Thursday, December 31, 2015

happy new year


thanksgiving

O God, the beginning and the end of all things, 
Who art always the same, and 
Whose years fail not, 
we now, at the close of another year, 
kneel in adoration before Thee, and 
offer Thee our deepest thanks for the fatherly care 
with which Thou has watched over us during the past, 
for the many times Thou hast protected us from evils of soul and body, 
and for the numberless blessings, 
both temporal and spiritual, 
which Thou hast showered upon us. 
May it please Thee to accept the homage of our grateful hearts 
which we offer Thee in union 
with the infinite thanksgiving of Thy divine Son, 
our Lord Jesus Christ, 
Who with Thee liveth and reigneth forever and ever. 
Amen.

Ayutthaya

one fine day in ayutthaya's unesco world heritage site. 


elephant

Words are cheap. The biggest thing you can say is "elephant". 
- Charlie Chaplin
 
... one of the unexpected sights in bangkok's christmas extravaganza. great! 
 

Wednesday, December 30, 2015

station eleven

i long wanted to finish this book. given to me by james during our 2014 christmas  dinner, i was excited to start flipping thru its pages and i finally finished it about 5 months ago (yeah, only writing about it now!). like i've said, it takes me a whole lot of time to finish a book. this is because the boobtube almost always wins and i get tv-ed. it's always a milestone when i get to finish one… so congratulations is in order.

when i drew its 333rd page, it was if i said goodbye to a friend. i guess that's what happens when you had a great time reading a book. kirsten raymonde's odyssey into a world after almost 99% of the population were wiped out by a flu plague was quite a journey for me as well. in the order (after the plague), she became involved with the travelling symphony, a group of performers roaming america's new frontier towns to perform shakespearean materials, stopping by into these towns for a while and then moving on to another. the greater part of mendel's narrative switches from the world before the plague and after it when raymonde and the travelling symphony traverses the deserted towns of america looking for a safer haven. the ending was all about surviving when majority of survivors were all disillusioned and would do anything, including blindly following a "new age leader", in order to stay alive.
  

while i didn't like the way she ended the book, emily st. john mendel perfectly put together a tale that started with the death of an actor while performing on stage and how intertwining lives were connected by one single event that led to the demise of human civilization as we know it today. through seemingly unrelated characters and events, the lives of individuals in a flatter world in 2000s, were interconnected. everyday issues on relationships and failures of which, as well as common career concerns have been given light. of course, the eternal message on familial ties, community-based ties and the powers that govern these have been key themes of the book. culture, media and the arts are in the middle of this tale, which makes it relatable to anyone living in this great age of creative disruption. but i guess mendel's message here is that even with man's greatest inventions, everything can we be erased in no time and man will go back to his past ways… horse driven carriages, manual drawings of graphic novels and to his primitive roots of looking up the sky for guidance and how to make sense of what happened.
 
ultimately, mendel says that man can survive doomsday. many might argue that relooking and revisiting arts is not how man can rise from the ashes. but at the very least, there is hope. and that's a good way to restart life.

angkor wat

simbolo ng isang lipi
malaon nang nabaon sa sipi.
ngunit muling natuklasan
salamat sa dayuhang salansan.
ngayon ay dolyares ang hatid
sa bansang dati'y nakapinid.

minsan isang ilang
nadatnan at pumainlanlang.
sa lunan ng matandang kabihasnan
at kamakailan lang ay karahasan.
dolyares pa rin ang may salita
kapalit nito'y karanasang pambalita.

o angkor wat
salamat at ika'y nasipat.
walang katulad
puno ng tanawing mapalad.
templong ikaw ang magsasawa
ngunit mananatili sa taal na pang-unawa.



rise of apocalypse

looks a little bit weird but great as well.


downton ending

it is really ending. oh well... we know downton's going to end after 6 seasons. sad.


upset of the year

... and for the ages. mabuhay ka, roberta vinci!!

Tuesday, December 29, 2015

happy holidays

Happy New Year from the super trees of Gardens by the Bay! 

i have been to singapore a number of times already but  haven't had the chance to be at gardens by the bay... so big thanks to the wonderful Mabs for taking time to show me around and let me visually sample this uber nice place.


Camiguin

Camiguin's White Island... early Christmas gift at its best.


Korea

that autumn feeling... 

“Autumn is a second spring when every leaf is a flower.”
 - Albert Camus



mr. holmes

a delightful film, mr. holmes gives another memorable look at the famed sherlock holmes character and movie series. this time, it is the great gandalf himself, ian mckellen, essaying both 60 year old and 93 year old detective holmes. sherlock returns from japan, where he searched for a rare plant that possesses potent restorative qualities. he has retired to the sussex seaside and spends his days nurturing the bees. he lives with his widowed housekeeper (played by laura linney) and her young son, roger (played by milo parker). detective holmes struggles with his aging mind and has now being haunted by the memories of the last case he handled, which he failed to solve. he tries to write what truly happened and through his newfound friendship with roger, he slowly uncovers the answers to this tale of whodunit, his last one.

mr. holmes was anchored on the great ian mckellen. even without the great aging ability of his makeup, he captured the physicality required to give life to mr. holmes in two different times on the character's life. sir ian was thoroughly engaging the whole time, giving us the cheekier side, the sharp detective trait and loving, longing and fragile aspect of mr. holmes. his mr. holmes is a great addition to the tale of the world's most famous detective in fictional history and should be rewarded with nods. laura linney is good as always but it would have been better if they cast british actresses such as emily watson or samantha morton. i just felt that she was too "warm" to be an uptight and supposedly sad housekeeper. milo parker on the other hand, was spot on as roger. 
 

at times, poignant but more often low key and unassuming, the movie was greatly helped by carter burwell's music. beautiful british seaside scenery was stunningly captured and through meticulous set and costume designs, had brought audiences back to 1947 and earlier. nothing fancy about the characters' lines and this made it even better, as i imagine a normal everyday conversation would go.

mr. holmes is sentimental but not sugar-popped. the film succeeded in blending sherlock holmes' mystery tale as we know it with a narrative of an aging man, whose mind power slowly degenerates. its ending showed that even in one's twilight years, it is never too late to make amends for missteps in the past and more importantly, forge new and meaningful relationships.

