have i told you that i sooo love this series?! downton abbey!
Thursday, January 29, 2015
Wednesday, January 28, 2015
blancanieves
tunog
ng castanets sa saliw ng musika ng flamenco, krispong mga kuha sa puti't itim
at puno ng lumbay na katapusan ang iiiwan ng blancanieves sa manonood. hindi
mapag-aalinlangang isa itong tagumpay ng pagpepelikula, magkahalong igaya at
makasining na paghabi ng klasikong tema mula sa isang fairy tale. bilang isang
silent film, may mangilan-ngilang teksto pero ang mga biswal nito ang tunay na
nagdala ng pelikula.
ibang
atake sa istorya ni snow white, ang blancanieves ay nakasentro sa seville noong
1920s. simple pa rin naman ito gaya ng sikat na fairy tale – may isang batang
babae, ang kanyang ama at ang buktot na madrasta. ang kaibahan nga lamang ay
torero ang ama at imbes na humarap sa salamin ang balakyot na kontrabida, bahagi
na ng istorya ang makabagong midyum ng mga magasin. inbalido na ang ama ni carmen
(o blancanieves) at planado na ang pagpatay sa kanya ni encarna (ang madrasta)
ngunit nailigtas siya ng isang pulutong ng mga unanong torero. inalagaan siya
ng mga ito hanggang dumating ang kanyang pagkakataong lumabas mismo sa publiko
bilang magaling na torera. nagkrus muli ang mga landas ni carmen at encarna nang
sumikat si carmen bilang torera. gaya ng sa fairy tale, isang mansanas galing
sa buktot na madrasta ang tumapos sa buhay ni blancanieves habang namatay naman
si encarna pagkatapos giikin ng toro. ngunit di tulad ng sa fairy tale, di na
muling nabuhay si blancanieves. bagkus, ang bangkay nito'y naging espektakulo
ng perya kung saan maaaring humalik sa kanyang mga labi ang bawat parukyano
kapalit ang bayad. madilim at nakapanlulumong katapusan sa minahal na
prinsesang si snow white.
iba't
ibang tunggalian ang hinaylayt ng blancanieves. may ligayang dulot ng
pampamilyang pag-ibig lalo na sa pagitan ni carmen at kanyang ina't lola ngunit
may malalim ding lungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang ina at pag-abandona ng
kanyang ama. nasa isang ispektro ang tuwang dulot ng pagkabata ngunit naroon
din ang dalamhati. nariyan din ang lamyos ng kamusmusan at dahas ng mga adulto.
galit at tuwa, panaghili at solidaridad, pagkakaibigan at poot, pag-asa at
mapait na katotohanan ng buhay… lahat ng ito'y sangkap ng isang mahusay na
pelikulang naghain ng ibayong lugod sa manonood.
pablo
berger ang direktor nito at sa kanyang paggabay, umani ang pelikula ng
sangkaterbang mga parangal. mahuhusay ang mga nagsiganap. ang encarna ni maribel
verdu ay buktot dahil sa kanyang masidhing pagmamahal sa kasikatan at salapi
ngunit may kakatwang hilig din sa latigo't BDSM. magaling din si angela molina
bilang lola ni carmen at gloryoso ang kanyang pagkamatay habang sumasayaw ng
flamenco. maaaring OA sa iba ang emosyon
ng mga aktor pero angkop ito sa isang silent film. buhos-buhos ang disenyo ng
produksyon at dadalhin ka nito sa espanya noong dekada '20. ang pangatlong
karakter ng pelikula ay ang napakahusay na iskor.
alam
ng lahat na di naman talaga pambata ang mga fairy tale. di nga pambata ang
blancanieves at ang katapusan nito'y nag-iwan ng lumbay sa aking kalamnan. mantakin
mong maging kasangkapan si blancanieves sa pagpeperya maging sa kanyang
pagkamatay! di inaasahan ang katapusan pero kinumpleto nito ang nakapupukaw na
makasining na harutan ng fairy tale, katutubong kuwentong-bayan, panulaang
iberia at post-moderno't madilim na habi ng snow white. magaling, magaling,
magaling!
jealous
song of the week. jealous.
