na.

bukod naman sa mga pahabol, ok naman lahat. kung may kasunod pa, sa tabernakulo na lang din na ‘yun. pero dapat ay may harinahan. di pwedeng wala. adutin ang lahat ng maaaring makamtan.

Wednesday, May 30, 2012

impeached

bago sumalang si ombudsman conchita carpio morales sa senado, kumbinsido akong di mako-convict si renato corona. ang tingin ko, di siya maaalis sa puwesto dahil di maaabot ang kaukulang 16 na boto para tuluyan siyang mapatalsik. tiyak na rin akong ia-acquit siya ng mga senador na sina miriam santiago, joker arroyo at bongbong marcos.

kahapon, abut-abot pa rin ang kaba ko. baka kako magkatotoo ang aking unang pakiramdam na wala ring kahihinatnan ang limang buwang paglilitis. ngunit, salamat naman at taliwas sa naunang hinuha ang kinalabasan. napatalsik si corona bilang punong mahistrado sa botong 20-3. kanya-kanyang pasikat ang mga senador. pagkakataon na nga naman nilang magpa-star sa publiko dahil nakatutok ang halos lahat ng pilipino sa mga oras na 'yun. siyempre pa, pinakawalan na naman ni miriam ang maruruming mga salita at idineklara na naman niya ang kanyang "katalinuhang higit kaninuman".


oo nga't may mga pulitikong higit na garapal ang pandarambong sa kaban ng publiko. umiinog nga ang pagkukunwaring-banal ng ibang nasa puwesto. may mga nasa posisyong grabe ang pagkamalabiga. ngunit di nito dapat hadlangan ang higit na malaking mensahe ng pagkakatanggal kay corona sa posisyon. para sa akin, ang kahalagahan ng demokratikong ehersisyong ito ay ang paghahatid ng mensaheng maski sino'y dapat managot sa bayan at ihantad sa publiko ang mga impormasyong dapat alam namin, gaya ng mga ligal at tagong yaman. pagbabadya ang pagpapatalsik kay corona na handa na ang publikong makitang maalis sa puwesto ang sinuman, maging siya ang pinakamataas na hukom ng bansa. kailangan ng mga mamamayang makasaksi ng tuwirang pagpapanagot sa mga mandarambong at nang mabawasan o tuluyan nang mawala ang kultura ng impunidad o kawalang kaparusahan sa mga halang ang bitukang mga pinuno.

bagamat pulpol nga ang naging dating nina niel tupas at miyembro ng prosekusyon, sapat na sa akin na napatibay nila ang haka-hakang di talaga matuwid si corona. salamat at pinatawag ng depensa si carpio-morales, isang eksperto sa batas na walang bahid ng dumi ang pangala (di gaya ni miriam santiago). dahil sa kanya, tumagilid ang depensa nina serafin cuevas at lalong tumindi ang duda ng mga senador at publiko kay corona.

sa pagtatapos ng paglilitis kay corona, nawa'y matalakay at madesisyunan na rin ang mga nakabinbing panukala ukol sa reproductive health at freedom of information. higit sa lahat, dapat ay habulin na ang mga naglalakihang buwayang sina gloria macapagal arroyo at kanyang mga kachokaran at papanagutin sa batas.

Tuesday, May 29, 2012

har-ppy

bertdey, o'harailt. ang bertdey ay espesyal na araw upang ipagdiwang ang regalong 'ikaw' sa mundo. anumang pangarap, sana'y makamtan, dahil karapat-dapat ka sa mga ito. anumang hiling ng puso, nawa'y mapasaiyo. isang kalugod-lugod na araw at taon para sa iyo! mib3, kain-kain, kuwentuhan, relaks-relaks. har-ppy bertdey!





Friday, May 25, 2012

superiority

may superiority complex nga ba ang mga bumbay? mukhang mahirap nga yatang katrabaho ang mga ito. bahala ka. ikaw nga ang bahala.


