Monday, February 29, 2016

bisyesto

nang huling magparamdam ang bisyesto (leap year), may lagim na naganap dulot ng isang panget. ang tagal na rin pala nu'n... nasa himpapawid pa ang nag-iisang mandragora. lumipas ang apat na taon. may isa na namang pahirap sa buhay. karaming putik ang ipinupukol nito kada matatapos ang buwan. at heto na nga, walang patumangga. 

kailan naman kaya ito dadapurakin ng sariling burak? sana malapit na. sana talaga. 

 

Bislig City

Mangagoy, Bislig City.
February 2016.


sunset

sunset at Sambawan Island, Maripipi, Biliran.


eps

eps nga ito. umiinog ang mundo nito sa pagpapalapad ng papel. araw-araw ang kanyang obhetibo sa buhay ay kung paanong mapaniniwala ang mga matatanda sa kanyang galing. walang araw ang lumipas nang di man lang niya nasabi sa ibang tao ang kanyang "husay" at kanyang mga nagawa. eps nga kasi.

epal nga ito. konsistent ang kanyang karaniwang gawain, lalo na tuwing sasapit ang katapusan ng buwan. mabalasik ang mga tono ng pahatid. ni walang mga palabok na hi. mangungutya sa mga gawain at ipadaramang wala ka namang naipapasok sa bilihan. mag-uungkat ng kung anu-anong bagay, kesyo wala pa raw pumapasok at sobrang taas na ng lumabas. at siyempre bubuhatin ang sariling bangko at ipangangalandakan sa iba na kundi dahil sa kanyang punyagi ay wala raw. epal nga kasi.


eps nga ito. nandoon na tayo. sinuwerte ito sa unang bugso kaya mabango ang pangalan. pero lagapak naman nito lang nakaraan. di nga maunawaan ng iba kung bakit ito biniyayaan pa. mabilis pa sa alas-4 kung umangkin ng kredito… ang patalastas sa matatanda ay hulog siya ng langit sa lokal. ang totoo nito ay wala naman talaga, 'yung may kinalaman lang sa tsek ap. yun lang. wala nang iba pa. eps nga kasi.

epal nga ito. alam niya kung kailan mawawala at ipagwawalang-bahala ang mga bagay. ngunit mas alam niya kung paanong sa huling bahagi ng anumang punyagi, bigla siyang lilitaw at magiging panday na magsisilbing tagapagligtas ng sangsinukob. pagsama-samahin ang mga ideya ng iba at ibato itong parang sa utak niya nanggaling. palitawin sa mga matatandang halos di na siya magkandaugaga sa dami ng trabaho gayong alas-3 pa lang ng hapon ay umuwi na siya upang maglaro ng tako. ito ang kanyang natatanging sikreto sa pag-asenso. hay naku. epal nga kasi.

Tuesday, February 23, 2016

Iyusan

spectacular rice terraces are not only found in northern philippines. even island provinces such as biliran, is home to man-made visual feast such as the famed iyusan rice terraces in almeria, biliran. 


dipikult

ariba na naman ang isang ito. isang linggong tila ba isa siyang nagnanaknak na nana. malamyos na tinig kuno pero isang tunay na halimaw – sa loob at labas ng pagkatao.

hay naku, 'wag ka kasi masyadong pabituin. di dapat na gumawa ng isyu dahil lang sa pakiramdam mong dapat ay gumawa ka ng isyu. di dapat na umangkin ng kung anuman dahil lang pakiramdam mo ay dapat iyo ito. iwasan mo na kasing pumaimbulog dahil wala na nga… lipas na. ang nangyayari tuloy, lalo ka lang pinuputakti ng birada, mga biradang tulad ng dipikult, biyatch, mangkukulam, anak ng VP at kung anu-ano pa.

  
lagi mong aalalahanin – kung ang mga taong biniyayaan na nga ng kagandahan ng panlabas na kaanyuan ay tumatanggap pa rin ng sangkaterbang pintas… ang mga gaya mo pa kayang wala nito. di puwedeng magaspang na nga ang balat, ganoon din kagaspang ang pag-uugali. di puwedeng delikado na nga ang hitsura mo pati ba naman ang mga sasabihin mo ay delikado rin. kung nililiparan ng lamok ang iyong ulo at sing-itim ng kawang di pa naiis-is ang iyong kutis, dapat ay tumpak ang iyong pag-uugali. di maaaring pumareha sa mga matataray na kontrabidang tipikal na makikita sa mga teleserye.

kailangang may isang bagay na sasalba sa iyo. kung di ka maganda, dapat mabait ka. kung di makinis, dapat ay di halimaw ang pag-uugali. kung di balingkinitan, dapat tama ang timpla ng mga salitang binibitiwan. kung di ka kagandahan, 'wag kang umatitud at umastang para bang artista. kung ikaw ay pangit, di ka dapat mahirap pakisamahan. sa ganoon, may babalikan ang mga tao. may mamahalagin sa iyo maski paano at mababawasan ang biradang di mo kakayanin kapag ito'y iyong narinig.

matuto kang humanay... baka sakali ay mabawi mo pa ang paggalang mula sa iba.

Saturday, February 20, 2016

transfiguration

the intricate transfiguration professor vs the muted death eater... minerva wins! hands down. 


Wednesday, February 10, 2016

Cagbalete

Best buds.
White beach.
Cagbalete.
Mauban, Quezon.
February 2016. 
[photo by Ivy B.]


Sunday, February 7, 2016

Friday, February 5, 2016