I turn my chin music up
And I’m puffing my chest
I’m getting red in the face
You can call me obsessed
It’s not your fault that they hover
I mean no disrespect
It’s my right to be hellish
I still get jealous
I turn my chin music up
And I’m puffing my chest
I’m getting red in the face
You can call me obsessed
It’s not your fault that they hover
I mean no disrespect
It’s my right to be hellish
I still get jealous
Tuesday, January 27, 2015
santo papa
dumalaw nga si pope francis dito. higit isang linggo na ang nakalipas. ayon sa marami, ang pagbisitang ito ng papa ang muling nagpatibay sa pananampalataya ng maraming pilipino. sa mga nakapanayam ng iba't ibang grupo ng midya, ninais ng maraming pinoy ang masulyapan ang santo papa dahil para sa kanila, nabasbasan na sila nito kahit na isang kaway lang ng obispo ng roma. bilib ako sa mga di natinag ng malakas na ulan, maging sa tacloban o sa luneta. walang tindi ng ulan o hangin ang nagpauwi sa mga mananampalataya. di rin napayuko ng bolyum ng tao ang mga nakipagsiksikan sa luneta, makadalo lamang sa misa ni pope francis.
higit sa anim na milyong katao ang nagsipagtipun-tipon sa quirino grandstand at sa lahat ng paligid nito. ayon sa kapulisan, punung-puno ng tao maging ang paligid ng burgos street kung nasaan ang national museum, ang kahabaan ng taft avenue hanggang sa sm city manila, siyempre ang t.m. kalaw street at maging ang kahabaan ng mabini... lalo na sa roxas blvd. kung saan ako tumigil.
sabi ko nga, tila naging mabait ang mga pilipino sa loob ng 5 araw. mas naging mapagbigay tayong lahat. higit sa lahat, naging disiplinado ang mga tao. walang anumang tulakan o aberya sa bawat motorcade ng santo papa. bukod sa aberya sa pagpasok sa luneta, naging mapayapa ang malakihang pagtitipon at matiwasay ang bawat programang ginawa. siyempre may mga umeksena ring gaya ni marlene aguilar at mga patama ng ilang sektor ng relihiyon. pero di na nga siguro ito maaalis sa mga pinoy. mayroon at magkakaroon talaga ng hirit na wala sa hulog... bahagi ng masalimuot na demokrasyang pinoy.
anu't anupaman, tagumpay ngang matatawag ang pagbisita ni pope francis. sabi nga namin, ano ba naman 'yung gawing dalawang linggo ang susunod niyang pagtigil sa pilipinas. maliit na bagay, hahaha! malaking pasasalamat sa apostolikong dalaw ni pope francis. sa susunod po ulit.
Wednesday, January 21, 2015
cloud nine
“I
guess that’s the thing about riding on cloud nine —
it can’t last forever.
And
that particular fall was hard and fast.”
―
Hannah Harrington, Speechless
Monday, January 19, 2015
pope francis
di
ako nagtiyagang mag-abang sa mga daraanan ni pope francis sa kanyang pagdating.
hindi rin ako nakipagsiksikan sa kanyang pagpunta sa malacañang, manila
cathedral at sm moa noong biyernes. may malawakang pagkokober naman sa lahat ng
kanyang aktibidades sa lahat ng halos ng istasyon. tumutok ako sa telebisyon
lalo na sa kanyang maikling pagbisita sa tacloban city at palo, leyte.
pero
sa huling buong araw ng kanyang pagdalaw dito sa pilipinas, may masidhi akong
damdaming makigulo sa gitna ng aksyon. may anong kati sa aking mga paa na
nagtutulak sa akin na tumungo sa luneta. walang anumang lebel ng hitik ng tao
ang pipigil sa akin upang makita ang papa sa personal at nang malapitan. maski
pa nga bumuhos ang malakas na ulan, pupunta pa rin ako kasama ng milyun-milyong
mga pilipinong may matinding naising makita ang pamosong sinserong ngiti ni
pope francis. kahit na nga isang kaway lamang, ok na sa akin. batid kong suntok
sa buwan ang pagkakataong makapasok sa isa sa mga kwadrant sa harap ng
grandstand.
