I had always known the sky are full of mysteries - but not until now had I realized how full of them the earth was.
- Miss Peregrine's Home for Peculiar Children
Taipei, Taiwan
November 2016.
Thursday, December 22, 2016
Sunday, December 18, 2016
hiyas
diyamante o anumang
mamahaling bato o mineral. ito ang isa sa pinakamatatagal nang pinag-aawayan ng
mga tao sa kasaysayan ng sangsinukob. ito at mg bagay na pinalamutian ng mga
ito ang unang isinusukbit sa mga nakawan, digmaan at maraming sigalot sa
pagitan ng mga tao. nakakabit sa mga ito ang kapangyarihan, karangyaan,
kayamanan, kapalaluan at karangalan. 'pag nabanggit na ang mamahaling batong
gaya ng diyamante, sapiro, rubi, opal o ang mga presyosong metal gaya ng ginto
at pilak, umiigpaw na ang dugo ng marami dahil sa halaga ng mga ito. pinamamana
pa ang mga ito sa salinlahing di na mabibilang. ginagamit ang mga ito bilang
adorno ng mga karakter na may kinalaman sa relihiyon at upang bigyang ringal
ang mga hari't reyna ng mga monarkiya. maging sa sinaunang pilipinas, may
bigat, bukod sa literal na onsa o kilo, ang mga ito sa buhay ng sangkatauhan.
kaya naman sinusuong
ninuman ang anumang unos, baha o anumang kalamidad makamit lamang ang anumang
hiyas. tatawirin ang anumang mapanganib na sangandaan upang makaumit maski ng
maliit na butil ng mga ito. sasagasa sa anumang bulto ng mga tao, masayaran
lang ang mga palad ng presyosong bato o metal. buong tiyagang maghihintay sa
pagsapit ng takdang panahon upang mahinog ang mga ito. lulubog sa anumang
kumunoy kung ito lamang ang paraan upang makapagmina nito. tatawagin ang lahat
ng santo upang humingi ng katakut-takot na buwenas at biyaya, nang sa gayon,
makaani ng nakakubling uslak. lulunukin ang anumang dangal sa sarili upang
matantusan lamang ng mga ito. kesehodang gumastos pa ng higit sa nararapat
dahil ang iniisip ay ang balik nitong kaperahan sa sandaling tumaas pang lalo
ang presyo sa merkado. handa ring isakripisyo ang buhay kung kinakailangan
dahil di matatawaran ang pagkakamal ng mga mamahaling hiyas.
sa huli, di
maikakaila ang halaga ng anumang hiyas sa tao. oo nga't may mga taong di
mahilig sa anumang alahas, pero ang halina ng mga ito ay tila isang unibersal
na nang-aakot sa kaloob-loobang kalamnan ng mga kaapu-apuhan ni adan at eba…
"angkinin mo ako, mag-may-ari ka ng isa sa amin, gastusin mo ang pera mo
sa isang piraso ng alahas at ikaw ay lulukuban ng ibayong ligaya".
wala akong ni isa
mang piraso ng anumang mamagaling bato. isang singsing at kuwintas (nawala pa
ang pendant), pero ako'y masaya.
ikaw, anong hiyas mayroon ka?
Friday, December 16, 2016
Asiatique
The wheels on the bus go 'round and 'round all through the town.
- Yuri Boy
Asiatique, Bangkok
December 2016.
- Yuri Boy
Asiatique, Bangkok
December 2016.
Tuesday, December 13, 2016
Monday, December 12, 2016
hugot
limang taon. oo,
limang taon tayong magkasama. limang taong puno ng abentura. puno ito ng saya,
galak at higit sa lahat, kusa mo itong ibinigay sa akin. di ka naghintay ng
anumang kapalit. kaya naman ganoon na lang ang aking galak at pasasalamat nang
dumating ka sa aking buhay. hulog ka ng langit, batid ng aking puso't isipan.
dinala mo ako sa
ibang daigdig gaya ng sa nat geo at discovery. bikaryong ipinatikim mo sa akin
ang mga pinagluluto ng mga tao sa master chef at mga hinurnong cake sa cake
boss. inaliw mo ako sa pamamagitan ng mga palabas na panonoorin mo lang upang
may ingay sa aking bahay tulad ng maynila, sarap diva at mga balitang
paulit-ulit lang sa cnn at aljazeera. tumaas ang aking dugo sa eksaytment dahil
sa mga isports – mula sa tennis, volleyball, olimpiyada, badminton at marami
pang iba. mataman mo ring pinuno ang aking isipan ng mga impormasyong
pangkasaysayan at lalo na sa mga pangyayari sa kasalukuyan. inaliw mo ako sa
pamamagitan ng mga pelikulang kahindik-hindik, aksyon, madrama at may komedya
rin. binigyang-daan mo ang pagkakakilala ko sa mga karakter ng downton abbey at
ilang mga seryeng di ko rin naman nasundan masyado pero nalaman ko ang maliit
na anggulo ng mga ito.
