Friday, November 27, 2015

Friday, November 20, 2015

Thursday, November 19, 2015

White Island

Summer in November! Fantastico. White Island, Camiguin.


mambabarang

nasabi ko na ba sa iyong nalambat na rin ang dakilang mandaragat? oo, nalambat na ito, inihagis sa pampang, pinalu-palo at nang wala na itong anupamang lakas ay inilata't sininsil ang ibabaw at walang awang initsa sa malayong ibayo.

di ba sabi ko rito ay di magtatagal at may magiging biktima na naman ang mandragora? ito na nga 'yun. di naman tuwiran ang wasiwas ng lamanlupa sa mandaragat at di lamang ang mandragora ang may kamay dito. ngunit may malalim silang iringan ng kapangyarihan sa kahong iyon sa biesi. ni hindi sila nagsisipag-usukan kasama lamang isa't isa. may kung mutwong disgusto ang bawat isa at ni wala yatang magandang sinabi ang lamanlupa tungkol sa mandaragat. at siyempre landmark ang kanilang labanan ukol sa benomo ng lamanlupa kung saan isinaksak ng mandaragat sa baga ng lamanlupa ang salaping galing sa i panget death skwad. siyempre kinampihan ng dambumbay ang lamanlupa ngunit alam ng lahat na nag-iipon lamang ng kamandag at lipi ng maiiitim na kakampon ang lamanlupa upang tuluyang mapatalsik ang mandaragat. at sa malas ng mandaragat, natagpuan ito ng lamanlupa.

op kors, nariyan na ang dambumbay. malaki pa rin ang salaping nakasandig sa maitim na balikat ng lamanlupa kaya todo pakain pa rin ang dambumbay ng panggawa ng kamandag. kahit na nga patuloy ang pag-alpas ng mga tao sa pangkat nito, sige pa rin ang suporta. dama rin ng karamihan na di naman din gusto ng dambumbay ang istayl ng mandaragat. kumuha pa ito ng isang di naman gaanong mahusay, isang fulpol, upang kanilang maging grima wormtongue. ibinenta ng isang tindera ang fulpol na ito sa isang kliyente ngunit di naman napahanga ng fulpol ang kliyente kahit na nga nagpaka-diva ito. wala naman yatang malalim na kabuwisitan ito sa mandaragat pero di malayong nagbibitiw din ito ng hampas ng tanga ngunit makamandag ding dila. ang kataka-taka pa rito, biglang laki ang papel nito sa eyisi. hay naku, gudlak.




narekrut ng trio ng kaitiman ang dalawa pang bagong karakter sa ululang ito. ang una ay isang maysakit kunong sriv… ang kanyang patalastas ay sinira umano ng mandaragat ang kanyang mabangong karera. wala raw itong kakuwenta-kuwentang lider at ni walang gulugod. ang sriv ay isang matayog na kalipi ng dambumbay at mukhang kaapu-apuhan ng kontrabida ng da king. sinuportahan pa ito ng isa pa, ang tapayang eps, na isang pinaghalong kapog mula sa peninsulang sumalpok sa singkaasyahan at ng kitid na iyon. ayon sa epal at pa-cool na ito, wala raw alam ang mandaragat kundi umoo sa pinakamakapangyarihang mambabarang, ang pinuno ng mga nazgul na may alingawngaw at ni walang anumang kapangyarihang lumaban sa buspulpol, ang rasputin ng mambabarang.
   