bitbit
ang tinapay at tubig, umalis ako ng mag-aalas siyete ng umaga. pasado alas-7,
nasa vito cruz – roxas blvd. na ako. sangkaterba na ang mga tao rito. may mga
nakatambay na sa mga center island pero karamihan ay lumalakad sa direksyon ng
luneta. sinundan ko ang bulto ng tao pa-luneta. pagtawid pa lang ng UN avenue,
mabagal na ang usad ng tao. nang makarating ako sa kalaw avenue, wala nang
galawan ang labu-labong lipumpon ng tao. pinigil na kasi ang pila ng mga
pinapapasok sa maria orosa kaya tigil din ang mga nasa likuran. pinili kong
umistambay sa lilim ng puno sa bangketa sa panulukan ng kalaw at roxas blvd. makapal
na rin ang dami ng tao sa area na ‘yun. sa paniniwalang di na gagalaw ang pila
at dahil may wide screen namang natatanaw mula rito, umistambay na ako rito.
marami akong dalang plastic kaya nakiupo na rin ako.
sa
loob ng halos apat na oras na pag-upo’t pagtayo ko rito, ilang beses kong
naisip na gumamit muna ng portalet. pero hindi. pinigil ko ang tawag ng kalikasan,
mawawalan ako ng puwesto kapag umalis ako kahit sandali. wala namang tulakang
nangyari sa lugar na ‘yun pero nagsisimula nang uminit ang aksyon dahil sa mga
taong nais makiraan. deadend na nga kasi ang lugar na ito kaya lahat ng taong
di na makakakaliwa sa kalaw avenue ay babalik lamang sa roxas blvd. kung saan
silang lahat galing. ang tanging pang-u turn na di kailangang sumalubong sa
bulto ng tao ay ang lugar kung nasaan kami nakaupo, ilang dipa lamang ang
pagitan nito sa mga portalet. umistambay na kami rito at ang iba ay alas-3 pa
raw sa area na ito kaya naman nagsipag-upuan na kami. ayaw na magpadaan ng mga
nandito dahil natatapakan ang aming mga upuan at ang iba’y di naman umaalis
‘pag pinadaan. galit na ang maraming tao, may saglit-saglit na sagutan. pero
susundan naman ito ng tawanan… pinoy nga naman.
bago
mag-alas 12, di ko na talaga kinaya. pumunta na ako sa portalet at may mahabang
pila. paglabas ko, tinakpan na ang wide screen at lalo pang kumapal ang tao. sabi
ko, malabo na talaga ito. di na talaga makakapasok at ni hindi namin makikita
ang misa mula rito. lumakad na ako palayo ng kalaw avenue. paglagpas ng UN
avenue, umupo ulit ako. kumain. pasado alas-12 na rin kasi. lakad-lakad ulit at
bago dumating sa tapat ng malate fountain, nakasumpong ako ng bakante sa center
island. akyat at tambay ulit.
sa
center island na ito na ako pumuwesto. habang tumatagal, dumarami ang mga tao
sa pagitan ng barrier at ng flower box. dadaan kasi si pope dito mula apostolic
nunciature patungong quirino grandstand. magmula 12:30 hanggang halos alas-3 ng
hapon, di na ako umalis dito. kahit lumakas pa ang ulan at nararamdaman ko nang
nababasa na rin ang jacket ko sa loob. sangkatutak ang mga nagnanais na
sumingit pero napagkasunduan na naming lahat na wala nang palulusutin. may isa
pang buwisit na babaing nakisingit, kesyo regional director daw. may gana pang
magalit eh siya na lang itong nakikisingit. pinoy nga naman. may mga biglang
sumulpot na pulutong ng mga tao sa kabilang bangketa ng roxas blvd kahit na nga
bawal ang mga tao sa lugar na ito. hiyawan ang mga tao sa banda namin para
paalisin ang mga ito. umalis lamang ang mga ito nang itaboy sila ng pinaghalong
puwersa ng mga sundalo’t pulis.