Suvarnabhumi

funny how we fail to appreciate things when we often see it. funny how despite many times in this place, this is the only time i actually marveled at its grid lines and different colors of its empty seats early in the morning.
 

big thanks to its welcoming gates... despite the long lines in its immigration counters, bangkok and the rest of thailand always give me a great sense of adventure and relaxation. visual and gastronomic feast, that bangkok feeling never gets old... the funny feeling of getting mixed between "your first time there" and being "at home". till next time, city of smiles!

Tuesday, December 22, 2015

burak

may paghahati ng sangkalupaan. may biyak sa talampas. may awang sa pagitan ng mga bundok.

may pag-apaw ng ilog sa kanyang sabang. may nag-aalimpuyong bagyo. may di taal na kalma bago ang pagdating nito.

may dilim na muling nagbabadya. may lasong kumakalat sa himpapawid. may panibagong lagim sa dakong ito.

nagbabago na nga ang ihip ng hangin. pagbabagong tumataklob sa anumang liwanag. unti-unti ito, di dagli. ngunit tiyak na isa na namang itong nakauut-ot ng tuwa sa puso ninuman. karimlan ay naririto na naman.

nasa kaharian pa rin ngunit nasa kabilang ibayo… malayo na nga sa landas ang demona. nagkaroon ng liwanag sa pagdating ng mandaragat. subalit nasawata ito. sandali lamang ang kanyang paglagi at di siya nagtagumpay sa pagpapaalpas ng mga maiitim na nilalang sa kaharian. at bunga ng kanyang pagyao, nagkaroon ng kapangyarihan ang isang eps na yari sa burak na nabuo sa tulong ng mambabarang. at ito ang bagong nazgul na nagnanais na maging morgoth.

di tulad ng demona na walang wawa ang atake, ang eps ay unti-unti ang pagsawata sa mga tao. marami na rin itong napayukod sa kanyang maliit na kuweba. di nga lang dama ng marami dahil kubli ito sa mata ng karamihan. ngunit tulad ng demona, taglay din nito ang lason… ang kamandag na kikitil sa buhay ninuman. may angkin itong pangil na nakakubli ngunit maaaring kumagat sa di inaasahang panahon. at higit sa lahat… kung ang demona ay mala-dementor sa pagsimsim sa tuwa ng nais nitong kitlan ng buhay, ang eps naman ay kumikitil sa pamamagitan ng unti-unting pagtaklob sa anumang liwanag at maaaring panggalingan nito. kunwari'y mabait at purong kasiyahan ang dala ngunit ang totoo, wala itong pakialam sa masasagasaan o matatabunan ng kanyang burak kung ang kapalit nito'y dagdag na kapangyarihan mula sa huklubang mambabarang.


halos tatlong siglo ang hinintay nito bago tuluyang alisin ang mantong nagkukubli sa kanyang tunay na katauhan. ngunit nang pakawalan ang kanyang tangang kamandag, todo-bigay ito! walang anumang pasubali. lahat ay damay. walang di masasagasaan. walang di matatakluban. tulad ng kapag nawawalan bigla ng kuryente dala ng unos, damang-dama ang kanyang kamandag… dagli at walang kaabug-abog.
  
ito na nga ang bagong kabanata sa laro ng trono sa banda rito. kung walang salbabidang maihahagis tulad ng galing sa mandaragat… panahon na upang magpatiagos at humanap ng ibang tuyong dalampasiga't kapatagan.  

Saturday, December 19, 2015

Daet

one of the best spots for surfing and kitesurfing in the philippines - daet, camarines norte. 


Bantayan

early morning at this beautiful island.


Kibila Beach

Camiguin's giant clam sanctuary.
Kibila white beach. Guinsiliban, Camiguin.
Lifeguard.
Baywatch.
03 November 2015. 


typecast

top 10 typecast actresses, according to watchmojo.


Saturday, December 12, 2015

Monday, December 7, 2015

Nacpan

matinding hilahil ang babakahin,
turan ng mga tsuper malapit sa baybayin.
malayo ito, di sakop ng madalas na lakad, 
mahirap ang daan at mahal ang paggalugad.
matindi ang tanggi, 
todo-todo ang paanggi.

ngunit nagpumilit at di nagpatalo,
pumailanlang at nagpahibalo.
tunay ngang madawag ang daan,
lubak-lubak ang lansangan.
ngunit di naman suntok sa buwang madatnan,
di naman ganoon kalayo sa kabayanan.

tahimik na pahimakas ang alay,
mabining kaangkinan ang taglay.
payapang dalampasigan,
sariwang hangin at maayong karagatan.
mahabang buhanginan,
sinamahan pa ng kambal na kagandahan.

tila ayaw nang humiwalay,
sa paraisong pumawi ng lumbay.
paanong isang araw lamang,
gayong buwan ang binilang.
dapithapon, bakit ka pa dumating,
at kailangan pang pumatling.

nacpan, nacpan, 
sa dakong hilaga ng palawan.
bukod-tangi ang iyong yumi't ganda,
ligaya ang dulot sa bawat banda.
kaysarap balikan ng iyong dapithapon,
malapit na muling magpatilapon. 