Thursday, May 24, 2012

seven

in the mayan calendar, the blue hand is the 7th glyph, which represents creation days and creative perfection association. seven is a happy number. wonders of the world are always seven. of course, there are seven days in a week. there are seven colors of the rainbow. james bond's secret agent number is 007. there are seven chakras. traditional western scale has 7 notes. 7 is also the number of the basic principles of bushido.   in physics, there are 7 SI base units. in jewish weddings, there are seven blessings recited in the huppah ceremony. seven last words during Jesus' crucifixion. the forward or winger traditionally wears the number 7 in soccer. during the 90s, i religiously followed 7th heaven


on the seventh of this series, was there something created? yeah, i guess. was there something associated to creative perfection? looks like it. it was happy and can be included in my list of seven wonders. a rainbow can be seen although it would remain an 007. the petals were triggered really good, upping the tempo everytime. hoping that it will always be bushido-guided -- based on rei, makoto, jin, chugi, gi, meiyo and yuki. on its seventh edition... metre, kilogram, ampere, kelvin, mole, candela and second don't matter anymore. while there are no canopies, that chamber (s) represented some sort of covenant. from the looks of it, there probably won't be any last sayings anytime soon. forward is more likely. what's best is the now. much like the camdens... happy faces smiling back at me.

Wednesday, May 23, 2012

corona

ok na sana. mukhang nakapuntos na ang punong mahistradong si renato corona sa publiko dahil sa kanyang tatlong oras na talumpati't testimonya sa senado kahapon. di man siya nagbigay ng mga tuwirang patunay laban sa mga akusasyon sa kanya, tila nakuha niya ang sentimiyento ng mga mamamayang wala pang desisyon kung siya ba'y maysala o inosente. ginamit niya ang mga probisyon ukol sa akawnt na nasa dolyares at teknikalidad upang salagin ang mga paratang sa kanya. sa pagharap lamang sa korte, parang umayon ang takbo ng mga bagay-bagay sa kanya dahil sa paglapit sa ethos o emosyon ng publiko. pang-maalaala mo kaya ang iskripted niyang pagluha. pinalabukan pa ito ng matatalim na mga tingin sa prosekusyon at pagbibitiw ng mga linyang pang-oratorikal na kontes. mas mahusay pa nga 'ata siyang aktor kina diether ocampo at dingdong dantes! kahit na ba sangkatutak na patutsada sa administrasyong aquino at kay ombudsman conchita carpio morales ang ibinato niya, iginalang pa rin siya ng hukuman at ng mga senador, lalo na ni senador enrile.

tila tumigil ang paghinga ng marami nang simulan niya ang madramang pagpirma sa waiver na magbubukas ng kanyang mga akawnt sa mga bangko. sa twitter, may mga nagsabi pang, "CJ is the man" dahil sa aktong ito ng pagpirma at pagdedeklarang maaari nang bulatlatin ninuman ang kanyang mga rekord. ngunit ito'y bahagi pala ng isang tusong pambablakmeyl sa mga kongresista at sa taumbayan. may kondisyon ang kanyang waiver... bubuksan lamang niya ang mga ito kapag pumirma na ang higit sa 180 na mga mambabatas na sumang-ayong siya ay patalsikin sa puwesto. dahil dito, kanyang pinatunayan na siya ay may mataas na intelek. biruin mo namang ibatong pabalik ang bola sa mga taong nag-akusa sa kanya at hikayatin ang publikong manawagan ng malawakang pagbulatlat sa mga tagong yaman. para saan pa't naging punong mahistrado siya kung di niya gagamitin ang lahat ng tusong istratehiya upang idirek ang daloy ng paglilitis sa isang dedlak. sa huli, naging maliwanag din sa publiko na "di pahuhuli ng buhay" si corona. sa pamamagitan ng mahusay na kumbinasyon ng kaalaman sa batas at tapang ng apog, itinulak niya ang mga senador at ang publiko na magkaroon din duda rin sa mga paratang ng prosekusyon. dahil sa kondisyunal na waiver na ito, malinaw na wala rin palang anumang sinseridad si corona.