di
gaya ng ibang motorcade ni pope francis, walang maraming hagad sa harap nito.
kaya nabigla na lamang ang mga tao na pope mobile na pala ang papalapit. halos
alas-3 na ito at malakas na ang buhos ng ulan. sigawan ang mga tao at walang
sabi-sabi’y nakita ko na ang pope mobile, nakakapoteng dilaw si pope. sa di
maipaliwanag na pagkakataon, di ko napindot ang camera sa sandaling nasa harap
ko na ang papa… para bang nag-freeze ako. may malaki siyang ngiti at kumaway ng
kanyang pope francis wave. mabilis ang takbo ng pope mobile at paglayo niya ng
ilang dipa, tsaka lamang ako nakakauha ng picture. nakatalikod na si pope pero
ok lang. ang mahalaga ay nakita ko siya.
umalis
na rin ako agad at lumakad patungong banda ng aristocrat. may wide screen dito
at dito ako nanood ng misa. pero sadyang malakas ang ulan at labu-labo ang mga
tao. naisip ko tuloy ang sabi ng mag-ama at ng mag-asawang katabi ko kanina sa
center island… ok na raw na nakita na nila si pope, uuwi na sila pagkatapos
nito at sa tv na makikimisa. dahil dito, nagdesisyon na rin akong umuwi.
nilakad ko na ulit ang kahabaan ng roxas blvd. may tambak ng mga tao sa banda
ng bangko sentral at di talaga umuusad ang mga ito. sa isang iskinita ako
dumaan, kumanan at sa likod ng BSP dumaan hanggang makarating sa quirino
avenue. alam kong malayo pang lakaran papunta sa lrt taft mula rito kaya
sinundan ko na lang ang mga taong nakidaan sa ospital ng maynila para
makarating ulit sa roxas blvd. mula rito, tuloy-tuloy na lakad sa sunaw
hanggang sa makarating sa buendia. salamat naman, may taxi agad. sumakay ako’t
nakarating sa bahay at pagbukas ng tv, homiliya na ni pope.
kahit
na nga napakaikli ng aking engkwentro, buo na ang aking pope francis eskapeyd. bawi
na ang 9 na oras na paglalakad, pagtayo, paghihintay at pag-antabay kung makapapasok
pa kami sa luneta. maginaw lalo na noong hapon at basa na ang aking damit
hanggang dibdib. ngawit na ang aking mga pa at tila ba ngalay na rin aking mga
daliri dahil sa lamig at ulan. pagdating ko sa bahay, paltos ang inabot ng
aking mga paa pero wala ang mga ito. may malaking ngiti sa aking mga labi at
may matinding galak ang aking puso. salamat po.
isang
iglap lamang ang aking tagpo kay pope francis. ni hindi yata ito inabot ng 5 segundo.
pero ang tila aparisyong imahe nito ay di ko malilimutan. malinaw itong
nakatanim sa aking diwa. tunay ngang iba ang kanyang lapit at madarama mong may
kabanalan sa kanyang gawi. ang pamosong ngiti ay tunay ngang dalisay… taos-puso
ito kahit na nga di pa siya nagsasalita. tapat at madarama mong nais niyang
makihalubilo ngunit di ito posible dala ng panahon at kapal ng bolyum ng tao.
higit
sa anupaman, ang biyayang madalaw ng santo papa ang aking ipinagdiriwang. bihira
ang ganitong mga pagkakataon. bumibiyahe pa nga ang marami patungong roma para
lang masulyapan ang papa. ang marinig mula sa maraming pinoy na napukaw sila ng
papa na magmalasakit sa kapwa ang pinakasaysay ng pagdalaw ni pope francis.