Sunday, December 6, 2015

timbuktu

di kalayuan sa matandang lungsod ng timbuktu, mali, naninirahan ang bedouing pastol na si kidane kasama ang kanyang maybahay, anak na babae at ang kanilang 12 taong gulang na tagapastol. sa mismong kabayanan, naghahari ang mga jihadista na nagbabawal sa anumang tawanan, musika, paninigarilyo at maging soccer. sa bawat araw ay maraming di makatarungang hatol ang mala-juntang namumuno at sinumang mangahas na sumalungat ay tiyak na mauutas. 80 latigo para sa isang babaing nakipagkantahan sa kanyang sariling bahay at 40 latigo para sa isang naglalaro ng soccer. maging ang tindera ng isda ay may parusa dahil sa kawalan ng ng guwantes. sa kanilang paghahari, pilit nilang binubura ang kultura sa pamamagitan ng pagbaril sa mga iskultura. sa kawalan ng katarungan, ang pamilya na nga lang yata ni kidane ang nananatili sa bahaging iyon ng mali.

dahil nasa gilid lamang ng timbuktu, payapa ang pamumuhay ni kidane at ng kanyang pamilya hanggang mapatay niya ang isang mangingisda dahil sa sigalot tungkol sa kanyang pastulan para sa mga baka at baklad na gamit naman ng mangingisda. hinuli si kidane at ipiniit, nahatulang mamatay at nadamay pa ang kanyang maybahay. sa huli, ang paunang eksenang ukol sa gazelle at kung paanong di ito dapat barilin agad at hayaang mapagod hanggang mamatay ay tungkol sa pala sa anak ni kidane na si toya.
   
sa pambukas na montahe pa lang ng timbuktu, pundamentalismong base sa relihiyon ang direktang mensahe nito. saktong kontrast ang natural na ganda ng timbuktu sa dinaranas na kalupitan ng mga nananahan dito. tagumpay ang pelikula sa paghahanay ng estetikong yumi at kawalang dangal ng mga naghahari. mula sa arkitekturang malaon nang bahagi ng dangal ng mali hanggang sa kagandahan ng kalupaan nito at sa hambing-hambing na kulay ng disyerto at ilog, pawang hinayang at hinagpis ang madarama ng manonood sa tunggaliang ito. sa paglalahad ng tila di magkakaugnay na mga montaheng ito at pagsentro sa kinahinatnan ni kidane at kanyang pamilya, nahaylayt kung paanong ang hibla ng komunidad ay nalalason ng tunggak na pagtanggap sa radikal na paraan ng pananampalataya. oo nga't sumentro ang pelikula sa mga biktimang tulad ni kidane at iba pa, balanse ang atake nito sa paglalahad ng humanidad maging ng mga jihadista. sa likod ng bulag na pagsunod sa namumuno, na maaaring dala ng ibang salik tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan o pangkalahatang paraan upang mabuhay at manatiling buhay, di tuluyang nakukubli ng mga ito ang taal na hilig sa musika at palakasan – mga bagay na nagpapatotoo sa ating pang-araw-araw na humanidad.

sa sunod-sunod na mga hanay ng karahasan at kawalan ng katarungan ay isang mahusay na tuluyang kuwento ng halaga ng pamilya, kung ano ang maaaring isugal ng bawat isa para sa kapakanan ng mga mahal sa buhay at ang masaklap na epekto ng tuwirang pagwasak sa lipunan sa ngalan ng radikalismo. mabigat ang pakiramdam na iiwan nito sa manonood dahil batid nating ito'y nangyayari sa maraming bahagi ng mundo sa ngayon. maraming biktima ng radikal na interpretasyon ng islam, kahit na nga ang tunay na islam ay tungkol sa pagkakapantay-pantay, humanidad at paggalang sa kapwa't buhay ng bawat isa. 


goodnight mommy

slow buildup leading to a squirm-inducing ending. that was what goodnight mommy was all about. all throughout its almost two-hour run, all i felt was unease and discomfort. it was not your usual horror fare where there was a ghost that haunts the main characters. what it leaves you is that eerie thought that a loved one can and may cause harm on you. there were many moments that left me squirming and the ride was all good.

this movie is about twin boys who live in a countryside home, they spend time playing with each other during summer break. their mother, an actress and a well-known celebrity, is unrecognizable after undergoing a radical medical procedure to repair her heavily damaged face due an accident. the twins are certain that the woman they come to live with is not their real mother. this is where the terror started… especially when the twins bound, gagged and shockingly glued the mother's lips. one of the squirm-inducing moments of the movie was when the twins cut the mother's lips and blood came out squirting. the body horror was not out of this world and its simplicity made it even more frightening because audiences can relate to this.

it is a well made film, the director perfectly executed subtle hints of horror in its first half before opening a good half of frightening horror. the dullness of countryside and modern style of the home were instrumental in creating an uncomfortable setting. the use of venetian blinds and the nighttime shots heightened the spookiness of the movie. then another master stroke was offered via an amusing 5-minute scene with two red cross workers. it was funny, yes. but it did not in any way diminish the horror and even eerily contrasted with the ending when the twins burned their mother to death and the twist was finally revealed that the other twin was already dead. of course, the acting was superb as the twins' faces devoid of any empathy perfectly contrasted with that of the mother who had to deal with the terror brought on by her own son.

 
goodnight mommy is one of the most compelling horror films i have seen. it's an absolute must-see, an emotionally draining ride into the darker realm of european countryside living.       

