Thursday, June 30, 2016

Siitan River

Unlimited cliff diving and river cruising.
Siitan River.
Nagtipunan, Quirino.
June 2016.


Hiyor-hiyoran Island

Once upon a time in Hiyor-Hiyoran Island.
Britania group of Islands.
San Agustin, Surigao del Sur. 
February 2016.


Quirino Capitol

Hapon ng linggo.
Ikaw lang at ako.
Ay nandoon pala ang mga guwardya!
Pero para kasing ako lang din naman ang tao roon.

Ako nga lang kasi ang namamasyal. 
Sarado ang lahat ng establisyemento. 
Wala ang mga nag-oopisina.
Ni walang makainan.

Pero ok lang.
Minangha mo naman ako sa iyong mata paalapaap.
Kakaiba ito sa maraming kapitolyo.
At mahusay na nagkita tayo.

Sa Cabarroguis matatagpuan.
Isang traysikel ang layo mula sa sentro ng Cabarroguis.
Marami pang gusali sa paligid.
Pati na ang panlalawigang himnasyo at trak.


Salamat sa iyong katuwa-tuwang elipsyo.
Salamat sa pagpatingala sa akin.
Salamat sa asul na langit at sa haring araw.
Salamat, kapitolyo ng Quirino sa Cabarroguis.  


Tuesday, June 28, 2016

Alona Beach

it was great seeing you again. 
you gave me a warm welcome.

100-peso tricycle ride from be grand was what it all took.
and you gave me another great experience.

short this time.
but no worries.

i still had a great time. 
your sandy white sand felt great on my feet.

your warm waters cooled by stressed mind.
your early morning beach relaxed my body.

thanks, alona beach.
till we see each other again.


Batad

Up!
Batad, Banawe, Ifugao.
Way back when.


Wednesday, June 15, 2016

blue

Into the blue.
Be Grand Resort.
Panglao Island, Bohol.
May 2016.


Thursday, June 9, 2016

Balesin

A very good morning.
Phuket Villa. 
Balesin Island.
Polilio, Quezon.
April 2016


Las Casas

After the rain.
Las Casas Filipinas.
Bagac, Bataan.
Way back when.


Wednesday, June 8, 2016

the historian


i can't remember when i bought this book. but it was one of those solo trips to bonifacio high street's fully booked. i wanted to challenge myself. i told myself that i'm going to pick up a really thick one, story of which is far from the usual fare. something that would drive me to google some more because of some terms used or places that i haven't heard of. oh and one more thing, i didn't want a fiction-fiction one, i wanted a book that touches on history or a book based on one of history's famed (or infamous) characters. so off i browsed. and voila, the historian presented itself.

but when i got home, i didn't touch it immediately. maybe because i was actually daunted by its thickness, haha! i completely forgot about it and it laid forgotten at the bottom of my desk pile. i have read some other books such as maria ressa's 10 years 10 months and thomas friedman's the world is flat. i finished and enjoyed the unlikely pilgrimage of harold fry by rachel joyce, as well as some other books. this was a total of more than a year (super slow reader me)! and then, i found it (or re-found) and started flipping thru its first few pages. and didn't let it go… until i finished it just this last month.

and what a ride it was. others who said that it's a great late night page turner were spot on. i enjoyed reading a story within a story and no less a story about the real dracula himself, vlad tepes or vlad the impaler. of course there have been countless versions about him but the historian focused on the original dracula, the undead in this book. the book jumps from one setting to another and from another point of view to another. at the center of which, are letters written by the central characters such as helen, paul, elena and professor rossi.

what i liked about the historian is its thorough historical, almost textbook manner, way of presenting  the story. i like history and anything that carefully looks into the past and how it was told would get merit points from me. while kostova chose to keep with the terrifying characterization of vlad the impaler, a much-maligned character, thanks to the hollywood cult that perpetrated it, the historian painted another different side to this bloodsucking monster. vlad tepes, in kostova's imagination, is also a sucker for knowledge and information. he wants to keep things in order, through a library, that would open up different views on many personalities and events that were twisted as time went by. i particularly liked its constant alternating setting between 70s amsterdam to 1950s budapest, while also bringing us to vlad tepes' time. it talked about the cold war era and life's challenges in countries that belonged to the eastern bloc, while also loading us with tabs of orthodox church politics, bulgarian folksongs, european pagan traditions and even talking about peculiar differences between ancient territories now part of a single country (walachia and transylvania in romania).kostova stressed the importance of history in understanding the way people are. the historian also put the significance of library and books to the fore.
  