binigyang-sigla ni pope francis ang personal na pakikipag-ugnayan ng mga
indibidwal sa panginoon, maging ng mga di gaanong relihiyosong tulad ko. ang
kanyang mensaheng lahat tayo ay anak ng diyos ay patunay ng kanyang misyong
yakapin lahat ng tao, maging ang mga hindi katoliko. ang kanyang panlahatan at
walang diskriminasyong pagmimisyon ay kahanga-hanga. dama mo rin ang kanyang
kababaang-loob sa mga katagang, “please do not forget to pray for me as well.” kahit
na nga siya na ang itinuturing na vicar of christ sa lupa, di siya nangingiming
sabihin na maski siya’s nangangailangan ng ating dasal upang magampanan ang
kanyang papel bilang lider ng 1.2 bilyong katoliko sa mundo. higit sa lahat,
binigyang pag-asa ni pope francis ang mga taong muling bumangon sa mga
pagkadapa, tipuning muli ang piraso ng sarili, pagtagumpayan ang mga pagsubok
at magsimulang umabante. “jesus never lets us down”, sa kanyang mga salita.
“filipinos
have a profound dignity”, sabi ni pope francis tungkol sa mga pinoy. sa
maikling panahon, sana’y nadama rin ng papa ang pinoy effect… ang mainit na
pagsalubong, pagtanggap at pag-aabang sa kanya pati na ang dagundong ng musika.
nabuklod muli ang sangkapilipinuhan dahil sa inyong pagdalaw.
salamat
sa 5 araw na paglagi sa pilipinas, lolo kiko. balik po kayo ulit. viva il papa!
Friday, January 16, 2015
dagundong
“There is no present or future-only the past, happening over and over again-now.” - Eugene O'Neill
di tiyak at tahimik
pandesal daw mula malolos
“I had never had an angel, and fuck, I wanted one. This one.” - Abbi Glines, Kiro's Emily
di nga batid
reminensya nga ba?
“The one thing in this life that will make everything OK.” - Abbi Glines, Kiro's Emily
didikdik at duduldol
dadaluhong at dagundong ulit.
di tiyak at tahimik
pandesal daw mula malolos
“I had never had an angel, and fuck, I wanted one. This one.” - Abbi Glines, Kiro's Emily
di nga batid
reminensya nga ba?
“The one thing in this life that will make everything OK.” - Abbi Glines, Kiro's Emily
didikdik at duduldol
dadaluhong at dagundong ulit.
Thursday, January 15, 2015
Sakahon
"it's too far... even i have not been there". this was what rachelle (rakdell inn's reliable front desk lady). but i "persevered" and got to this unspoilt beach facing the pacific ocean... as rachelle said, not too many locals have been in sakahon beach. what was even better, i got the beach to myself! except for 4-5 kids playing around, i was the only tourist for 3 hours of my stay there.
despite the rough roads, ravines and tricycle driver who's not aware of the roads leading to brgy. bote in bato town, i made it to sakahon. another one for the postcards and one of my ultimate discoveries! salamat, catanduanes!
Tuesday, January 13, 2015
Bato Church
one of the must-sees churches in the Philippines! i'm so glad that i've made this solo trip to virac, catanduanes... seeing bato church was one of the highlights of the trip. till next time!
Made of mortar and coral stone, this edifice is a fine example of
mid-colonization Filipino-Spanish architecture. It was built under the
polo system of forced labor for a total of 53 years, started in 1830 and
finished in 1883. Bato Church has withstood wars, calamities and the
ravages of time to become the only remaining structure of its genre in
the entire island and the second-largest church in Bicol region. In
its tower still houses the legendary bell that once served as a warning
device for incoming Japanese guerrillas during the Second World War.
Seen from the other side of the river the old church looks majestic and
imposing. Proudly the church stands as the oldest in the province.
Monday, January 12, 2015
rolling
You've got the sun, you've got the moon
and you've got the Rolling Stones
- Keith Richards
rolling, rolling, rolled!
Sunday, January 4, 2015
marigold
the second best exotic marigold hotel!
Subscribe to:
Posts (Atom)