Friday, October 25, 2013

coconut ice cream

11:45 am, sunday, angkok’s golden mount. decided to tell the taxi to drop me off in this wat because i could not remember loha prasat’s exact name. anyway, it’s just less than 5 minute walk from wat rachanadda (yes, this is where i really wanted to go). i hurriedly went up and saw a lot of locals doing the rounds. not much tourists this time, which was definitely a good thing. i think i was the only one taking pictures . it was a good time to be there. not too crowded. but of course, the pinoy in me won’t hang around this area that long. it was too hot. after a short look around, i went down.

negotiating my way down, i met a mom and daughter team who were also on their way down. some little smiles and in no time, the mom and i were already chatting about how humid that day was. the nice mae was telling me that after several days of raining, humidity goes up in the greater bangkok metropolitan area. they were in the golden mount not on a planned trip but because they were already in the area, they had decided to stop by and to say some short prayer. buddhism she said does not require a strict code of when one should visit a wat. any practicing buddhist according to her, would not miss a quick visit if the opportunity is there.

i of course was there as a tourist, i told her. it was just my second time in the golden mount after several trips to the city of smiles. i wanted to see it during daytime coz the first time i was there, it was close to 5 pm already. topic went to me being a filipino and how nice mae remembers some nice pinoys she met along the way, most of them tourists like me.

at the golden mount’s exit, there was your reliable neighbourhood coconut ice cream vendor. this of course brought such big delight to my face. i’ve been there for a week already but i haven’t had the chance to have coconut ice cream yet. mae probably saw my excitement and immediately spoke with khun ice cream. i asked her how much and she said 25 baht. they were chatting in thai and nice mae suddenly said, “i buy you ice cream.” what?! haha! i could only say thank you. i couldn’t even muster my broken or odd-sounding khob kun kap to thank her. i was just delighted. when they got their two servings of coconut ice cream, she said goodbye and said enjoy my trip. aaww... i asked her if we can have some picture together but she said “naahh. bye!”

walking towards wat rachanadda enjoying my coconut ice cream, i thought of this random act of niceness or congeniality. it may not be that often but once in a while, you’ll meet lovely individuals, whom you’d share only fleeting moments with but will make a lasting impression on you. i probably will not meet her again but my brief encounter with her and her almost teenage daughter made me think that there really are nice people out there. to me now, bangkok won’t only be a place for quick business trips, nice streetfoods, wats or ping pong show. but a place where you’d bump into charming and nice persons. khob kun naa kap!

Monday, October 21, 2013

aroi mak

"One cannot think well, love well, sleep well, if one has not dine well." that famous quote on thai cuisine and eating summed it all for me. i enjoy having meals in bangkok. it's an explosion of flavors, a wonderful one. whether you eat at fine dining restos or on streetfood corners, food is served with much pride and enthusiasm. all good. aroi mak mak! till my next trip, Bangkok!

#AmazingThailand 

creepy baby

A baby’s laughter is one of the most beautiful sounds you will ever hear. 
Unless it’s 3 am. 
And you’re home alone. 
And you don’t have a baby.

- https://twitter.com/ComedyPosts #HappyMonday

Sunday, October 20, 2013

BMX

di ako marunong magbisikleta. ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na di ko sinubukang matutuhan n’ung bata ako. baka siguro ayaw kong dumaan sa pagsemplang at magalusan o mapahiya sa mga kalaro ko. basta, di lang ako nahilig. hanggang sa nagbinata at ngayong nagtatrabaho na, di ako marunong magbisikleta.

iniisip kong pumunta sa mueang boran nitong nakaraang weekend habang nasa bangkok ako. pero malawak daw ito. sobrang lawak. kailangan mong magrenta ng golf cart na siyempre ay sobrang mahal. isang alternatibo ay magrenta ng bisikleta. 150 baht lang sa loob na ng isang araw na pag-iikot sa old city. pero di nga ako marunong magbisikleta. sabi pa nga ng babae sa nantra ploenchit, pwede raw ako mag-bmx. eh di nga ako marunong magbisikleta di ba.

isip-isip. tutuloy ba o hindi? baka rin kasi wala akong maka-share sa renta ng golf cart. ‘tsaka baka umulan. ending? ‘wag na lang. sa susunod na lang kung kailan may kasama ako. mahal ang magagastos kasi di nga ako marunong magbisikleta.

nag-ikot na lang ako sa nana at asok. at doon ay nag-bmx… bili ng murang xces.  