pagkatapos ng litanyang ito, biglang tumayo si corona at tumalilis palabas ng bulwagan. ito ay kahit na wala pang pahintulot mula kay enrile at ng hukuman. mula sa mala-tmz na kuha ng abs-cbn, naghihintay na ang expedition ni corona upang ibiyahe siya palabas ng senado. buti na lang at nasakote siya agad ng mga guwardiya at pinilit na ibalik sa bulwagan. pagbalik sa bulwagan, naka-wheelchair na at wala na ang amerikana. sinumpong diumano ng hypoglycemia si corona at maaaring inatake sa puso kaya nahilo ito at nanghina. nag-workshop din ba si corona kay gma? pareho ang kanilang mga taktika - paggamit ng pekeng sakit. para kay gma, upang umiwas sa mga kaso at di makulong sa bilibid, habang kay corona ay upang maiwasang ma-cross examine ng prosekusyon at di rin mausisa ng mga senador. kasangkapan din ang pagkakasakit kuno upang mabalam at lalong tumagal ang paglilitis. tila ba sinasabi ni corona sa publiko na bilang punong mahistrado ng bansa, siya ay di saklaw ng saligan ng paghanap ng katotohanan, ang mausisa ng prosekusyon, sa ating mga hukuman. at siyempre, upang gumanyak pa ng higit na lapit sa emosyon ng publikong maaaring maawa sa kanyang kalagayan. ang pagtalilis at kunwa-kunwaring pagsama ng pakiramdam ay ikatlong kabanata sa teleserye ni corona ng araw na ito at ang lahat ng ito ay matamang pinlano at ayon sa isang kumpletong koryograpiya. sa kanyang pag-alis ng walang pahintulot, hinahamon niya ang senadong desisyunan na ang kaso at dagliang magbotohan. sa gayon, kung ang magiging hatol ay di pabor sa kanya, maaari niyang ipangalandakan sa publiko na siya ay di binigyan ng kaukulang respeto at ito'y bansagang mistrial. mahusay na taktika. buti na lang at nasawata siya agad at nanindigan si enrile. bakit nga ba di siya ikinonempt ng senado? at bakit habang nangyayari ang lahat ng ito ay tahimik si senador miriam santiago? senyales ba ito ng isang malalim na sabwatan? 'wag naman sana.   


sa huli, simple lang naman... kung ang yaman mo ay tunay na galing sa mabuti at walang bahid ng anumang kabulastugan, isiwalat na sa publiko nang matameme na ang mga nag-aakusa. kung may patunay kang galing ito sa wastong paraan, tataas ang kumpiyansa ng publiko sa iyo. ngunit kung may mantsa ng iregularidad, kailangangang isakatuparan ng isang tusong matsing na gaya ni corona ang kanyang pangteleseryeng akto.

magbotohan na kayo, mga senador. bagamat pulitikal na pagboto pa rin ang mangyayari... kailangang malaman na ng publiko kung ang korona ay kay corona nga.

Tuesday, May 22, 2012

kerber

with angelique kerber's semifinal finish in this year's italian open, she enters the WTA top 10 for the first time. what's more interesting is that 10 players from 10 different countries make up the current top 10. europe still dominates, with 7 players and current world number 1 victoria azarenka. serena williams is the only player from USA, while samantha stosur is the lone aussie. it seems that the days when we have multiple top tenners from USA or russia are over. french open defending champ li na carries the banner for asia. on to roland garros... the claycourt battle starts may 27.

Saturday, May 19, 2012

Conchita Carpio Morales

Thank God for Conchita Carpio Morales


By: 




Thank God for Conchita Carpio Morales. It’s a sea change from the days of Merceditas Gutierrez where the ombudsman existed to make sure that no venal, corrupt or piratical public official would ever be brought to justice. Or threatened by it. One is tempted to add, “public official who is an ally of Gloria Macapagal-Arroyo,” but that is really superfluous. Even non-allies of Arroyo could count on stealing with impunity from the ombudsman’s sheer ineptitude.


Though of course the coddling of allies was more patent and reached ludicrous lengths. The case of Mega Pacific winning the bid to computerize elections was classic in that respect. The case, which cost government P3 billion, was brought before the ombudsman who ruled after apparently much investigation that it was a crime without a criminal!