Saturday, December 5, 2015

Friday, November 27, 2015

Friday, November 20, 2015

Thursday, November 19, 2015

White Island

Summer in November! Fantastico. White Island, Camiguin.


mambabarang

nasabi ko na ba sa iyong nalambat na rin ang dakilang mandaragat? oo, nalambat na ito, inihagis sa pampang, pinalu-palo at nang wala na itong anupamang lakas ay inilata't sininsil ang ibabaw at walang awang initsa sa malayong ibayo.

di ba sabi ko rito ay di magtatagal at may magiging biktima na naman ang mandragora? ito na nga 'yun. di naman tuwiran ang wasiwas ng lamanlupa sa mandaragat at di lamang ang mandragora ang may kamay dito. ngunit may malalim silang iringan ng kapangyarihan sa kahong iyon sa biesi. ni hindi sila nagsisipag-usukan kasama lamang isa't isa. may kung mutwong disgusto ang bawat isa at ni wala yatang magandang sinabi ang lamanlupa tungkol sa mandaragat. at siyempre landmark ang kanilang labanan ukol sa benomo ng lamanlupa kung saan isinaksak ng mandaragat sa baga ng lamanlupa ang salaping galing sa i panget death skwad. siyempre kinampihan ng dambumbay ang lamanlupa ngunit alam ng lahat na nag-iipon lamang ng kamandag at lipi ng maiiitim na kakampon ang lamanlupa upang tuluyang mapatalsik ang mandaragat. at sa malas ng mandaragat, natagpuan ito ng lamanlupa.

op kors, nariyan na ang dambumbay. malaki pa rin ang salaping nakasandig sa maitim na balikat ng lamanlupa kaya todo pakain pa rin ang dambumbay ng panggawa ng kamandag. kahit na nga patuloy ang pag-alpas ng mga tao sa pangkat nito, sige pa rin ang suporta. dama rin ng karamihan na di naman din gusto ng dambumbay ang istayl ng mandaragat. kumuha pa ito ng isang di naman gaanong mahusay, isang fulpol, upang kanilang maging grima wormtongue. ibinenta ng isang tindera ang fulpol na ito sa isang kliyente ngunit di naman napahanga ng fulpol ang kliyente kahit na nga nagpaka-diva ito. wala naman yatang malalim na kabuwisitan ito sa mandaragat pero di malayong nagbibitiw din ito ng hampas ng tanga ngunit makamandag ding dila. ang kataka-taka pa rito, biglang laki ang papel nito sa eyisi. hay naku, gudlak.




narekrut ng trio ng kaitiman ang dalawa pang bagong karakter sa ululang ito. ang una ay isang maysakit kunong sriv… ang kanyang patalastas ay sinira umano ng mandaragat ang kanyang mabangong karera. wala raw itong kakuwenta-kuwentang lider at ni walang gulugod. ang sriv ay isang matayog na kalipi ng dambumbay at mukhang kaapu-apuhan ng kontrabida ng da king. sinuportahan pa ito ng isa pa, ang tapayang eps, na isang pinaghalong kapog mula sa peninsulang sumalpok sa singkaasyahan at ng kitid na iyon. ayon sa epal at pa-cool na ito, wala raw alam ang mandaragat kundi umoo sa pinakamakapangyarihang mambabarang, ang pinuno ng mga nazgul na may alingawngaw at ni walang anumang kapangyarihang lumaban sa buspulpol, ang rasputin ng mambabarang.
   
at ayon sa tapayang eps, ang lahat ng ito ay naitaga sa bato rito sa maynila. sa kalagitnaan ng inumang ang bizniz ang magbabayad, napagdesisyunan ng mambabarang na alisan ng dingas ang kandila ng mandaragat. base raw ito sa pinagsama-samang kamandag ng mga nazgul, sampu ng lamanlupa, fulpol at sriv. isama mo pa ang butiking pasay. siyempre, di isinama ng tapayang eps ang kanyang sarili pero alam naman ng lahat na malason din ang bawat salitang lumalabas sa mala-ahas na bunganga nito. isa siya sa dahilan kung bakit sinawata ng pakuba nang mambabarang ang dakilang mandaragat. una, wagas ang pagrereklamo nito ukol sa mandaragat. pangalawa, may matindi siyang ambisyong kunin ang trono nito at pamunuan ang kabuuang eyisi. at huli, may angking talino ito sa panggagayuma sa mambabarang. di gaya ng sa lamanlupa na direkta, gamit nito ang benomong tago ang kaitiman. nakukubli ang kanyang lason sa pagreresaykel ng mga tinuran ng iba at paghuli-hulihin ito upang maging kanya at sa huli ay naghahatid lamang siya ng balita.

at siyempre, nakipag-usap ang mambabarang sa lahat ng mga karakter na ito sa pamamagitan ng kanyang itim na bolang kristal. mula rito, mabilis ang pagkilos ng mga uruk hai at sa isang dagli, nagpaalam na nga ang mandaragat. malungkot ang paglisan nito lalo na nga't nahatak naman ang mga lamandagat at naibenta ang mga ito sa merkado sa huling sandali. pero dahil nalukuban na nga ang mambabarang ng pinagsama-samang lason ng maraming kanazgulan, wala nang magagawa. nag-byers na ang mandaragat.

marami pa ang mangyayari. marami pa ang magiging biktima ng pinalakas at pinatinding konseho ng mga nazgul. kailangan ng marami na maging handa sa anupamang posibilidad... madawag ang landas, naglipana ang kademonyohan, mapanganib ang daraanan. maging mapagmatyag, matutong huwag maglagay ng lahat ng kaitlogan sa iisang pugad. higit sa lahat, huwag mag-atubiling pumailanlang at maghanap o gumawa ng sariling kaharian.