higit sa lahat, ikaw
ang nagbigay-daan upang maaliw ako sa mga oras na wala namang wawa ang mga
bagay-bagay. kinasangkapan mo ang iyong sarili upang ako'y makalimot sa mga
suliranin at makatagpo ng panandaliang lamyerda palayo sa mga isyu. ikaw ang
aking kasama sa araw-araw na ginawa ng diyos, mula umaga't pagkagising ko,
hanggang makaalis ako patungong trabaho at makauwi mula rito. ikaw ang konstant
sa aking buhay. sa maikling salita, limang taon mo akong pinaligaya. limang
taong walang anumang balik. libre ito, di ko kinailangang magbayad. minahal mo
ako nang buong-buo!
ngunit, natapos na
ang maliligayang araw na ito. bigla kang nawala. makailang beses kong binalik-balikan
ang dati nating tagpuan ngunit wala ka na. tahimik ang paligid at di ka
umiimik. noong una, inakala ko pang maysakit ka. di ko kasi alam kung naambunan
ka ba nang minsang lumakas ang ulan nang nasa taiwan ako. baka lang kulang sa
pitik sabi ko. pero di pala. wala ka na talaga. sabi ni kuya isko, tuluyan ka
nang kinitil. tuluyan na ngang hinadlangan ang ating hugpungan. tuluyan na nila
tayong pinaghiwalay!
masakit sa akin ang
paglisan mong ito. nasanay na kasi ako na lagi kang nandiyan. alam mo 'yung
pakiramdam na bigla na lang kinuha ang isa sa mga alagang hayop o bigla na lang
inagaw ang iyong bag… ganoon ang pakiramdam ko ngayon. nababalot na tuloy ng
nakabibinging katahimikan ang aking tahanan… wala ka na eh. malalim ang mga
hugot, mahirap, masakit at malungkot.
o libreng cable tv
connection, bakit mo ako iniwan? bakit kailangan nating maghiwalay? bakit
kailangan nilang putulin ang kawad? o ang anumang analog na paghahatid ng
mahika mula sa iyong mga kable patungo sa aking tv. bakit? o bakit? bakit
kailangan itong mangyari? hindi ba maaaring lima pang taon? o kahit isang taon
lang. sabi nga ni ogie alcasid:
kailangan
kita
ngayon
at kailanman
kailangan
mong malaman na ikaw lamang
ang
tunay kong minamahal
ang
tangi kong hiling ay makapiling ka lagi
kailangan
kita.
ngunit huli na ang
lahat. huli na nang aking mapagtantong binawi ka na sa akin. di na ako maaari
pang umapela. kung maaga ko sanang nalaman, may nagawa pa ako. pero wala na.
dapat ko na lamang gawin sa puntong ito ay magpasalamat sa alaala, sa iyong
pagmamahal, sa iyong kalinga't biyaya, at higit sa lahat… sa mga perang aking
natipid (PHP 550 ka rin kada buwan; 6,600 kada taon at; 33,000 sa loob ng 5
taon!!)! kailangan ko nang umiba ng dako, maghanap ng tulad mo at may impit na
dasal na sana'y makasumpong ulit ng gaya mo, 'yung di naghihintay ng kapalit…
'yung walang bayad!
magkano nga
magpakabit ng sky cable? o may libre ding sky cable?!
Sunday, December 11, 2016
Mandalay
The way of the gods were not to be fathomed.
Where everything baffled us, their ways would be the most beffudling of all.
- Longitude by Carlos Cortes
Sutaungpyae Paya
Mandalay, Myanmar
December 2016.
Where everything baffled us, their ways would be the most beffudling of all.