Monday, October 14, 2013

lahore


palpak ang unang motorcycle taxi driver. sabi ko, sa soi plukchit. ayaw ko kasing lumakad. pero gusto kong kumain ng streetfood. di niya ako maintindihan. “plukchit, plukchit”, sabi ko. mukhang naintindihan na rin, o di sige, diretso na kami. binaybay ang wireless road at kumanan sa rama 4. “plukchit.”, sabi ni manong. pinababa na ako ng motor. “huh? plukchit?”, tanong ko. tango ni manong at “plukchit.” pero walang kainan. walang mga kariton, ni walang ilaw ang soi na ‘yun. “80 baht”, sabi ni manong. pakinangsyet. naloko ba ako o di niya lang talaga alam? syet. umalis na si manong. lakad-lakad ng konti. tanong sa ibang manong at sumakay ulit ng motor. 20 baht para dalhin ako sa tunay na soi plukchit. namputsa, 2 kalye pa pala.

eh di ito na nga. nakarating ako sa soi plukchit. sa wakas, nasilayan ko rin ang hinahanap ko. matao. mausok at karami ng pagpipilian. mula sa tom yum koong at kung anu-anong may curry. pero nakapili na ako. inihaw na isda at papaya salad.

sawasdee krab! kaunting kambyo at dumating na rin ang pagkaing hatid ng lahore, pakistan. aroi mak mak. may thai iced tea na matamis siyempre!
     
adventure. parte ng pagtuklas ng mga bago sa bangkok ang pagkaligaw. may mini-night market pa doon pero wala akong binili. gabi na.

pagbalik sa sivatel, 50 baht lang pala dapat ang bayad sa motor. mukhang nagoyo nga ako. buti na lang masarap ang pagkain.

Monday, October 7, 2013

basketball

kumain ulit ako sa aking paboritong bacolod chicken inasal sa kamagong, san antonio village nitong sabado. kuwentuhan sa kabilang lamesa:

manong na malakas ang boses: pare ‘pag basketbol, di ako nanonood ng PBA! UAAP ako. puso ang labanan at ibibigay ng bawat player ang lahat!

manong na mas mahina ang boses: eh ganoon din naman sa PBA ah.

manong na malakas ang boses: pare, sindikato ang PBA! malaking negosyo. 5 teams diyan san miguel ang may-ari, paano mo sasabihing walang umpukang magde-determine kung sino ang panalo at sino ang talo?

manong na mas mahina ang boses: ganoon talaga, pare. siyempre di naman tatakbo ang liga kung walang financier. parang football lang din ‘yan.

manong na malakas ang boses: pero iba ang kalakaran sa PBA. negosyo nga kaya kailangang may balik sa may-ari. tsaka hanapbuhay nila ‘yan. pasahuran ang mga player. di kagaya sa UAAP, school pride at honor ang labanan. magpapakamatay ang mga player para maiuwi ang championship dahil ‘yun ang inaasahan ng school sa kanila.

manong na mas mahina ang boses: balita ko may sahod din ang mga taga-la sale at ateneo ah.

manong na malakas ang boses: allowance lang ‘yun, pare. sa PBA, sahod talaga. di ka ba nagtataka kung bakit sobrang daming galing na mga player sa ‘pinas pero di tayo manalo-nalo sa FIBA?

manong na mas mahina ang boses: dahil di tayo ganoon katatangkad! hahahaha!