Friday, November 13, 2015

puwente

at naulit nga. naulit nang naulit. labing-anim. ngayon ay labimpito na. hanggang kailan kaya ang kawntdawn na ito?

may pagtatanong pa rin kasi kung bakit humaba ang hugpungang ito. una, di biro ang nakataya rito. angking kapararakan ang mayroon sa bawat tagpo. pangalawa, di naman talaga ganoon kaayo. may pagkagrosero. oo, kahit na nga umawas na ay dama pa rin ang angking rudo. pangatlo, may iba pa nga sigurong higit na luntian sa ibang dako. may higit na matayog ang tikid. maaaring may mas kaaya-aya o lalo't higit ang facha. napakaraming isiping kahigitan at kung anu-anong mga posibilidad na kumbinasyon ng abentaha.

pero ngunit datapwat ano ang nangyari? nakuluban ang lahat ng ito ng pinagsama-samang mabubuting salik. una, agos na nga ang kalipunan. ol awt na kumbaga. pangalawa, may palagayang-loob na wala sa iba. pangatlo, maigi ang ihip ng hangin sa tuwing may puwente.

bahagi rin nito ang kasanayan sa gawi… mahirap na ngang sumugal sa ibang dako. baka matapilok. baka walang tulad nito. baka mas pumangit pa ang takbo ng mga bagay. baka malasin sa bagong landasin.

ewan ko nga ba. tingnan natin kung saan pa ito magsasanga. habang maayos pa ang mga bagay-bagay, pigain ang mapipiga. lasapin ang bawat galak at magpatiagos dito hangga't mayroon pa.

Cagayan River

salamat po para sa masaya't puno ng abenturang lakad na ito!!



Thursday, November 12, 2015

grandfather's autumn

autumn and longingness. happy thursday! 


the lady in the van

"No no, I've had guidance... this is where it should go."

[when asked from whom did she get "guidance".] 
"The Virgin Mary... I spoke to her yesterday. 
She was outside the post office." 

Brilliance. Give her a 3rd Oscar! #DameMaggieSmith


 

Saturday, October 24, 2015

Maribina

a great adventure in 20 pesos! yes, i had a great time exploring this three-tiered wonder in bato, catanduanes in january. maribina falls is accessible via virac, all you have to do is take the tricycle from virac, get off at its marker and walk towards its entrance. 

when i got there, no one was there except for a group of locals gathering wood. i had the falls all to myself for a good 2.5 hours before a group of young kids ventured in its cold waters, diving and doing all sort of somersaults. 

hunger came knocking so off i went back to virac town proper to grab some lunch. more about my catanduanes sojourn!


Friday, October 23, 2015

Monday, October 19, 2015

Virac

ang buhay ay tila ba dalampasigan... 
minsan at puno ng kulay at galak.
ngunit may panahong daratnan ng unos
at mauut-ot ang kulay nito,
tatakip ang makulimlim na kaulapan. 

ngunit magpapasiklab ding muli ang haring araw.
lilipas din ang malabong himpapawid.
at muling babalik ang kulay at galak.
magtiwala lamang at magbatak ng buto.
at ngumiting gaya ng mga taga-Virac.


Saturday, October 17, 2015

Bantayan Island

singliwanag ng kalangitan
nawa'y manatiling ganito sa sangkalupaan.

simputi ng buhanginan
nawa'y totoo nga sa mga tinuturan.

sing-asul ng kawalan
nawa'y maging busilak ang kalooban.

singtayog ng mga kaniyugan
nawa'y maging matayog din ang kahinatnan.

singsaya ng mga kaganapan
nawa'y maging puno ng kagalakan.

singganda ng isla't karagatan
nawa'y pagpalain ng dakilang tagabantayan.


Saturday, October 10, 2015

Caleruega

ang tanawin mula sa isa sa pinakapomosong lunan ng kasalan... caleruega. 


Friday, October 9, 2015

Tagaytay

takip ng makapal na ulap
ni anino'y di masilayan dahil sa alapaap
makulimlim ang himpapawid 
nagbabadya ng ulang pambalakid.

ngunit isang wasiwas ng hanging matalim
langit ay ngumiti't nawala ang dilim
nagliwanag ang dako pa roon
upang bigyang daan ang wagas na naroroon.

o taal, wala kang kupas
sadyang tuwa ang dala sa bawat dalas
di naluluma ang iyong ganda't halina
laging presko't bago ang hatid sa balana.