the historian also gave me a detailed glimpse of byzantine europe and the ottoman corridor. it gave me a nighttime trip to the dark ages, just before renaissance when the byzantine kings ruled the land, and beyond when the ottomans have yet to conquer much of europe. i like to travel, see new places and walk on familiar territories and this book just made me want to see the places described by kostova in detail. a very good travelogue, the historian would get anyone excited to see ancient places, from the untouched by modernity, such as the rural villages of romania, bulgaria and turkey, to the well-preserved much-loved european romantic cities such as amsterdam, budapest, sofia and istanbul.

the novel from time to time gave glints of horror and suspense. but much of its pages were on letters written by paul, elena and professor rossi. of course, i already had some reservations about the scale of these and how on earth could a man being hunted by a swooping and all-too powerful undead can write in great detail. because of these letters, the novel was a tad slow for me. while the research that went with it was good and the details were there, these were just too protracted. when paul and helen were closing in on vlad himself, the novel hit its highest note. but sadly, the novel's ending was not a good one. paul's death was a lazy one. it all seemed to be an afterthought or kostova did not really care or was told to cut it since the novel was already a lengthy one. after finishing the book, i wished that kostova actually found the right balance between the historical research and the excitement that could have been had she wrote more on dracula and not put him only in the fringes. while there were fiend's army here and there, dracula figured in the book just way too minimal. i would have even liked it if kostova gave a sense of a sequel coming up.

others have also noted that kostova's characters were not written well and just too similar with each other. i agree. they never seemed to be different from each other. they seemed to lack the depth and react in the same manner as the others. aside from dracula himself, the only other interesting characters were helen's aunt and the folksong singer in bulgaria.

but since i'm a history buff, i still liked the historian despite its shortcomings. for readers hoping to get engrossed with the hollywood-styledracula, this is not the book for you. if you like historiography, research and its methodologies and to read on an uber-detailed historical travelogue, this is a good option.

Friday, June 3, 2016

ricki and the flash

apart from seeing the great meryl streep immensely enjoying playing an aging rocker trying to reconnect with her family, not much can be said about ricki and the flash.

the movie is about ricki rendazzo, who at night plays in the local bar but also does waiting job to make both ends meet. in pursuit of her dreams of becoming a rockstar, ricki left her husband and 3 kids. when one of her kids got dumped by her fiancé and becomes suicidal, ricki (whose real name is linda), comes back to indianapolis to bond and hopefully reconnect with her daughter and 2 sons.

as usual, la streep was at her a-game. she's a joy to watch being an aging rockstar but at the same time, she displays the true genius in her especially in tender and quiet moments of the film. the best scene was when she sang cold one to pete (kevin kline) and julie (mamie gummer) in the living room. the whole cast seemed to have fun doing the film, it was great ensemble acting piece. of course, the songs and music that went with the movie were great. from covers to original pieces, the soundtrack is a very good afternoon treat.

with great acting and terrific songs, such a pity to lose the movie with incoherent back stories, quite a number of loose ends and uber-predictability. there was no mention of why would a seemingly well-balanced mother leave her 3 kids and what really happened to her that led to her misery (or was it really her grand plan anyway?!). the resolution of the film through rock music at joshua's (sebastian stan) wedding was so far-fetched and hollywoodish that it became the nail to the movie's coffin. it was super predictable and one can already correctly guess what will happen. ricki/linda of course won't be welcomed by any of her kids, having been away for 25 years. not to say that there should be a villain or write pete or maureen (audra mcdonald) as unpleasant characters but diablo cody and jonathan demme could have orchestrated a better way for linda to win her kids' hearts.

now i'm excited to see florence foster jenkins for another streep treat.