- Longitude by Carlos Cortes
Sutaungpyae Paya
Mandalay, Myanmar
December 2016.
sta. cruz
akala'y parang huling
dalawang didjit na ng taon ang magiging ending. di kasi umariba ngayong taon na
ito. daming kailangang pagtuunan ng pansin, di gaanong naging kaaya-aya ang
himpapawid sa pagtuklas ng bagong uslak. at sa unang pagkakataon magmula nang
masumpungan ang biyaya ng kasinatiang ito, walang ni isa man lang mula sa bayan
ng mga kanal sa chao. magkagayunman, ngislak pa rin naman ang hatid ng taong
ito. mantakin mo ba namang pumalo pa rin sa mataas ang total. di nga lang ganoon
karami tulad ng 2015, pero di rin naman pahuhuli ang abenturang hatid ng 2016.
bukod sa dekadang
hatid ng fuente osmena, may iba pang himpilan ang taong ito. una na riyan ang
crispy patang hatid ng tarlac. kaiga-igaya at matayog ang lipad ng saranggola
ni pepe. pumalaot din ang camotes. ibang lebel ang tikid, mahahanay sa maraming
matatayog na lagayan ng watawat. sumunod ang di gaanong mahusay na ronda sa
cebu. nakatatamad ito at tila walang wawa sa uslakan. buti na lang at binawi
ito ng alas ng albany. di ito nagpagupo sa kapaguran at buong giting ang
paggiling sa ginataang suso na may kasamang malunggay. nagbalik sa san mateo
upang makopo ang mga korner. mabilis naman ang sulak at di nataripaan ang sasa
pero ok lang din kasi kaaya-aya ang tanawin. akala'y mabobokya dahil sa isyu sa
koordinasyon ngunit natuloy din ang majayjay. maigsi ito ngunit di naman maikli
ang uswagan at punong-puno ng kangisi-ngising gawain. ang huli ay ang lungsod
sa ibabaw ng bundok. mabilisan ito at ni hindi gaanong nakapagprepara. sakto
lamang ngunit di na muna uulit.
at balik nga tayo sa
sta. cruz. mahirap humindi rito kaya nga shi na ito. kung tutuusin, di ito
eksakto. malayo at kadalasan ay di gaanong nakokopo ang dapat malimbag. pero
iba ang tipnip sa isang ito. kumbaga ay mayroong malalim na hubungan, masaya
ang bawat taripa, karami ng nauuwing gambar at di pumapalya ang dalawang
pustanje kada daan. dahil sa mga ito, di naman nakapagtatakang pumangdeset na
ito.
parang nais pang
tumuklas ng ibang meso bago magpalit ng taon. may panahon pa naman at siyempre
bakit naman magpapapigil sa iba't ibang paktoyd kung magdaragdag naman ito ng
di matatawarang iskustvo.
hanggang sa susunod!
Friday, December 9, 2016
stickers
sa
tuwing darating na lang ang panahong ito, kinokopo mo ang laymlayt. tuwing
lalagpas ang undas, lahat ng taong mahilig sa kapihan at kuwentuhan, ikaw ang
paksa. 'pag lumapit ka sa kawnter, tatanungin ka kaagad kung nais ka bang
makatagpo. sa bawat huntahan, may nagtatanong sa akin kung nag-iipon ba ako ng
tulad mo.
gayon
na lamang ang bigat ng iyong panghalina… ang mga taong magkaminsan lang
nagkakape ay biglang lalaklak ng higit sa isang tasa upang makakuha ng tulad
mo. ang mga mahilig naman magkape, dumodoble yata ang lagok para ikaw ay
dumami. sa mga gaya ko namang malagihay lang ang relasyon sa kape at tsaa,
nahahalina rin akong mag-aya at bumaba upang bumili ng kape… kapalit ng isang
tulad mo.
o
stickers para sa planner, iba ka talaga! kakaibang alindog mo sa ninuman…
hahamakin ang lahat makumpleto ka lamang!
at nakumpleto ko na nga ang akin! CBTL!
Monday, December 5, 2016
Sunday, December 4, 2016
Beitou
There's a balance in this world, and sometimes forces we don't understand intervene to tip the scales the right way. - Hollow City, Miss Peregrine's Home for Paculiar Children by Ransom Riggs
Beitou Thermal Valley,
Taiper, Taiwan.
November 2016
Thursday, December 1, 2016
Diplomat Hotel
"People get too old to care for a place, their family writes them off for one reason or another - it's sad but it happens." - Miss Peregrine's Home for Peculiar Children by Ranson Riggs.
Diplomat Hotel, Baguio City.
July 2016.
Diplomat Hotel, Baguio City.
July 2016.
Wednesday, November 30, 2016
Singapore
"We sailed unready... more for show than for anything else. How they love show, these white men." - Longitude by Carlos Cortes
Singapore, September 2016.
Singapore, September 2016.
Sunday, November 20, 2016
Yangmingshan
Taiwan's very own wonderful Shire... just a few stations away from Taipei Main Station.
Yangmingshan National Park,
Taipei, Taiwan,
November 2016.
Yangmingshan National Park,
Taipei, Taiwan,
November 2016.