In one fell swoop, Morales has changed the image of the ombudsman, courtesy of her appearance in the impeachment court. Finally we have someone who is dedicated to her work. Finally we have someone who is scrupulous about her research. Finally we have someone who knows what she’s doing. P-Noy’s anticorruption campaign has just gotten a face, and that is Morales. If Renato Corona is finally found guilty as sin, as Morales should leave the senator-judges in little doubt about, it will owe a great deal to her. If P-Noy’s crusade to rid this spot of earth of its dregs, as Morales should leave the public in little doubt about, it will owe a great deal to her.


By now the defense lawyers must be banging their heads against the wall wondering what madness persuaded them to trot out Morales as a witness, hostile or not. She has been devastating—against them.


What were they thinking? They could browbeat her into submission or to a state of frazzled nerves? They could run circles around her with their vaunted prowess, or long years of experience, in trial lawyering? They could make her rethink her position and wonder if she hadn’t really fudged her numbers?


Well, none of the above happened. As the defense should have expected. She wasn’t a justice for nothing and answered questions in a composed and assured way. In her testimony, she recounted how she had acted on the complaints against Corona with scrupulous care, knowing that complaints against public officials were a dime-a-dozen. She had consulted with other government offices, as was the mandate of the ombudsman, particularly with the Anti-Money Laundering Council, which had supplied her with the figures. She had then gotten the help of the Commission on Audit to make a graphic presentation, tracing the flow of dollars in and out of Corona’s 82 accounts. It was a model of how to go about preparing a case.


The sensation you got from watching Serafin Cuevas trying to rattle her was exactly that, someone banging his head against a wall. In one hilarious moment, though I doubt Cuevas found it so; Morales even corrected him for presuming that you needed a bankbook to deposit and withdraw money in and from a bank so that the transaction would be recorded in it. The Ombudsman gave him to understand that times had changed, that all you now needed for it was an ATM card. She even proceeded to show him how it was done.


In the end Cuevas was reduced to trying to punch holes in her testimony by demanding to know if she bothered to check the veracity of the information AMLC gave her. Which she answered by saying that there was no reason to doubt the information; you could presume that the source, being the natural authority on the subject, supplied accurate data. A thing Bautista of the prosecution corroborated by citing two laws that commended it: information from such sources could stand as evidence. In any case, as Morales pointed, how could you check AMLC’s figures short of asking the banks which the law proscribed, as Cuevas himself had reminded her the day before? It was the next best thing, but it was as best as they came.


You truly have to wonder what madness persuaded the defense lawyers to shoot themselves in the head by subpoenaing Morales. The religious will probably cite Divine Providence; the more secular, a case of the best-laid plots of mice and men oft going astray. Whatever their plot was, they have produced the opposite effect, laying a corona before Corona’s coffin. Morales was unshakeable. Whatever doubts the public might have harbored about Corona’s guilt, she has dispelled them.


Her testimony has boxed him in, limiting his options. Does he go on to appear before the impeachment court anyway? Armed with what? Short of allowing the court access to his dollar accounts to show either that they are no longer active or that they do not contain the sums the Ombudsman alleges, what else can he do to refute the charges against him?


In the end, what Morales has done is to simplify the equation. Being well-versed in law herself, she has neutralized the defense’s tendency to reduce everything to a technical level and raised the discussion to a substantial one. After her testimony, the questions of whether or not the impeachment court may pry on Corona’s foreign currency deposits, whether or not the Ombudsman has jurisdiction over the chief justice, whether or not, as Miriam Santiago dwelled bombastically and interminably on last Tuesday, the Ombudsman may investigate Corona only with a view to another impeachment—all these have become irrelevant. The only question left in the mind of the public, if not indeed in those of the senator-judges, is: Mr. Corona, do you or do you not have $10, or $12, million in the banks? Answer the question.


That is how things now stand.


Thank God for Conchita Carpio Morales.