Wednesday, October 7, 2015

Wednesday, September 30, 2015

Bora

di ako mapapagod na ilako ang turismo sa pilipinas sa sinuman sa mundo.
di ako mangingiming banggitin sa bawat talakan 
ang taal na ganda ng aking bansa.
di ako mauubusan ng salita kapag ganda ng aking bansa ang paksa.
di ako mawawalan ng ideya kapag may nagtanong sa akin 
kung saan maiging pumunta sa pinas.
di ako manghihinayang na isingit sa bawat komento 
ang mga katagang, "visit the philippines!".
di ako magagaralgal sa pagsasabing, 
ang pilipinas ang isa sa pinakamagandang bansa sa mundo. 
di ako titigil sa tuloy-tuloy na paggalugad at 
pagtuklas ng mga nakatagong lihim na ganda ng pilipinas. 

isa lamang ang ganda ng paglubog ng araw sa boracay 
sa milyun-milyong dahilan. bora!


Monday, September 28, 2015

Pangulasian

kailangan eh. nararapat lamang. 
at bakit naman hindi?
paraisong maituturing.
walang pagsidlan ang ngiti 
kapag ika'y tumuntong 
sa maputing buhanginan nito.
tila isa itong eden ng kagalakan
para sa pamilya't barkadahan.
o pangulasian, 
kailan tayo muli magkakadaupang-palad?
kaya kailangan at dapat lamang na magsulat muli tungkol sa 'yo.


Sunday, September 27, 2015

panghalina

madalas kaysa hindi, inaayon ng tadhanang masumpungan ang mga bagong lugar... mga lugar na mag-iiwan ng malaking ngiti sa iyong puso. gaya ng cagbalete. ang payapa, maputi at malawak nitong dalampasigan ay may taal na panghalinang mag-aanyaya sa iyo tuwina... balikan mo akong muli.


Saturday, September 26, 2015

bunga

serenity. boracay. punta bunga beach. the best.
ang bunga ng pagpupunyagi.  


Wednesday, September 23, 2015

salamat po

The greatest test of faith is when you don't get what you want, 
but you are still able to say, 
"thank you Lord."


Tuesday, September 22, 2015

downton wars

dame maggie smith with a lightsaber!! rock on, dowager countess!! 




Wednesday, September 16, 2015

Saturday, September 12, 2015

serena

was it the enormity of the stage where she was? or was it the huge pressure of making history? or did she underestimate her opponent? these are the questions hovering behind serena williams' surprising loss to roberta vinci in the semifinals of this year's US open.

serena's riding high this year, ripe to match steffi graf's calendar grand slam in 1988 and equalling graf's 22 slams. she of course won this year's first 3 slams – defeating maria sharapova in melbourne, lucie safarova in 3 sets in paris and garbine muguruza in london. she's on 33-match winning streak in slams from last year's US open. she also has won titles in miami and cincinnati this year. she now has won a total of 53 matches and only lost 2 this year (to petra kvitova in madrid and belinda bencic in toronto). in this year's US open, her first round opponent retired, beat kiki bertens in straight sets in the second round, lost the first set but won comfortably against bethanie mattek-sands in the third round, won easily against madison keys in the fourth round and outgunned her sister venus in 3 sets in the quarterfinals.


but against robertavinci in the semis, she seemed flat and not her usual self. she of course won the first set, 6-2, roaring back to take 5 games to close it out. in the second, vinci found her groove, breaking serena's serve for the first time and eventually gutting and winning her first set against serena, 6-4. in the deciding set, serena went ahead, 2-0, but vinci broke back and held at 2-2. the 32-year old from taranto, italy would go on to break serena for an advantage at 4-3 after a fantastic rally and hold to 5-3. serena won the next game, 4-5, and got vinci to serve it out… which she did, dashing the younger williams' hopes of sweeping the 4 majors in the same calendar year. serena produced 16 aces and 50 winners but committed 40 unforced errors. vinci forced serena to commit more than 20 forced errors.

prior to US open 2015, roberta vinci has never been beyond the quarters of any slam. in fact, she lost in the first round of a slam, 23 times. in her 4 previous matches against serena, vinci did not win more than 4 games. but in the semifinal match, vinci was the steadier player, dictating points and not committing a lot of mistakes. she simply refused to commit errors, gamely faced serena and smiled a lot even when serena's serves and winners go past her. even when she loses to flavia pennetta in the finals, she will forever be etched in the history of most stunning upsets.

no calendar slam for serena and tennisdom this year. while williams said that she did not think of the grand slam and records, she of course had her sights on it. after all, she's playing well and dominating the circuit and nobody has ever came close to challenge that. not even sharapova, simona halep or kvitova. she's head and shoulders above the competition and winning the calendar grand slam will truly cement her place in the history as the greatest player ever. had she won the title, she would tie graf's 22 slams and would have ended the debate on who's really the greatest. but it was not to be. certainly, there was a huge pressure on her. everybody expected her to win, including vinci. vinci played well to win the match of her life but serena's been in these kinds of situation many times before and pulled through, even snatching wins when she really was down and not playing well. as rennae stubbs said, she's one of the greatest competitors ever and hates losing.

so what really swamped serena's chances of completing the slam? it was the combination of immense pressure, looking way ahead and most probably, not taking vinci seriously. in her career, serena always had problems with lowly, unflashy players who seemed to not have any power to bang away with her. think of emilie loit, alina jidkova, tiantian sun and monica niculescu. she lost to unknown and lower-ranked players such as garbine muguruza, alize cornet, jana cepelova and virginie razzano. with roberta vinci, she seemed to be telling herself that "you cannot lose to this player" or "you're so much better than her", thought of which confounded her as the match went on, vinci not folding back and continuing to play well, win her service games and breaking serena's serve once more. serena's frustration resulted to her becoming tentative, slower to react and seemingly not anticipating well. errors came rushing in and in no time, she was out of the tournament. as many pundits say, that's sport for you. even the greatest champions get perplexed and run out of ways to pull off a win sometimes, especially when you take your challenger too lightly.

i'm a fan of serena williams. she's one of the greatest players ever to play the sport. she's brought in great difference and with her talent, skills and personality, put tennis at a higher level as a whole. she probably would equal graf's 22 slams next year or even margaret court's 24 in the next few years. but the calendar grand slam is not hers. i would like to see another player achieve that… a more gracious and sportswoman who would not use steely stares to intimidate opponents and only let her racket do the talking.

till next grand slam season, tennisdom!