Saturday, November 19, 2016
Friday, November 18, 2016
hindi bayani si marcos
sa mga sandaling ito,
nakahimlay na nga ang mga labi ng diktador na si ferdinand marcos sa libingan
ng mga bayani. nanaig na nga ang matagal na nilang balakin, ang tuluyang
makabalik at muling maging makapangyarihan sa bansang isinadlak ng diktador sa
kahirapan at pinagnakawan ng kanilang pamilya, sampu ng kanilang mga kroni.
tulad ng isang
akyat-bahay gang, pailalim at bigla-biglang inilipad ang bangkay mula batac,
ilocos norte patungong taguig. inilagak daw ito sa libingang medyo malayo sa
ibang mga presidente. ni walang pasabi ang mga ito at sadyang inilihim ang
paglilibing dahil daw nais ito ng pamilyang marcos. tulad ng ibang mga
inilibing dito, binigyan ito ng 21-gun salute. ngunit di gaya ng sa mga tunay
na bayani, patago itong isinakatuparan… gaya rin ng isang magnanakaw. tulad ng
isang mandarambong, kumuha ito ng kasakapat sa katauhan ni rodrigo duterte,
upang magawa na ang matagal nang naisin nina imelda, imee at bongbong – ang makabalik
sa kapangyarihan at muling gawing tanga ang sambayanan. pinilit itong ikubli sa
mata ng publiko at pikit-matang sumunod ang mga alipores ni duterte.
pagbabayad ng utang
na loob. ito ang puno't dulo nito. kapalit ng pinansyal na tulong sa kampanya
at sa kanyang pamilyang loyalista ng mga marcos noon pa man, isa ito sa mga
unang ipinag-utos ni duterte. kung nanalo pa si bongbong, kumpleto na ang
barter. pero di ito nanalo kaya ang kahilingang ilagak ang matandang marcos ang
inuna ni duterte. oo nga't inayunan ng korte suprema ang paglilibing ngunit ang
pag-ayon na ito ay sinuma bilang "dahil nais ito ng nakaupong pangulo at
ayon sa batas, wala itong nilalabag na anuman". hindi ito mangyayari kung
ang nakaupong pangulo ay di hitik ng utang na loob sa mga marcos.
ito ang hindi naisip
ng mga bumoto kay duterte. hindi ito iba sa mga tradisyunal na pulitiko. sa
itinatakbo ng mga bagay-bagay, higit pang mas magiging delikado ang mga hakbang
nito dahil nakabaon ito sa utang na loob sa mga tao sa likod ng kanyang
kampanya at pagkapanalo. bukod sa ngayong makapangyarihan nang muli na mga
marcos, nariyan pa ang nagnanais ding muling pumaimbulog na sina gloria
macapagal-arroyo at balikod nitong asawa, at maging ang natalong si manny
villar. lahat ng ito'y nais na muling kumubra sa bayan at si digong, bilang
isang "action star" ay "di bumabali ng sariling salita"…
maging ang sambayanan at inang bayan ang nakataya.
kung magagawang
dedmahin ni duterte ang mga pang-aabuso ng rehimeng marcos at tuluyang yurakan
pang muli ang mga biktima nito, di malayong payagan din nito ang mga buktot na
muling maghari.
nanghihilakbot,
nanggagalaiti ako sa galit ngunit higit sa lahat, nalulungkot ako sa mga
itinatakbo ng mga pangyayari. ngunit gaya rin ng sinabi ko, nawa'y mabagok ang
ulo ni digong at baka sakaling magising ito sa katotohanang may magagawa siyang
higit na mabuti para sa bansa at hindi rito kasama ang pagbabayad ng utang na
loob. sana'y isipin niya ang sambayanan at gamitin ang kamay na bakal at tigas
ng mukhang sabihin sa mga tulad nina marcos na "hanggang diyan na lang
kayo". sana nga.
sa ngayon, hahaba na
ang pangalan ng pambansang institusyong "libingan ng mga bayani".
mula ngayon, ito na ang libingan ng mga bayani at ng isang mandarambong,
diktador at mamamatay-tao.