Thursday, June 2, 2016

Leni Robredo

una pa lang pumutok ang pangalang leni robredo noong agosto 2012, alam ko nang magiging malaki ang kanyang papel sa pulitikang pambansa. namatay ang kanyang asawang si jesse robredo at dahil nga rito'y natuon ang atensyon sa simpleng maybahay na ito. sumunod dito ay pagkahirang sa kanya bilang tagapamuno ng partido liberal sa camarines sur. noong 2013, inilampaso niya si nelly villafuerte, matriarch ng makapangyarihang pamilya villafuerte, sa pagkakongresista ng ikatlong distrito ng lalawigan. mula rito, buong giting itong nagtrabaho at nagtulak ng mga mahahalagang panukalang batas. kasama rito ang freedom of information bill, full disclosure act, people empowerment, tax incentives management and transparency act, anti-dynasty bill, healthy beverage options act, at marami pang iba. bukod pa ito sa pagsusulong ng usapin tungkol sa pagsugpo sa kahirapan at pagkakaroon ng transparency sa bawat kontratang papasukin ng anumang ahensya ng gobyerno. ang lahat ng ito ay kanyang ginampanan habang mag-isang itinataguyod ang kanyang tatlong anak sa matuwid at simpleng pamumuhay. nagba-bus lamang ito pauwi sa naga mula sa maynila tuwing katapusan ng buong linggong pagtatrabaho sa kongreso. hindi ito nasilaw sa marangyang gawi ng karamihan sa kabarong mambabatas. kaya naman, nang makita ko siya sa event ng rappler, batid ko agad na iboboto ko ito sakaling tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.
 

hindi napapayag ng mga taga-liberal na maging bise presidente ni mar roxas si grace poe dahil pinili nitong magpabola kay chiz escudero at mga kakampi nito. nagkumahog ang mga makadilaw upang may maitambal kay roxas at kanilang napili ang kongresista mula sa camarines sur. di sigurado si leni. wala siyang salapi at makinarya at masyado pa raw maaga para tumakbo sa pambansang posisyon. kapag iniwan niya ang kanyang puwesto sa kongreso, tiyak din babalik ito sa kamay ng dinastiyang villfuerte (hindi naman ito nangyari). at siyempre, nangungulelat siya sa survey. ni wala ito sa top 10. kaya naman mauunawaan ang kanyang agam-agam. pero sa taimtim na dasal ay tinanggap naman ni leni ang hamon ng pagtakbo bilang pangalawang pangulo. kabi-kabila ang batikos sa kanya ng mga maka-marcos. kesyo tuta ito ni noynoy aquino at roxas, na wala raw itong alam sa pamamalakad, na isa lamang itong biyudang tulad ni cory aquino at marami pang iba.

sa gitna ng mga debate, wala naman talagang maipukol kay leni. paano mo naman kasi pipintasan ang isang abugado ng mahihirap at inaapi at dumarayo pa sa liblib na mga pook upang tulungan ang mga nasa laylayan ng lipunan? paanong pabubulaanan ng kanyang kalaban ang kanyang rekord tungkol sa pagsupil sa mga mapang-abuso at pakikipaglaban sa mga sinisiil? paano mong titirahin ang walang luho nitong paninilbihan sa bayan o ang kanyang tahimik ngunit maprinsipyong pagkatao? paano babarenuhin ang mabini ngunit matatag nitong tindig? di tulad ni chiz, di ito isang pulitikal na paru-parong kung saan-saan dumarapo depende sa ihip ng hangin. di tulad ni alan peter cayetano at antonio trillanes, di kinailangan ni leni na maging kontrobersyal at palagiang umapir sa midya upang masabing may ginagawa. di tulad ni gringo honasan, wala itong kailangang ipaliwanag sa kanyang nakaraan. at lalong di tulad ni bongbong marcos, walang bahid ng katiwalian si leni. wala itong nais kamkamin, bawiin o paghigantihan. wala itong pangalang kailangan niyang linisin sa pamamagitan ng pag-akyat sa pangalawang pinakamataas na puwesto sa bansa. walang nais si leni kundi maglingkod sa bayan… walang labis, walang kulang.
sa gitna ng bilangan, pinaugong ng mga troll ni marcos na may dayaang nangyari dahil sa pagpapalit ng smartmatic ng code para itama ang mga apelyidong may ñ. lumalamang kasi si marcos sa unang bugso ng quick count ng ppcrv. ngunit sa pangatlong araw kung kailan nagsipasok na ang mga boto mula sa balwarte ni leni tulad ng kabikulan, kabisayaan at malaking bahagi ng mindanao, naungusan na ni gng. robredo ang anak ni imelda. sa pagsasara ng bilangan ng ppcrv, lamang si leni ng higit 220,000 boto kay bongbong. tugma sa inaasahan, di tumigil ang mga kampon ni marcos at si bongbong mismo sa pagsasabing may nangyaring dayaan. ang rurok nito ay ang paghaharap umano ng 3 pekeng saksing mula sa quezon na may pandarayang ginawa sa kanilang lugar. lahat ng ito upang pigilan ang pagproklama kay leni bilang halal na pangalawang pangulo. ngunit di nagtagumpay ang mga talusirang makamarcos. tinalo ni leni si bongbong sa margin na 263,473 boto at uupo ito bilang bise presidente sa hunyo 30. sinabi niya sa dalawang debate ng mga kandidato: the last man standing is a woman. at ito nga ang nangyari.