Monday, September 7, 2015

upcat questions

rejected upcat questions... from our taga UP Diliman group on facebook:

1. Anong circumference ng mukha ni Charice at ano ang diameter ng panga nya? Show your solution.
2. Bakit pa tinawag na 2nd home ang School kung bawal rin matulog?
4, Kapag ba ang buntis, pinicturan, makukunan? Ipaliwanag.
5. What’s your point? Paki-locate sa Cartesian Plane.
6. Hanggang saan aabot ang bente pesos mo?
7. Kung walang kamay ang mga ibon, then why do birds suddenly APIR? Ipaliwanag.
8. Bakit mo pinagpipilitan sarili mo sa taong ayaw sa 'yo? Defend your answer.
9. Alin ang tunay, Royal True Orange o Minute Maid with Real Pulp?
10. Where do broken hearts go? Can they find their way home? Cite examples based on experience.
11. Mas madali raw hulihin ang manok kapag nakatali,ngunit bakit pa ito kailangang gawin kung nakatali na nga ito?
12. Gaano kaitim yang kili-kili mo? Explain using the fifty shades of grey.
13. Paano mangulangot si Wolverine? Explain and illustrate.
14. Bakit wala paring tatalo sa ALASKA? Explain briefly, No Erasure!
15. Ano ang cultural explanation ng pagkembot ng reyna habang pumapasok ito sa bulaklak?
16. Should I give up? Or should I just keep chasing pavements?
17. Bakit double U ang tawag sa W? Bakit hindi na lang double V?
18. Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumanda, anong karapatan mo? Defend your answer.
19. Kailan grumaduate ang Graduated Cylinder? Expound. Show history.
20. Bakit square ang box ng pizza samantalang circle naman ang pizza? Elaborate.
21. Nasaan ang corn, sa corned beef?
22. Gaano kataas ang lipad ng Whisper with Wings? Demonstrate.
23. Pwede bang lagyan ng ballpen ang Pencil Case?
24. Who let the dogs out? Explain briefly.
25. Sinong kumagat sa Apple logo? I-explain bakit hindi niya inubos.
26. Pag na-ban ang plastic sa Pilipinas, kelangan mo na ba matakot at magtago?
27. Kung 20 yrs old na si Mahal. Niregla ba siya? Illustrate her pubity stage according to Darwins theory.
28. Only Belo touches my skin, who touches yours?
29. Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Defend your answer.
30. Kapatid ba ni Swiper the Fox si Megan Fox? At pinsan ba ni Megan Fox si Mozilla Firefox?
31. Ano susundin mo, sigaw ng puso mo o sigaw ng nanay mo?
32. Jumbo hotdog kaya mo ba ‘to? Explain your answer into 10-30 sentences.
33. Choco na gatas or gatas na choco? Nakakabusog o Nakakalusog?
34. Hot pa din ba ang hot sauce pag nilagay mo sa loob ng ref?
35. Saang direksyon papunta ang One Direction?
36. Bakit laban ang hanap ng batang bonakid?
37. Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
38. Kung si Corazon ang unang aswang, pang-ilan ka?
39. Sa huling pagkakataon, tatanungin ulit kita. Showtime or Goodtime? Tandaan mo meron ka ng X.
40. Ano ang mas tama? AMALAYER or AMABEE? Explain.

Thursday, September 3, 2015

Monday, August 31, 2015

UPCAT

big deal sa nova high ang UP... ito ang natanim sa aking isip noong nasa pablik pa ako. kasi naman ay may isang buong blackboard (nile-letteringan gamit ang iba't ibang kulay ng tsok) sa pasukan ng marcos bldg ang nilalaan dito kada enero o pebrero upang ianunsyo kung sino ang mga mapapalad na tagapablik ang nakapasa sa UPCAT. tanda ko pa nang makita namin ang nagdaramihang mga pangalan ng sinundan naming batch na nakapasa rito. kaya n'ung kami na ang nasa fourth year, isa ito sa mga unang pinag-isipan ng bawat isa sa IV-1. salamat kay ma'am eligia barawed, di na namin kailangan pang pumunta sa diliman upang makakuha ng application form (di pa uso ang pagda-download)… isa-isa na itong pinamahagi sa kung sino ang nais kumuha ng exam. libre kapag nasa top 10 ka noong third year pero 300 pesos ang babayaran kapag wala ka rito.

