Sunday, August 31, 2014

gardens

the view from the room. 

gardens, mid-valley, KL. 

juver

tsambahan lang talaga 'pag tumpak ang ispeling ng pangalan ko sa tuwing dadalaw ako sa kapihang ang pangalan ay starbucks. mabibilang ko sa aking mga kamay mga pagkakataong ito.

nitong nakaraang biyernes lang, nabinyagan na naman ako ng bagong pangalan! bumili lang ako ng white choco mocha para sa tanghalian dahil may libre akong sandwich at 'yun na nga, bagong bansag. JUVER! hahaha!
  
bago ang juver, singtunog ng javert ng les mis. mas madalas kasi ang jobert o di kaya ay joubert. pero pranses pa rin ang dating. tunog mayaman at tunog kontrabidang aristokrato!

di ko tuloy maintindihan kung malabo lang talaga ako magsalita o di talaga pamilyar ang pangalan ko. buti na lang at happy friday ang nakaraan at may libreng sandwich!

premier tennis

o bakit ang mahal ng tickets?!

International Premier Tennis League tickets on sale Sept. 1, event now in MOA Arena

By Bob Guerrero

At last some information on ticket prices and availability of the country’s biggest-ever tennis event can be announced.

Tennis fans can watch the International Premier Tennis League’s inaugural leg in Manila on November 28 to 30 for as low as P2500 for a three-day pass in the General Admission section. The most expensive three-day pass will be P49,000 for the VIP area, inclusive of a red-carpet entry. These are prices for the early-bird phase of ticket sales which will run until September 15. Tickets will be available in www.smtickets.com.

The prices of the other packages in between Gen Ad and VIP were not divulged by IPTL in their press release. It appears that tickets for individual match days will not yet be sold.

Each 3-day pass entitles the holder to watch two five-set matches that will begin at 4 pm and 7:30 pm. All five sets will be played in each match, since in the IPTL’s format, it’s the number of games, not sets, won, that determines the winner.

The venue for the competition has also been shifted to the Mall of Asia Arena.

“When the Mall of Asia, one of the finest entertainment venues in the world, opened up the dates required to host the IPTL, we had to reconsider our previous venue options and quickly agreed that MOA is the right fit to host the event,” explained IPTL COO Eric Gottschalk. Previously it was announced that the IPTL’s Manila leg would take place in the Smart Araneta Coliseum.

“SM is the biggest conglomerate in the Philippines and having them as a partner adds a lot of value to our property and validates the potential of our league,” said IPTL founder Mahesh Bhupathi, a multiple tennis grand slam champion in doubles, mostly with countryman Leander Paes.

Andy Murray of Scotland and Maria Sharapova will banner the home side, the Manila Mavericks. Also filling up the roster of the Mavericks will be Frenchman Jo-Wilfried Tsonga, Spaniard Carlos Moya, Canadian Daniel Nestor, and Filipino Treat Huey.

Other superstars who will see action are Serena Williams, Ana Ivanovic, Tomas Berdych, Eugenie Bouchard, Gael Monfils, Daniela Hantuchova, and Richard Gasquet. They will play for the other three teams in this year’s competition, namely the Singapore Slammers, the UAE Royals, and the Indian Aces.

The legends of yesteryear will also have their moment in the spotlight. Each match will have a Past Champions set, where Goran Ivanisevic, Lleyton Hewitt, Patrick Rafter and Moya will relive their halcyon days.

The IPTL will have five sets in each match; a men’s singles, women’s singles, men’s doubles, mixed doubles, and former champion’s singles. Players can call time outs, call “power points” that count double, and there will be tiebreakers at 5-5 instead of 6-6. There will also be no-add scoring, so long deuces will be prevented.

To understand the format of the event better, watch this video here that explains it in detail.

The Tour visits Singapore, Dubai, and New Delhi after the Philippine stop, with the winning team receiving US$1 million in prize money.