bagamat di naging mabisa ang huling punyagi ng mga taga-LP para kay roxas, pumanig ang maraming undecided kay robredo. bukod sa kanyang taal na tagasuportang tulad ko, marami ang sa huling pagkakataon ay bumoto para kay leni. ang higit na bahagdan ng botong ito ay mula sa mga may malilinaw na pag-iisip na di na dapat na muling makabalik ang mga marcos sa poder. ang 14,418,817 botong nakuha ni leni ay para sa tunay na paglilingkod, 'yung serbisyong walang hinihintay na kapalit. ito ang serbisyong umiimbita sa mga mamamayan upang makilahok at makisangkot sa mga usapin… hindi upang mangalap ng boto at kakampi para sa susunod na eleksyon, kundi dahil ito ang nararapat. dahil sa paglalahukan at pagtutulungan, mas nagiging epektibo ang bawat galaw ng gobyerno, tulad ng nakita natin sa naga city.

tila walang balak ang papasok na presidenteng si duterte na bigyang puwang si leni sa kanyang gabinete. mas pinapaboran kasi ng "hulog ng langit" na si duterte na di masaktan ang isa sa kanyang mga pinansyer – bongbong marcos. halata naman ang kanilang sabwatan sa umpisa pa lang. kung kay duterte nga naman tatambal si marcos, mapapansin ng karamihan ang kanilang tunay na plano. kaya kailangan ng mga dummy na tulad ni miriam santiago at cayetano. sinabi rin naman ni duterte na kailangan niyang magbayad ng utang na loob sa mga tumulong sa kanya kaya di isasali si leni sa pamamalakad ng anumang ahensya. ok lang ito. di naman nito malilimitahan ang kakayahan ni leni na isulong ang kanyang mga plano. di kawalan ang kakitiran ng pag-iisip ng uupong pangulo sa paggawa ng mabuti, lalo na nga't tunay na mabuting tao ang gagawa nito sa katauhan ni VP leni.

ang mahalaga ay isang marangal, malinis at mabuting tao ang uupo bilang pangalawang pangulo. ngayon pa lang, kung kailan sinabi niyang di siya mag-oopisina sa coconut palace dahil sa laki ng gastos dito, damang-dama na ng marami kung anong klaseng panunungkulan ang aasahan kay VP leni – tapat, mapagpakumbaba, di magarbo, simple, taos-puso, tunay na serbisyo, makatao, makadiyos, makakalikasan at tunay na makabansa. 

mabuhay ka, VP leni robredo!

Panglao

alone and empty.
Alona Beach.
Panglao, Bohol.
May 2016.


Wednesday, June 1, 2016

#NeverAgain

matiisin, mapagpatawad, mabilis makalimot at di nadadala. ito ang mga pilipino.

ang pagiging matiisin ang dahilan kung bakit tumagal ang mga espanyol ng halos 300 taon sa pilipinas. ito rin ang dahilan kung bakit lumakas ang pangungunyapit ni ferdinand marcos sa kapangyarihan sa loob ng dalawang dekada. kung hindi pa siguro nabuyo ng sambayanan ang biyudang nakadilaw na si corazon aquino, malamang ay isang marcos pa rin ang nakaupo.

