Wednesday, January 27, 2016

Sambawan

one of the many hidden secrets of the Philippines - Sambawan, Maripipi, Biliran!


Wednesday, January 20, 2016

hugot lines


tagal ng pinagsamahan natin. bumilang ng napakaraming buwan. taon nga ito. 'pag weekdays, umaga pa lang ay magkasama na tayo. pagkagising ko, ikaw agad ang hinahanap ko. maliligo na lang, kailangan pa rin kita. pag-uwi galing trabaho, ikaw agad ang kasapakat ko… kailangang magkita agad tayo. kahit na nga di pa nahuhubad ang sapatos, ikaw agad ang aking kaulayaw. umaabot hanggang madaling-araw ang ating gabi-gabing date. madalas pa nga ay inuumaga tayo at maghihiwalay lamang kapag papasok na ulit ako sa trabaho.
 
siyempre mas matindi ang ulayawan natin 'pag weekend. sabado ng umaga pa lang ay simula na agad. di maaaring wala ka sa aking paningin sa buong araw. walang tigil ang ating weekend date… ligo at maikling idlip lang ang pahinga. tuloy-tuloy hanggang maglinggo na. walang patid. walang puknat. ako na nga ang susuko dahil sasakitan na ako ng ulo sa walang patumanggang pakikipag-ulayaw sa iyo. at siyempre ay magkatabi tayo sa pagtulog.



kaya ang sakit nang ikaw ay lumisan. ang sakit-sakit. masakit kasi para bang ganun-ganon lang 'yun. ang tagal natin di ba? bumaha na't lahat dala ng ondoy at habagat, ang tagal nating magkasama sa unit 112. sa tuwing may biyahe ako, di ako makapaghintay na uwian ka at tayo'y muling magkasama. alam mo lahat sa akin. ikaw ang tangi kong karamay 'pag may unos. pinapawi mo ang lumbay ko at pinapatid ang inip sa mahabang mga araw. kabahagi kita sa lahat ng tuwa't saya at kasama sa bawat hakbang. sa iyong balingkinitang katawan araw-gabing nakadampi ang aking mga palad. 
   
pero bakit isang araw ay nalaman ko na lang na umalis ka na? magbabagong taon pa naman nun… hindi ba masayang sa pagsalubong sa 2016 ay tayo pa rin. tayo pa rin ang araw at gabing magkasama sa bawat paglalakbay. tayo pa rin ang makakatulugan na lang ang bawat isa. ang hirap eh. alam mo 'yun. ang hirap tanggaping wala ka na. mahirap isipin na tuluyan ka nang sumuko. sinukuan mo ako… ito 'yung napakalaking grabang nakadagan sa aking dibdib.   
ang masakit pa rito… sinisisi ko ang sarili ko sa iyong pag-alis. demanding ako. 'pag ginusto ko, dapat ay masunod kahit pa maging magdamagan ito. anuman ang nais ko ay kailangang mangyari. mahirap akong pakisamahan. di ko iniisip ang iyong kapakanan. madalas ay nalilimutan kong bigyan ka ng tamang atensyon at ng arugang ukol sa iyo sa kabila ng ilang taong pagtitiis mo sa akin. kahit na nga sino ay parang isang bumbilyang mapupundi dahil sa akin. kaya siguro pinili mong umalis at iwan ako.

kaya heto ako. kahit nahihirapan, sinusubukang mag-move on. kahit sumasakit ang mata ko dahil sa silaw at sumasakit ang aking balakang dahil sa paroo't parito, pinipilit kong tanggaping di ka na babalik. alam kong di ka na babalik. di mo na ako babalikan.

ayaw ko man pero panahon na upang ika'y kalimutan at maghanap na ng iba. mahirap na walang gaya mo sa araw-araw. sobrang hirap talaga kaya napapalatak na ako ng kung anu-anong hugot lines… o aking remote control.

Cagbalete

On a warm sunny day.
Cagbalete. 


Wednesday, January 6, 2016

lights

Moonlight drowns out all but the brightest stars.
May it be a light to you in dark places, when all other lights go out. 

- JRR Tolkien, The Lord of the Rings


dagdag

tila di na madaragdagan. hanggang 25 lamang, ito ang pakiramdam. tatapatan lang nito ang 25 noong 2013 ngunit higit na mataas sa 20 noong 2014. ngunit may iba palang adhika ang hangin ng disyembre. may iba itong tulak na nagwiwikang pumalaot pa… bumubulong ng "isa pa" at nagsasabing magalak sa isa pang pagkakataon bago magpalit ang taon. at dahil nais din namang kumaripas ng kagalakan, umisa pa bago matapos ang taon.

at di nga nagpapigil. kahit madaling-araw na ay sumibad pa rin. kaway sa kamagong at sa isang iglap ay nasa edsa na. walang hintayan, kahon na agad. di pa natatagalan ay nagsimula na. mabilis ang unang sulak ngunit tunghay ito. meryendang klub bago ang pangalawang bilog. isinalikop sa lahat ng sulok ang tikid at sumulak. mabilis din ang nipa pero sakto naman sa limitasyon. ito na nga ang pangdalawampu sa puwente. dalawampung mga tagpong kintal na sa kamalayan.

siyempre, natapos nga ang 2015 sa 26. sa kabuuan, 116 na ito magmula nang isang gabing iyon sa lungsod ng ping pong noong oktubre 2010. 52 na ang suma at karamihan nito'y luntian, walang lunan, partido liberal at pook urban. 50 sa pangalawang pinakamayamang lungsod sa pinas, 34 sa kabisera, 19 sa lungsod ng ping pong at pito sa kuba.

o siya… 2016 na. tiyak na madaragdagan pa ang numero. sana ay maging puno ng kaiga-igayang sulak, nipa at matayog na tikid ang mga karagdagang ito. kailangang tumuklas ng bago ngunit ok pa rin naman ang ilang mga luma. gudlak!