Tuesday, May 31, 2016

downton abbey

feeling nostalgic... i sooo love this series. here's hoping for a sequel or a prequel!




Monday, May 30, 2016

Sunday, May 29, 2016

Monday, May 16, 2016

greek

going greek.
mykonos inspired.
balesin island.
polilio, quezon.
april 2016.


Mabua

Mabua Beach.
Surigao City, Surigao del Sur.
February 2016.


Hinatuan

panaghoy sa suba.
ilog ng hinatuan, surigao del sur. 
pebrero 2016.



everest

it could easily be just another movie about disaster, packed with overly staged special effects and excessive action scenes. after all, it was about a disastrous 1996 mt. everest climbing season. but to my pleasant surprise, everest was far from this.

i was actually expecting sudden large amount of avalanche and dizzying scenes to illustrate blizzard. but no, there was absolutely none of it and it made watching this movie a really nice one. climbing everest of course, need not have any exaggeration and this was deftly put together by the filmmakers. instead of wowing us with action scenes, the movie centered on humanity and how individuals would put everything on the line to reach the roof of the world. it started with the sendoff for the expedition team, led by rob hall (jason clarke), and meeting the rest of the climbers in kathmandu airport. scenes of acclimatization and test hikes followed, peaking toward the day of the intended summiting for the team. this is when we saw the start of the challenges that plagued this climbing season and resulted to death of several individuals, including expedition leader rob hall. it was the worst climbing season ever in the history of mt. everest.

there were no bad guys, no villains, there was only everest and the climbers. it was a character-driven film, some were more drawn out such as clarke's and brolin's, but all the others were given highlights and their scenes were all tied together. i watched in amazement how one is willing to sacrifice their lives to achieve this one single goal. the movie gave me a whole spectrum of emotions, from being optimistic, ambitious and brave, to being hopeless and browbeaten and finally acceptance that going up there was not really about adventure but of serious questions between life and death. as the climbers said, only the mountain decides who lives and who dies.

the cinematography was amazing. viewers can really sense the danger and feel the suffering of the climbers. while climbing it would most probably be impossible for me, this film made me want to see mt. everest as close as i can get. that means putting a trip to nepal high in my bucketlist. i'm writing this while being subjected to the heat of el nino summer but i greatly appreciate this rather than suffer everest's killer freeze zone.  the movie also had the right amount of light-hearted moments. it is emotionally powerful and brings the question on why people actually try to summit when they know that they are already dying doing it.

Friday, May 13, 2016

duterte

tanggap ko ang panalo at pag-upo ni rodrigo duterte bilang susunod na pangulo ng pilipinas. di ko siya binoto pero panahon na nga upang makipagtulungan at suportahan ang sana'y mabubuting mga gagawin ng bagong presidente.

di niya nakuha ang aking boto sa maraming rason. una riyan ang  kawalan nito ng malinaw na plano sa ekonomiya at edukasyon. sang-ayon akong kailangang linisin ang lipunan sa pamamagitan ng kamay na bakal na pagpapatupad ng batas at maayos na pagliligpit sa mga wala na talagang balak gumawa ng mabuti. ngunit ang panguluhan ay ibang usapan, malayo ito sa maliit na sakop ng pamumuno sa isang lokal na yunit ng gobyerno. ang pagiging pangulo ay humihingi ng komprehensibong plano, matamang pagsisiyasat at di bara-barang gawi. sayang ang mga nasimulan ng administrasyong aquino sa paglago ng ekonomiya at paglaban sa katiwalian kung di magpaplano ng mahusay ang susunod na administrasyon. pangalawa, di ko nakitaan ng anumang bahid ng lamak ang gawi at pinagsasabi ni duterte sa kabuuan ng kampanya. puro biradang magpapatimbwang sa kalaban ang sinabi nito sa mga debate… ito ang mga pampopulistang hirit na nagpalapit sa kanya sa masa. hindi biro ang usaping pambansa kaya di ito dapat gawing biro at idaan sa mga biradang gustong-gusto ng kanyang mga tagasuporta. tila di naman siya seryoso dahil nga di naman di niya rin inakalang mananalo siya. at pangatlo, bunga ng inspirasyong pang-action star ni duterte, dumami ang walang galang lalo na sa social media. dahil nga sa ehemplong pangkalye at di masyadong naglilimi-limi, lalong dumami ang basher sa social media. tila binigyang-sindi nito ang pagdanak ng maruming lenggwahe at pambabastos ng marami maging ang mga maituturing na modereyt. sabi nga ng isang taxi driver, maraming bata sa loob lamang ng isang taon ay naging pabalang na kung sumagot. sa social media o anumang huntahan, lalong naglipana ang mga hirit na wala sa hulog at di naman talaga tumatalakay sa mga isyu. "kung ayaw mo, eh di barilin mo!; di ka pinipilit, p#*@^* @$^ naman o!" pinalakas ng kampanya ni duterte ang maling pagtingin ng mga pilipino sa pulitika – di mo kailangang tumalakay ng isyu, bigyan mo lamang sila ng mga one-liner hirit at magpokus ka sa showmanship, magtapon ng nakatatawang mga hirit magkaminsan, ok ka na.
  