ngunit naglaon ang panahon. ang pagiging mapagpatawad at mabilis makalimot ang dahilan kung bakit unti-unti ring nakabalik ang mga marcos sa kapangyarihan. sinimulan ito ni imelda sa pagtakbo bilang pangulo noong 1992, ngunit siya ay natalo. kasabay din ito ng unang pagkapanalo ni bongbong marcos bilang kongresista ng ilocos norte. sumugal ito at pinakiramdaman ang pulso ng bayan sa pamamagitan ng pagtakbo bilang senador noong 1995. talo si bongbong. 1998 ay tumakbo naman si bongbong bilang gobernador ng ilocos norte at siyempre nanalo ito. ang buong dekada 90 ay may kinalaman sa kanilang unti-unting pagpapalawig na muli ng pulitikal na ambisyon na nauugat sa makapangyarihang paghawak sa halos kabuuan ng hilagang luzon. noong 2010, nanalo na si bongbong bilang senador, habang ang kanyang nanay ay kongresista at ang ateng si imee marcos ay gobernador ng ilocos norte. tuloy-tuloy na nga ang muling asendansya ng mga marcos sa pambansang arena.   

at dahil nga nasa kanila ang momentum at batid ng mga marcos na di nadadala ang mga pilipino, isang mas mataas na baitang pa ang nais nilang tapakan nang kumandidato si ferdinand jr. bilang bise presidente. katambal nito ang nagpakahangal na si miriam defensor santiago. sa halos kabuuan ng kampanya ay nanguna si bongbong sa mga sarbey. malaking salik dito ang kanilang epektibong pagpapakalat ng rebisyunista at maling pagtalakay sa mga naganap noong panahon ng batas militar. ginawa nila ito sa pagkasangkapan at pagpapakalat ng mga pabrikadong datos tungkol sa ekonomiya noong dekada 70. batid ng mga ito na sa pamamagitan ng maiikli at krispong mga materyal sa social media, maraming madaling maniniwala sa kanila. ayon sa mga galamay ng mga marcos, ang dekada 70 daw pinakamalago raw ang ekonomiya ng bansa. ang pilipinas daw ang may pinakamalusog na merkado sa lahat ng mga bansa sa asya, pangalawa lamang sa japan. di raw totoo ang mga pang-aabuso dahil ginawa lang ito ni marcos upang isaayos ang bansang nalilipol ng mga komunista. kung di raw sa batas militar ni marcos ay malamang komunismo na ang porma ng gobyerno sa pilipinas. ang higit na masaklap dito… pinaniwalaan ng maraming pilipino, lalo na ng mga milenyal ang pabrikado at maling pagtalakay sa batas militar. ok lang ang mga pasuwelduhang maka-marcos ngunit ang maling pagtanggap ng mga milenyal ang higit na nakababahala.

ano na nga ba ang nangyari sa pagtalakay sa madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng pilipinas? noong bata ako ay malinaw na tinalakay ito bilang yugto kung saan ginamit ni marcos ang batas militar hindi upang isaayos ang bansa kundi upang di na umalis sa puwesto. ginamit niya ang kamay na bakal hindi upang iwaksi ang mga komunista kundi upang iwaksi ang kanyang mga kalaban sa pulitika, takutin at gawing mga pipi ang mga ito at upang iligpit ang sinumang sa kanya ay kakalaban, indibidwal man o grupo. ginamit niya ang deklarasyong ito hindi upang pagyabungin ang kaban ng bayan kundi upang lalo pang pagyamanin ang kanyang sarili at pamilya at upang magkamal din ng salapi ang kanyang mga tapat na kakuntsaba. kinasangkapan ni marcos ang martial law upang magtayo ng sariling imperyong ipamamana sa kanyang kaapu-apuhan at magkaroon ng rehimeng sana'y di matatapos. 
 
ang rehimeng marcos ang sumira sa imahe, lipunan at kaban ng pilipinas. habang marami ang nagugutom ay nakiki-party si imelda sa kanyang mga amiga at nagsisibili ng sangkaterbang mga luho. sa gitna ng mga pang-aabuso ay winawaldas din ng mga marcos ang yaman ng bansa. unti-unti nilang hinahati ang mga ito sa mga akawnt sa bangko ng iba't ibang mga bansa. may kung anu-anong proyekto ngunit sa likod nito ay ang maitim na balak na magkapera mula sa mga ito. ang mga pandarambong ay kaliwa't kanan. mula sa pangulo, maging sa kapitan ng barangay at lalo na sa mga miyembro ng kapulisan at kasundaluhan. ang yugtong ito ang nagpahimakas sa mga tao na ok lang na mandambong sa bayan dahil wala kang kailangang panagutan kung ang mismong pangulo ay mandarambong din. dahil sa ginawa ni marcos, lalong nabulid ang mga tao sa kurapsyon at ito na nga ang simula ng pagbagsak ng pilipinas. kinitlan nito ng anumang kalayaan ang sambayanan.