kagaya ng maraming bata, di ko alam kung ano ang kukunin ko. kailangan mo siyempre ng dalawang choice ng campus at dalawang choice ng kurso kada campus. alala ko pa nang minsang sabihin sa amin ni ma'am norma pacaigue na wala naman ang tagumpay sa buhay sa piniling kurso kundi nasa tao, kung magpupursige o magbubulakbol lamang ito. ang sabi niya at ng ilan pa naming mga guro tulad nina ma'am erlinda berdin, ma'am senen centeno at ma'am rebecca gimelo, isulat mo ang kursong sa tingin mo ay malapit sa iyong puso at nais mong pagpursigihan, nang sa gayon ay di ka mag-aksaya ng panahon pagdating ng araw na nasa kolehiyo ka na. tangan ang mga salitang ito… pinili ko ang UP diliman bilang unang choice, history at geography ang mga kurso at UP manila (physical therapy at occupational therapy). ipinasa ang kinumpletong application form kay ma'am barawed. sabi niya, maagang dumating sa iyong schedule, magdala ng 2 mongol pencil number 2 at meryenda… di raw maaaring lumabas sa gitna ng pagsusulit. dapat din daw na maging mabilis sa pagsagot dahil maikli lamang ang palugit sa bawat asignatura. sabi pa nila ma'am, basahin ang tanong ng 2 ulit… kung di mo pa rin naunawaan, huwag manghula. mas maigi raw na lagpasan ito dahil right minus wrong ang UPCAT. salamat sa aming mga guro (kasama na si ma'am linda valeza) na isinabay pa sa review ng NSAT ang aming libreng review para sa UPCAT.

dumating ang araw na 'yun ng agosto… ang araw ng pagsusulit. hapon ng sabado ang aking schedule… ni isa sa aking mga kaklase ay wala akong kasama sa silid na 'yun sa school of economics. kabado't pakiramdam ko ay mangangamote ako sa exam. pinaiwan lahat ng gamit sa harap ng silid, umupo ako sa aking seat at nagsimula na nga ang exam. di ko na maalala pero nauna ang language proficiency at reading comprehension bago ang mga tanong sa science. maaari pang lumabas upang mag-cr pero di ako lumabas. kaya ayun, n'ung matematika na… naiihi na ako at di na puwedeng lumabas. grabe ang pagpipigil ko kaya ni hindi ko masyadong binabasa ang mga tanong… sagot na lang ng sagot upang matapos na itong kalbaryong ang tawag ay UPCAT. pagkatapos ng 5 oras, natapos din.

tandang-tanda ko nang sabihin ng mga proctor na maaari nang kunin ang mga gamit, ang unang pumasok sa aking isipan ay kailangan kong mag-exam sa ibang unibersidad dahil siguradong di ako pasado sa UPCAT. inisip ko na agad ang UST at kung kailan ang simula ng pagkuha ng entrance exam dito. nagkita kami ng aking mga kaklase at nagsimulang lumakad papuntang academic oval. namasyal ng kaunti at nagsimulang lumakad papuntang pook dagohoy dahil makikitulog kami kina ma'am barawed. kinabukasan ay umalis na rin kami pero di agad umuwi, kundi sumakay ng dyip, bumaba sa philcoa at sumakay ng bus pa-baclaran. nag-sm megamall kami ni sherralyn at bing, nagsimba pa at nanood ng sana maulit muli bago pa umuwi. pagdating ko sa bahay, medyo napagalitan ako dahil di man lang daw ako tumawag para sabihing di ako uuwi. nang dumating ang lunes at pagkatapos ng flag ceremony napagalitan pa ako ni ma'am berdin dahil di nga ako umuwi n'ung sabado. tumawag pala sa kanila si ate joy para hanapin ako pero buti na lang at nandoon si ma'am barawed upang ako'y bak-apan.

disyembre ng taong 'yun, nag-exam ako sa UST. kumbinsido akong di ako nakapasa sa UP kaya nasa isip ko na ang españa ang magiging lugar ko sa loob ng 4 na taon. pero bago ko pa nalaman na nakapasa ako sa UST ay dumating na ang pinakamalaking balita sa akin ng huling mga buwan ko sa pablik – nakapasa ako sa UP!! si christine bote pa ang nagsabi sa akin, dumalaw daw sila sa UP diliman.
pebrero ay dumating na nga ang makapal na sobre galing sa UP registrar. kumpleto ito ng lahat ng kailangan ko bilang papasok na freshman, mula sa congratulatory letter, mapa ng UP diliman, mga hakbang paano mag-enrol, papeles para sa pag-aapply ng STPAF, may pamaypay pa yata at marami pang iba. bago pa kami gumradweyt sa novaliches high school, nakadalawang beses pa kaming dalaw sa UP diliman sa mga rasong di ko na maalala. ang hudyat na ako'y papasok na nga sa UP ay nang kami nina herbert, lawrence at wally ay magpa-medical na sa UP diliman infirmary. isa itong malaking pribelehiyo, iilan lamang sa mga estudyante sa pilipinas ang nakapasa sa UPCAT, nakapasok sa UP diliman at nakatapos ng kurso.

at sabi nga nila… the rest was history. nag-UP ako, 4 na taon plus 1 summer… at natapos. kumbinasyon ito marahil ng suwerte, tadhana at matinding punyaging mag-aral at ayusin ang sarili. tiyak na malaking kaibahan kung hindi ako nakapasa sa UP pero ipinag-adya na makapasok ako sa UP. kung kaya naman di ko sinayang ang pagkakataong ito upang pagyabungin ang aking kasanayan at matuto di lamang ng mga basiko at lahat ng impormasyon ukol sa aking kurso kundi kung paanong maging mabuting indibidwal para sa sarili, sa aking pamilya at sa bansa. salamat UP… UP naming mahal.