sangkaterba na ang nagtatanggol sa kanya na di daw dapat iturong akawntabol ang higit 15 milyong bumoto kay duterte sa sandaling dumanak ang dugo sa pilipinas o pumalpak ang kabuhayan ng bansa o kung anumang kapalpakan ang mangyari. mahaba-haba ang pagtatalo rito sa facebook pero para sa akin, walang dapat ikabahala ang mga bumoto kay duterte tungkol dito. buong pahimakas nilang idineklara sa anumang porma ang pagsuporta kay mayor digong. kung positibo silang may magagawa nga ang higit dalawang dekada nang alkalde ng lungsod ng davao para sa pilipinas, di rin dapat mangimi sa pagtayo sa kanilang pinili. siyempre, sila ang nagluklok dito, may pananagutan sila sa kabuuan ng 60% ng populasyong di sumuporta kay duterte. naroon na tayo, iginagalang ang hatol ng nakararami… demokrasya nga kasi. pero di ito iba sa paninisi kay noynoy na maski yata init ng panahon ay nasisi na sa kanya.

nais kong magtagumpay si duterte sa kanyang mga mabubuting adhikain. tagumpay ito ng buong bansa kung saka-sakali, lalo na sa pagsasaayos ng kapulisan at kasundaluhan para sa kapayapaan at kaayusan. lalong magiging kaaya-aya ang bansa sa mga mamumuhunan. ngunit kaakibat nito ay mas higit na pangangailangang bantayan ang kanyang bawat galaw. dahil nga harabas ang kanyang istilo, mataas ang prababilidad na magbitiw ito ng mga pananalitang di dapat o kumilos na di ayon sa batas at proseso. kailangang suriin ang kanyang bawat desisyon, lalo na kung tunay talaga itong pambansa o dahil magbabayad na rin siya ng utang na loob sa mga taong tumustos sa kanyang kampanya. di pa batid ng marami pero marami ang bali-balitang ang grupo ni gloria macapagal-arroyo ang namuhunan kay duterte. ang unang signal nito ay base sa kung sinu-sino ang iuupo niya bilang miyembro ng kanyang gabinete. sabi niya, iuupo niya ang pinakamahuhusay lalo na sa larangan ng ekonomiya at pananalapi at itutuloy ang mga magandang ginawa ni aquino. ang biro nga niya ay kokopyahin niya ang mga plano ng mga nakatunggaling sina mar roxas at grace poe para sa ekonomiya.

magkakaalaman din naman sa paglakad ng panahon, bibigyan ko siya ng pagkakataon at ako'y naghihintay na masurpresa sa mga mabuting maaaring idulot ng bagong presidente rodrigo duterte.

magandang buhay, pilipinas!

Balesin

Isla Balesin.
Polilio, Quezon.
Abril 2016.


bughaw

Bughaw ng dagat at kalangitan. 
Balesin, Polilio, Quezon.
April 2016.


Manila Bay

I keep coming back to Manila, 
Simply no place like Manila. 


Mykonos

Mykonos Village.
Isla Balesin.
Polilio, Quezon.
April 2016.


magpakailanman


di ko madama ang enerhiyang magsulat ng kahit ano nitong abril. wala ni anuman. maski na nga ang mga regular na larawang pang-instagram. kaya ayun, walang itong laman buong buwan ng abril. ngayon nga, atrese na ng mayo, wala pa rin.

pero di naman nangangahulugang wala na ang dati. oo nga't lumisan si papa, tuloy-tuloy ang takbo ng buhay. anupaman ang mangyari, kailangang magpatuloy.

ilang araw pa lang ang lumipas nang ihatid namin si papa sa kanyang himlayan ay bumiyahe na ako. alam kong, masaya siya para sa akin. alam kong di niya ako pipigilan sa lakad na ito. trabaho nga naman ito at di maaaring ipagwalang-bahala.

pero ewan ko ba. ganoon yata talaga. payapa kaming nakarating sa balesin, maganda at pangmayaman ang paligid at pasilidad, maayos naman ang pagkain at matagumpay ang kaganapan… pero parang di kumpleto ang saya. sa gitna ng tawanan at kasiyahan namin ay may patlang, may pait at kirot. walang sandali na di sumagi si papa sa aking isipan.

ganoon nga siguro talaga. sanayan nga lang sabi ng marami. masasanay ang iyong isipan at sana'y pati ang iyong puso't damdamin. ang mahalaga ay mananatili siya sa amin magpakailanman. :)