manong na malakas ang boses: hahaha! hindi, pare. may sahod na ang mga malalakas na player sa PBA. bakit pa  siya magpapakamatay para sa pride ng bansa kung ok na siya sa sahod niya sa PBA? eh paano kung ma-injured siya? eh di mabobokya pa ang career niya. sila jaworski at fernandez dati, multimilyon na ang mga kita niyan kaya di na nila ibibigay ang lahat para sa national team. tsaka may mafia na rin na hindi palalaruin ang mga magagaling sa national team dahil nga iwas-injury kumbaga.

manong na mas mahina ang boses: tama rin naman. sa china nga, nakadepende ang suporta na matatanggap ng pamilya mo kapag naiuwi ng team ang any championship kaya papanaluhin mo talaga ang team mo. kumbaga, all out ka. sa ‘pinas, di ganoon eh.

manong na mas mahina ang boses: kaya nga eh. marami kasi talagang gago sa gobyerno. kinukulimbat maski pang-support sa mga athletes. mga putang ina nila. kung sa talent at skills lang, pare, laki ng laban natin. pero kulang nga siguro sa puso kasi siyempre doon ka sa mas siguradong may kauuwian ang effort mo, PBA di ba. kaya UAAP na nga lang panoorin mo!


kakatapos lang kasi manalo ng DLSU laban sa UST sa game 2 ng finals ng UAAP. basketball nga raw ang pambansang libangan ng mga pinoy. mula sa pba, uaap, ncaa at kung anu-anong liga ng bawat barangay. pati nga mga opisina, meron na ring basketbol tournament. kaya naman ganoon na lang ang passion ng marami sa larong ito, maging manlalaro ka mismo o tagapanood lamang.

sang-ayon at sang-ayon ako sa mga pinagsasabi ng 2 manong. malayo sa kalingkingan ng sapat na suporta ang ibinibigay sa mga atleta ng bayan. masuwerte pa nga ang basketbol dahil marami ang haling sa larong ito kaya marami ang tumutulong tulad ni manny pangilinan. pero sa ibang sports, wala ni gasino ang tinatanggap ng mga atleta. paano tayo mananalo sa mga torneo kung maski sapatos na gagamitin ng isang up-and-coming track and field star o ng isang boksingero ay sa sariling bulsa manggagaling? siyempre alam naman natin na mas marami ang mahihirap sa bansa. kahit magaling sa palaro ang isang bata, mapipilitan itong abandonahin ang kanyang naising maging world class athlete kung wala silang makain at kailangan pa niyang kumayod para sa pamilya. sa ibang sitwasyon, umaalis naman ang ibang atleta at nagpapaampon sa mga bansang may mahusay na sports program. maging mahuhusay na mga coaches, nangingibang-bayan na.

ilan lamang ang usapin ng kawalan ng mahusay na grassroots program ang bunga ng maruming pamamahala at bulok na sistema ng gobyerno. waldas ng pera at nilalagay sa bulsa ng mga walang kaluluwa ang perang pinaghirapan ng bayan na sana’y nakatulong na sa isang batang manlalaro ng tennis mula sa naga upang makabili ng raketa o anumang mga gear o para sa training ng isang koponan ng mga batang football player sa dumaguete. repleksyon nga raw sabi ng mga thinktank ang husay ng isang bansa sa larangan ng palakasan at ng kaunlaran nito.

kaya naman, sa kasalukuyang gobyerno, papanagutin ang mga mandarambong sa bayan. bilang parusa sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan, gawin silang pampalitada sa oval ng track and field o di kaya ay target ng mga archers! puwede ring talunan ng mga basketball players o kaya ay target ng mga shotput o javelin throwers. kapag kailangan ng punching bag ng mga boksingero, mga mukha na lamang ng mga sangkot sa kung anu-anong iskandalo ang ipagamit. maski man lang sa paraang ito, makabawi ang taumbayan.

tax sheet

agree, agree. nothing to add.