winasak din ng rehimeng marcos ang pinakabasikong yunit ng lipunan – ang pamilyang pilipino. dahil sa kawalan ng paggulong ng batas at hustisya, marami ang basta na lang dinampot, inabuso, pinatay at parang bulang naglaho na lang basta dahil sa mga abusadong pulis at militar. ni walang anumang paglilitis ang naganap at napakarami ang napabilang sa mga desaparecidos. nawalay sa kani-kanilang mga pamilya ang ina, ama, anak, kapatid o maging kani-kanilang mga kamag-anakan. marami ang dagling naulila dahil lamang sa pagiging ganid ng isang diktador at kanyang mga galamay. marami ang dumanas ng hirap at pagpapahirap. maraming mahirap ang lalong naging mahirap dahil sa rehimeng marcos.

ang di batid ng marami, si bongbong marcos mismo ang nakapronta sa paglaban sa gobyerno upang di mabawi ang nakaw na yaman ng kanilang pamilya. siya ang kanilang tagamaniobra kung paanong pahahabain ang anumang paglilitis, kung paanong pabubulaanan ang mga asunto, kung anong mahika ang gagamitin upang di panigan ng korte ang mga taga-PCGG at kung paanong didisumulahin o palalabnawin ang mga argumento ng gobyerno ukol sa hati-hati at sangkaterbang kaperahang inumit ng mga marcos sa loob ng 20 taon. ito ang dahilan kung bakit si siya nanalo noong 1995. ngunit tuso ang mga marcos. nagpabango sila ng pangalan sa loob ng halos 1 dekada sa pamamagitan ng pagbawi sa ilocos norte. inilagay muna si bongbong sa lokal at si imee bilang kinatawan. at nang medyo nakalimot na ang mga pinoy, tsaka lamang umariba si bongbong sa senado. napakahusay ng kanilang istratehiya. taktikang nakaugat sa malalim na pagtanto sa kababawan, kaululan, kawalan ng pagtingin sa nakaraan at di pagkadala ng mga pinoy (o kawalan ng pag-asang may pagbabago pang maaaring maganap).
     
wala nga talagang kadalaan ang mga pilipino. marami pa rin ang nagpabola sa kanila. mantakin mong muntik nang makonsolida ng mga marcos ang kanilang pagbabalik. kung nanalo si bongbong bilang bise presidente, wala na sa isang dipa ang pagitan ng isang marcos sa pinakamataas na puwesto sa bansa. sa kawalan ng direksyon at pagiging harabas ni duterte, di malayong mapatalksik ito agad at mauupong pangulo si bongbong. kung saka-sakali, magbabalik ang panahon ng isa pang ferdinand marcos, itutuloy nito ang paglilinis ng kanilang pangalan at kukumpletuhin na ang pagpapawalang-sala kay imelda at paglalaho ng anumang kaso rito. di naman talaga ito tutulong sa bansa kundi aatupagin nito ang pagbibigay-katwiran at pagsasaligal ng kanilang mga nakaw na yaman. patatatagin nito ang kanilang kapit sa kapangyarihan, nang sa gayon ay mawala ang mga kumukuwestyon at patuloy na naghahabol sa kanilang pandarambong at pang-aabuso. at siyempre, kaakibat nito ang paghihiganti sa mga taong kumalaban sa kanila bilang indibidwal at pamilya. wala itong pinagkaiba sa madilim na kasaysayan ng naunang rehimeng marcos. ok na nasa senado, kongreso at lalawigan ng ilocos norte ang mga ito. ngunit ang muling manungkulan bilang pangulo o pangalawang pangulo ay malaking kabulastugan at kahibangan. isa itong malutong na sampal at muling pagyurak sa mga biktima ng martial law. isa itong pambabastos sa dangal ng sambayanan at ispiritu ng nanumbalik na demokrasya sa bansa. 

malaking salamat sa pag-igpaw ni leni robredo. salamat sa inspirasyong hatid ng isang simpleng maybahay at tagapagtanggol ng mga naaapi.

di na muli. #neveragain. hinding-hindi.