at ayon sa tapayang eps, ang lahat ng ito ay naitaga sa bato rito sa maynila. sa kalagitnaan ng inumang ang bizniz ang magbabayad, napagdesisyunan ng mambabarang na alisan ng dingas ang kandila ng mandaragat. base raw ito sa pinagsama-samang kamandag ng mga nazgul, sampu ng lamanlupa, fulpol at sriv. isama mo pa ang butiking pasay. siyempre, di isinama ng tapayang eps ang kanyang sarili pero alam naman ng lahat na malason din ang bawat salitang lumalabas sa mala-ahas na bunganga nito. isa siya sa dahilan kung bakit sinawata ng pakuba nang mambabarang ang dakilang mandaragat. una, wagas ang pagrereklamo nito ukol sa mandaragat. pangalawa, may matindi siyang ambisyong kunin ang trono nito at pamunuan ang kabuuang eyisi. at huli, may angking talino ito sa panggagayuma sa mambabarang. di gaya ng sa lamanlupa na direkta, gamit nito ang benomong tago ang kaitiman. nakukubli ang kanyang lason sa pagreresaykel ng mga tinuran ng iba at paghuli-hulihin ito upang maging kanya at sa huli ay naghahatid lamang siya ng balita.

at siyempre, nakipag-usap ang mambabarang sa lahat ng mga karakter na ito sa pamamagitan ng kanyang itim na bolang kristal. mula rito, mabilis ang pagkilos ng mga uruk hai at sa isang dagli, nagpaalam na nga ang mandaragat. malungkot ang paglisan nito lalo na nga't nahatak naman ang mga lamandagat at naibenta ang mga ito sa merkado sa huling sandali. pero dahil nalukuban na nga ang mambabarang ng pinagsama-samang lason ng maraming kanazgulan, wala nang magagawa. nag-byers na ang mandaragat.

marami pa ang mangyayari. marami pa ang magiging biktima ng pinalakas at pinatinding konseho ng mga nazgul. kailangan ng marami na maging handa sa anupamang posibilidad... madawag ang landas, naglipana ang kademonyohan, mapanganib ang daraanan. maging mapagmatyag, matutong huwag maglagay ng lahat ng kaitlogan sa iisang pugad. higit sa lahat, huwag mag-atubiling pumailanlang at maghanap o gumawa ng sariling kaharian.

Friday, November 13, 2015

puwente

at naulit nga. naulit nang naulit. labing-anim. ngayon ay labimpito na. hanggang kailan kaya ang kawntdawn na ito?

may pagtatanong pa rin kasi kung bakit humaba ang hugpungang ito. una, di biro ang nakataya rito. angking kapararakan ang mayroon sa bawat tagpo. pangalawa, di naman talaga ganoon kaayo. may pagkagrosero. oo, kahit na nga umawas na ay dama pa rin ang angking rudo. pangatlo, may iba pa nga sigurong higit na luntian sa ibang dako. may higit na matayog ang tikid. maaaring may mas kaaya-aya o lalo't higit ang facha. napakaraming isiping kahigitan at kung anu-anong mga posibilidad na kumbinasyon ng abentaha.

pero ngunit datapwat ano ang nangyari? nakuluban ang lahat ng ito ng pinagsama-samang mabubuting salik. una, agos na nga ang kalipunan. ol awt na kumbaga. pangalawa, may palagayang-loob na wala sa iba. pangatlo, maigi ang ihip ng hangin sa tuwing may puwente.

bahagi rin nito ang kasanayan sa gawi… mahirap na ngang sumugal sa ibang dako. baka matapilok. baka walang tulad nito. baka mas pumangit pa ang takbo ng mga bagay. baka malasin sa bagong landasin.

ewan ko nga ba. tingnan natin kung saan pa ito magsasanga. habang maayos pa ang mga bagay-bagay, pigain ang mapipiga. lasapin ang bawat galak at magpatiagos dito hangga't mayroon pa.

Cagayan River

salamat po para sa masaya't puno ng abenturang lakad na ito!!



Thursday, November 12, 2015

grandfather's autumn

autumn and longingness. happy thursday! 


the lady in the van

"No no, I've had guidance... this is where it should go."

[when asked from whom did she get "guidance".] 
"The Virgin Mary... I spoke to her yesterday. 
She was outside the post office." 

Brilliance. Give her a 3rd Oscar! #DameMaggieSmith