Saturday, October 24, 2015

Maribina

a great adventure in 20 pesos! yes, i had a great time exploring this three-tiered wonder in bato, catanduanes in january. maribina falls is accessible via virac, all you have to do is take the tricycle from virac, get off at its marker and walk towards its entrance. 

when i got there, no one was there except for a group of locals gathering wood. i had the falls all to myself for a good 2.5 hours before a group of young kids ventured in its cold waters, diving and doing all sort of somersaults. 

hunger came knocking so off i went back to virac town proper to grab some lunch. more about my catanduanes sojourn!


Friday, October 23, 2015

Monday, October 19, 2015

Virac

ang buhay ay tila ba dalampasigan... 
minsan at puno ng kulay at galak.
ngunit may panahong daratnan ng unos
at mauut-ot ang kulay nito,
tatakip ang makulimlim na kaulapan. 

ngunit magpapasiklab ding muli ang haring araw.
lilipas din ang malabong himpapawid.
at muling babalik ang kulay at galak.
magtiwala lamang at magbatak ng buto.
at ngumiting gaya ng mga taga-Virac.


Saturday, October 17, 2015

Bantayan Island

singliwanag ng kalangitan
nawa'y manatiling ganito sa sangkalupaan.

simputi ng buhanginan
nawa'y totoo nga sa mga tinuturan.

sing-asul ng kawalan
nawa'y maging busilak ang kalooban.

singtayog ng mga kaniyugan
nawa'y maging matayog din ang kahinatnan.

singsaya ng mga kaganapan
nawa'y maging puno ng kagalakan.

singganda ng isla't karagatan
nawa'y pagpalain ng dakilang tagabantayan.


Saturday, October 10, 2015

Caleruega

ang tanawin mula sa isa sa pinakapomosong lunan ng kasalan... caleruega. 


Friday, October 9, 2015

Tagaytay

takip ng makapal na ulap
ni anino'y di masilayan dahil sa alapaap
makulimlim ang himpapawid 
nagbabadya ng ulang pambalakid.

ngunit isang wasiwas ng hanging matalim
langit ay ngumiti't nawala ang dilim
nagliwanag ang dako pa roon
upang bigyang daan ang wagas na naroroon.

o taal, wala kang kupas
sadyang tuwa ang dala sa bawat dalas
di naluluma ang iyong ganda't halina
laging presko't bago ang hatid sa balana.


Wednesday, October 7, 2015