Friday, May 18, 2012

anim

anim ang karaniwang string ng isang gitara. anim din ang numero sa likod ng jersi ni lebron james. may anim na paa ang isang insekto. anim din ang punto sa star of david. anim na lata ang meron sa six-pack ng beer. anim na taon naman ang termino ng pangulo, pangalawang pangulo at senador sa pilipinas. ayon din sa bibliya, sa loob ng anim na araw ginawa ng diyos ang mundo at sa ikaanim na araw nilalang ang tao. ang tawag sa grupo ng anim na musikero ay sextet. buwenas na numero ang anim sa mga intsik. makasaysayan ang anim na engkwentro. at luntiang anim na beses.


nagdadalawang-isip pa kunwari noong una. pero may awa dahil wala pa raw, kaya ayun... lumuntian nga ang paligid. may kibot kasi. ang haylayt? kaunting huntahan sa harap ng burger at fries. panglima raw sa ranggo nitong unang dalawang linggo ng mayo. naka-16 sa layn ap at ang mga natira'y ito na nga. nag-star city raw dati. pero naaya sa malayong silangan ng isang kaibigang konektado sa may-ari. siyam na buwan din sa malayong silangan. nakakawalong buwan naman sa banda ng luntian. may balak ding mangibang-bansa. malapit na nga pala ang kapanganakan. sandali lang, kumaripas na rin ang dyip.

inaabangan na rin ang tambilangan sa araw-araw. wala kasing palya ang pahatid. lumalalim na yata.

foro italico

Rafa's portrait outside Rome's Foro Italico.


Thursday, May 17, 2012

kim

sa wakas, umayon din ang ihip ng panahon sa akin.

akala ko, di na ako babayaran ng aydisi sa mga abonong pinaggagawa ko nitong mga nakaraang buwan. bukod sa di na makatarungang pagbusisi sa bawat sentimo, lahatang dinedma ang lokal na gastos ko. di pinansin at para bang nabaon na lang sa limot. dahil dito, nawalan ako ng ganang ayusin ang mga listahang ito. at kinailangan pang mangilak ng paraan kung paanong di maaapi pero di na kailangan pang dumaan sa mahigpit na wasiwas ng bangs ni kim.

kahapon, sa isang hawi ng panggilid na bangs, umaprub din. salamat at maibabalik na sa akin ang ginastos ko para sa trabaho. ngunit di rin dapat magpasalamat eh. responsibilidad na ibalik agad ang inabono dahil pera ko ito at wala ni singkong duling ang makukuha mong pauna mula sa kumpanya 'pag may gastusin. para sa lahat ng gastos, ikaw muna ang magbabayad kasi nga 'yun na ang nakagawian. kaya dapat lang na bayaran agad.

sa ibang bagay, walang pakialam. as in nada. pero sa gastusin, gumugugol ng anim na oras para lang madiwarang nitpikin ang bawat linya sa damuhong sistema! di ko alam kung sa akin lang ginagawa ito o ganito sa lahat ng miyembro ng tim. ok lang kung nais niyang kontrolin ang gastusin. pero bumu-border na ito sa kahunghangan at tuwirang kawalan ng tiwala. sa tagal ko rito, ito lamang ang tanging taong naghihinguto ng bawat linya... daig pa ang babaing dragon ni laman.

para sa iyong impormasyon, wala sa aking hilatsa ang panggogobyerno sa gastusin. malayo sa bokubularyo ko ang palaparin ang bawat nagugol. ang ilang dadaanin ay walang mararating. at higit sa lahat, di ko ipagkakanulo o isasakripisyo ang sarili kong karangalan sa pagkakamit ng hamak na pera.

ibalik lang sa akin ang inabono ko sa lalong madaling panahon, wala nang usapan.

Monday, May 14, 2012

olympics

 i'm so looking forward to this year's olympics in london. tennis matches will be held in wimbledon and all the top players will be there. the games will be two months away so here are some pics of games' champs. (",)

fifth

I can't believe we're in the middle of the fifth season, and if this is all there is, my God, it went fast. Beethoven's Fifth Symphony is the most sublime noise that has ever penetrated into the ear of man.

oo. panglima na. fifth. pip. biruin mong umabot ng panglima.

walang katiyakan noong una eh. tsamba-tsamba at natsambahan nga. masaya naman. maayos. palaging may ngiti sa labi at may kaunting tsika. magiliw. 'yun kasi ang mahalaga. araw-araw din ang tambilangan. sa panglimang beses, dagdag na... kaning ekstra. mas marami rin ang baong kaka. mahusay. dinidyit-didyit din ang salida reverso. ngisdulse. que rico Ó harailt! aanim pa ba? o mas marami? umigi pang lalo sana.