Wednesday, August 27, 2014

crush

may konsepto dati ng one last look… isang huling sulyap sa iyong crush bago matapos ang araw o bago ka umuwi galing sa klase. dati pa ito. noong hayskul. aabangan mo ang pagkakataong makita mo siya, maski pa nga paglakad lang ng taong ito sa pasilyo. o kaya ay ang pakikipag-usap sa kanya kung kilala mo na. gagawa ka ng paraan upang magkrus ang inyong landas. di hadlang ang laki ng campus, dami ng tao o dami ng kailangang gawin, kailangan mo lang talaga makasulyap maski isang beses kada araw. at 'pag nangyari ito, buo na ang araw mo. o kaysayang balikan ng mga 'katangahang' araw na ito.

pero isa rin itong tila malaon nang nalimutan. naitago na sa baul kumbaga. siyempre nag-iba na ang prayoridad sa buhay. higit na lumawak ang iyong bakuran. nagkaroon ng mas malalim na mga responsibiidad. dala nga marahil ng pagtanda. o di kaya ay bunga ng pagiging abala sa maraming bagay. maaari rin namang produkto ng kawalan ng popotensyalin kumbaga sa iyong himpapawid kahit na nga lumawak pa ito ng milya-milya.

pero magkaminsan, katuwa pa rin 'yung may nakapukaw ng iyong atensyon. parang may nakita kang interesante sa isang taong 'yun. siyempre, hanggang doon lang naman 'yun, lalo na't alam mong walang progresibong tsansa rito.

eh teka, bakit nga ba tayo napunta sa usapin ng crush? nito kasing mga nakaraang araw, umikot na yata ang usapan at usapin sa lablayf… ang kawalan nito para sa ibang mga tao, paghahanap, agam-agam o di kaya ay mga isyung kaakibat ng pagkakaroon o pagiging liban ng significant other.
  
wala naman talaga akong pinupunto rito (di yata konek ang mga paragraph!). hahaha! naisip ko lang na iba-iba talaga ang mga tao sa pagtingin sa mga bagay-bagay, lalo na sa usaping crush at kapusuan. walang basagan ng trip kumbaga. kung ang iba ay masaya na sa one last look,  hayaan sila. kung may ibang mas agresibo dahil may hinahabol na target, huwag silang pakialaman at pangunahan. kung may ibang mas bukas sa 'modernong' pakikipagrelasyon, eh ano naman sa atin? kung 'yung iba ay tila wala nang pag-asa (sa ating perspektibo), 'wag mag-gloat o magbigay ng di naman hinihinging opinyon. 'wag nga makialam. kanya-kanyang istilo.  

Wednesday, August 20, 2014

ulit ulit

kapag natuwa, gusto mo pa ulit.
kapag nasarapan sa pagkain, gusto mo pa kumuha ulit.
kapag nalugod sa gawain, susubukan mo ulit.
kapag naligayahan sa palabas, ok lang panoorin ulit.

kapag umayon sa iyo ang tadhana, maano ba namang umulit.
kapag ngumiti ang langit, walang pagdadalawang-isip na umulit.
kapag pabor ang pagkakataon sa iyo, sige lang na umulit.
kapag wala namang balakid, bakit di nga ba muling umulit?

pero...

paano kung di na ganoon kasaya gaya n'ung una?
paano kung matabang na sa pangalawang pagkuha?
paano kung di na ayon sa iyo ihip ng abentura?
paano kung sadyang wala nang wawa?

sisige ka pa ba ulit?
susubok ka pa ba ulit?
susuungin mo pa ba ulit?
susugal ka ba ulit?

uulit ulit?

cake

All the world is birthday cake, so take a piece but not too much. 
- George Harrison. 

sinigang

not the best picture but hands down, the best sinigang! sentro 1771's corned beef sinigang.


Saturday, August 9, 2014

UP fight

sa wakas at nanalo na nga ang UP fighting maroons! tagal naming hinintay ito. woohooo!!! 

ni hindi na nga halos pinag-uusapan ang mga laban ng UP. huli kasing nanalo ang UP noong agosto 19, 2012. dalawang taong walang panalo sa loob ng 28 pagsubok! halos malaking joke na nga ang UP at bilang taga-UP, iiwasan mo ang mga usap-usapan tungkol sa basketball. sasabihin mo na lang na, "cheerdance na lang ang pag-usapan natin!"

pero nanalo na nga nitong hapon laban sa adamson, 77-64. salamat sa mga iskong sina mikey reyes at jr gallarza. at dahil sa waging ito, may bonfire daw sa UP diliman ngayon. di bilang bahagi ng pagmamayabang kundi bilang simbulo ng pagkakaisa ng sangka-UPhan. 

UP fight

passage

a passage thru india
what a very nice dinner it was.
after a long 2 day planning session.
salamat ng marami kay betchay!


Thursday, August 7, 2014

mince

no more mincing of words. 

as curtis mcdougall puts it, "nonsense ought to be treated as nonsense wherever it be found... instead of intimating and mincing the matter..."

happy thursday!