dramedi tungkol sa pagtanda, ang bwakaw ay istorya ni rene, isang matandang bakla. masungit at walang maliw ang ngitngit, palaging kasama ni rene ang kanyang alagang aso na si bwakaw. komedi ang hatid ng mga pag-aangil ni rene (eddie garcia) sa lahat halos na kaibigan, kapitbahay at mga kasama sa trabaho. dahil retirado na mula sa pagtatrabaho sa pahatiran ng sulat at tila wala nang natirang kamag-anakan, niligpit na ni rene ang lahat ng gamit sa kanyang bahay. may marka na ang mga kahong ito batay sa kanyang huling testamento na halos araw-araw ay binabago upang ibigay sa kura paroko ng kanilang bayan, ang kanyang pinagkatiwalaan upang magpatupad ng nilalaman ng kanyang huling habiln. ang ngitngit ni rene sa buhay ay kanyang paraan upang sawatain ang lungkot ng kanyang pagtanda at para bang paghihintay na lamang sa katapusan ng kanyang buhay. dahil dito, bumili na rin siya ng ataul na dahil sa pagsasara ng punerarya sa kanilang bayan ay kinailangan na ring ideposito sa kanyang bahay.
marami pang sanga-sangang mga istorya ang tinalakay ngunit ang lahat ng ito ay mahusay na uminog bilang bahagi ng sentral na karakter ni rene. mula sa kanyang tila pakialamerang kapitbahay na ginampanan ni beverly salviejo, natalakay ang pagkakaroon ni rene ng santo entierro, isang mapaghimalang poong nazareno na sa paniniwala ng karakter ni salviejo ay nagpagaling sa kanyang apo. bagamat masayahin at mandadarayuhan pa sa canada, nauna pa si minda (luz valdez) na pumanaw kay rene dahil sa kanyang sakit sa puso. inatake ito sa puso sa gitna ng isang kasayahan para sa kanyang napipintong operasyon. nagkaroon din ng kasintahan si rene noong kanyang kabataan sa katauhan ni alicia (armida siguion reyna) na dahil sa katandaan at pagkakaroon ng dementia ay nakalagak na sa hospisyo para sa matatanda. bagamat madalas ang pagdalaw niya sa simbahan upang makipag-usap sa kura (gardo versoza), di naman nagsisimba si rene. dahilan niya, galit yata ang diyos sa kanya dahil sa kinahinatnan ng kanyang buhay. sa bawat eksena ni gardo versoza, palagi siyang may abaniko kahit makulimlim naman ang araw. maaari itong metaporo para sa tagong pagkatao ng kura o ironiya sa kanyang di pagiging interesado sa mga maninimba ngunit may tunay namang malasakit sa mga ito. medyo kumbensyunal naman ayon sa kalakaran ng komedyang pinoy ang talakay ng pelikula sa mga bungangaan nina rene at kanyang kaibigang si mother zaldy (soxy topacio) at katulong nitong pinapelan ni joey paras. parloristang taratitat ang dalawa habang “nag-uumasim” naman si rene, lalo na nang padalhan ni mother si rene ng mga “boys”.
sinematikong paepek ang pagkakaroon ni rene ng espesyal na relasyon kay bwakaw. oo nga’t puwedeng may espesyal na ugnayan sa pagitan ng amo’t alaga, pero medyo malayo sa hinagap sa katotohanang pampinoy na magkaroon ng isang matandang bakla na may kasamang askal sa lahat ng kanyang puntahan. alam naman ng lahat na sa kulturang pinoy, ang aso ay “taong bahay”. madalas kaysa hindi, iiiwan ang mga alaga upang bantayan ang bahay lalo na nga’t wala nang kasama sa bahay si rene. wala pa tayo sa kalakaran sa ibang bansa na humahanap ang mga matatanda’t may kapansanan ng alagang maaaring umakay sa kanila sa bawat galaw nila lalo na sa labas ng bahay. pero sige na nga, pasable na rin ang ideyang ito dahil nakatutuwa ang asong gumanap bilang bwakaw, si princess. at siyempre dahil kay bwakaw, nakilala ni rene ang traysikel drayber na si sol (rez cortez). magkaaway muna ang kanilang ugnayan dahil sa pag-angil ni rene kay sol sa bayaran ng pamasahe. pero nang magkasakit si bwakaw at tuluyan nang mamatay ito, nagbago ang relasyon nina rene at sol. naging suki ni sol si rene at nagkapalagayang-loob upang ipagkatiwala ni rene ang pagpipintura at pagkumpuni ng kanyang bahay kay sol. ang kakatwang atraksyon ni rene sa mukhang di mapagkakatiwalaang si sol ang isa sa indieng-indie na ideya ng pelikula. dahil na rin sa atraksyon at siguro’y huling bambang na pagpipilit sa pag-ibig at pita, ninakawan ni rene si sol ng halik at tulad ng inaasahan, nagalit ang machong si sol kay rene, di na niya ito pinansin at tuluyan nang lumayo. bagamat di natuloy ang sana’y mas indieng-indie na pag-iibigan ng dalawa, nagkaroon ng bagumbuhay si rene. inilabas niya ang lahat ng gamit mula sa kahon at dinekurasyunan ang kanyang bahay bilang meteporo sa pagkakaroon nitong muli ng sigla at ganang magpatuloy sa buhay at maging masaya.
di kalat-kalat ang mga banghay ng pelikula ni jun lana at may maayos na daloy ng talakay. bagamat indie ito, wala itong magalaw o nakahihilong mga kuha ng kamera at maayos ang pagkakakuwadra sa san pablo, laguna, malayo sa dumi o sukal ng kamaynilaan, ang palagiang lunan ng mga pelikulang indie. isang tunay na alagad ng sining si eddie garcia. epektibo ang batikang aktor at direktor bilang rene kahit na nga para bang nahirapan siya ng sobra sa mga eksenang kailangan niyang sumakay sa traysikel.

sa kabuuan, istorya ang bwakaw ng pagtanggap sa sarili kahit nasa dapithapon na ng buhay at pag-iisa sa pagtanda. medyo kumbensyunal at makailang-beses na ring tinalakay ang temang ito sa ibang pelikula at palabas sa telebisyon ngunit sa bwakaw, binigyan ito ng nakatutuwang positibong pananaw at malugod na lapit. tagumpay ito sa paghahatid ng balanse sa pagitan ng mga katatawanan at mga eksenang malungkot o mabigat.