Saturday, May 12, 2012

mother

“Youth fades; love droops, the leaves of friendship fall; a mother's secret hope outlives them all.” - Oliver Wendell Holmes

“A mother's love is something we keep locked deep in our hearts; always knowing it will be there to comfort us.” - Harmony Ferrario
 “God could not be everywhere, and therefore he made mothers.” - Jewish Proverb

"A mother is the truest friend we have, when trials heavy and sudden, fall upon us; when adversity takes the place of prosperity; when friends who rejoice with us in our sunshine desert us; when trouble thickens around us, still will she cling to us, and endeavor by her kind precepts and counsels to dissipate the clouds of darkness, and cause peace to return to our hearts." - Washington Irving

"A mother understands what a child does not say." - Jewish Proverb

"No gift to your mother can ever equal her gift to you - life" - Unknown

“Most of all the other beautiful things in life come by twos and threes by dozens and hundreds. Plenty of roses, stars, sunsets, rainbows, brothers, and sisters, aunts and cousins, but only one mother in the whole world.” -Kate Douglas Wiggin



“When you were small and just a touch away, I covered you with blankets against the cold night air. But now that you are tall and out of reach, I fold my hands and cover you with prayer. Dona Maddux Cooper

"A mother is a person who seeing there are only four pieces of pie for five people, promptly announces she never did care for pie." - Tenneva Jordan

Friday, May 11, 2012

ban thai

i always wanted to explore ruins and historical sites. i've seen ayutthaya in thailand, so it was time to go to sukhothai this time. after that 6-hour bus ride to sukhothai, the motorcycle taxi brought me to ban thai guesthouse. the heat in thailand this april was energy-sapping and i was told that there were days that hit above 38C. good thing, i booked one of those aircon rooms in ban thai's bungalows. the room was very neat and felt homey. the aircon worked well and ban thai's garden-like surroundings added to its appeal. it was just 3-minute walk from the bus (songthaew) that would bring you to sukhothai's historical park. it was also close to the night market, which sold mostly fruits and wide array of thai snacks. the wifi worked well, although only in the cafeteria. when i went back to my room, the signal was very poor. what i liked about ban thai is its very accommodating staff, especially their  12-year veteran, p' ta dam, the cook. p' ta dam gave me pointers on how to enjoy sukhothai's historical park, as well as some travel tips if i wanted to go to chiang mai or head back to phitsanulok. when i was leaving for the bus station, p' ta dam even gave me an extra bottle of mineral water!

Tuesday, May 8, 2012

lao paris

september of last year, i went to vientiane, laos. it was one of those spur of the moment trips, as i thought at that time, i've seen much of bangkok already. so i booked an orient thai flight from bangkok to udon thani. from the airport, i boarded a taxi (100 baht) to go to the bus terminal. from udon thani's bus terminal, the bus brought me all the way to vientiane. the bus ride was about 1.5 hours and cost 80 baht. there were of course the immigration stops, first in thailand side and then after crossing the friendship bridge, the lao immigration. unlike crossing the immigration from aran, thailand to poipet, cambodia, no such touts this time, so the immigration counters were easy breezy affairs.



upon reaching vientiane's bus terminal, i took a tuktuk that brought me to thanon samsensenthai, where the new lao paris hotel is located. i called it my own little home during my two days in vientiane. located in the heart of vientiane, new lao paris hotel might be seen by others as too old and rundown. to me however, i liked its old, colonial feel. the room was big, clean and comfortable. no problem with the aircon at all. the staff were very nice and accommodating. the breakfast was french baguette, some butter and strawberry jam, plus two sunny side up fried egg. what i also liked about this hotel is its proximity to a lot of tourist spots such as wat ho pra keo, wat si saket, national museum, among others. it's also quite close to mekong river, where local pubs and night eateries are located. overall, i think i gave a 7.3 rating to this hotel in agoda.com.