#HindiBayanisiMarcos
#NeverAgain
Tuesday, November 1, 2016
metro ng tubig
malay ko sa metro na
'yan… ni hindi ko pa nga nakikita 'yan sa tagal ko na sa buena casa. sa totoo
lang, ni wala nga akong pakialam sa pagbasa ng metro na 'yan maski sa tingin
ko'y higit na mababa pa dapat ang binabayaran ko sa buwanang patak ng metro
para sa kunsumo ng tubig.
ni hindi ko
mamamalayan kung may kakaiba sa pagtakbo nito. una, wala ito sa yunit ko. nasa dulo ito ng unang palapag at
dahil nasa unang pinto ako, di ko talaga makikitang patuloy ang pagtakbo nito. hindi
ako magagawi sa bandang ito, maski pa gusto kong makasagap ng tsismis. pangalawa,
matagal na ako sa buena casa, ngayon lamang nangyari ang sinasabi nilang aberya
sa metro ng aking tubig. sa marami kong taon dito, naglalaro lamang sa 70-100
pesos ang bayarin ko sa tubig. gaya ng sabi ko, pakiramdam ko nga ay di pa
dapat ganito kataas ang binabayaran ko dahil mag-isa lamang ako, di ako
naglalaba at wala ako sa bahay halos buong maghapon. pero ok na rin kahit sa
tingin ko ay mataas pa rin ito. iniisip ko na lamang na mahirap para sa admin
ng building na i-compute ang pang-isahang taong kunsumo. di pa ako
nagkakaproblema rito sa loob ng maraming taon. pangatlo, hindi ko na nagagamit
ang flush ng indoor dahil sira ito, pati na ang gripo sa lababo. kaya nga dapat
mas mababa sa 70 pesos ang bayarin ko. higit sa lahat, mapapansin mo ba talaga
kung may pagbabago sa galaw ng tubig? imposible ito at di ko ito pag-aaksayahan
ng panahong obserbahan.
kaya nga madiin kong
sinabing di ko babayaran ang anumang sosobra sa karaniwan kong kunsumo ng
tubig. di ko kagagawan kung bakit nagka-aberya ito. pagbalik ko mula sa singapore,
wala akong tubig. at nang ibinalik nila ito, wala naman akong napansing
pagbabago. nito ulit nang itawag ni shelda, tsaka ko lamang napansin ang
sinasabi nilang pagtakbo ng tubig. muli, di ko ito kasalanan. tungkulin nilang abatan ang mga metro sa
araw-araw. silipin at nang kanilang mapansin ang pagtakbong di ayon sa
normalidad. hindi ito responsibilidad ng mga nangungupahan.
mabuti at mahusay ang
pakikitungo ni kuya isko nang kanyang ayusin ang sistema sa aking yunit nitong
nakaraang sabado. pinalitan ang flush at gripo at naging maayos na ito. kundi
dahil dito ay tiyak na magtutuloy-tuloy ang inis ko. mabuti na lamang.
dapat lamang na rin ako papanagutin sa mga pinalitan nilang mga bagay-bagay. dapat lamang nila itong palitan. wag na wag din sanang magpaandar ng atityud. cool lang dapat at sana'y magpatuloy ang mabuting samahan.
fountain
There
is a fountain of youth: it is your mind, your talents, the creativity you bring
to your life and the lives of people you love. When you learn to tap this
source, you will truly have defeated age. – Sophia Loren
A
kind heart is a fountain of gladness, making everything in its vicinity freshen
into smiles. – Washington Irving
Some
people drink from the fountain of knowledge, others just gargle. – Robert
Anthony
You
must intensify and render continuous by repeatedly presenting with suggestive
ideas and mental pictures of the feast of good things, and the flowing
fountain, which awaits the successful achievement or attainment of the desires.
– Claude M. Bristol
The
world is full of abundance and opportunity, but far too many people come to the
fountain of life with a sieve instead of a tank car... a teaspoon instead of a
steam shovel. They expect little and as a result they get little. – Ben
Sweetland
The hours I spend
with you I look upon as sort of a perfumed garden, a dim twilight, and a
fountain singing to it. You and you alone make me feel that I am alive. Other
men it is said have seen angels, but I have seen thee and thou art enough. – George
Edward Moore
My two fingers on a
typewriter have never connected with my brain. My hand on a pen does. A
fountain pen, of course. Ball-point pens are only good for filling out forms on
a plane. – Graham Greene
Water from the white
fountain didn't taste any better than from the black fountain. – B. B. King
I discovered
something amazing, which has caused a lot of controversy - the fountain of
youth. I have to keep it a secret! – David Copperfield
Sunday, October 30, 2016
Malapascua
Focus on this moment.
Hold your hand and see what it feels like.
Go to the beach.
Talk to a tree.
Malapascua Island.
Daanbantayan, Cebu.
Sometime ago.
Hold your hand and see what it feels like.
Go to the beach.
Talk to a tree.
Malapascua Island.
Daanbantayan, Cebu.
Sometime ago.
Friday, October 28, 2016
Bimmapor white
Like a movie that burns in the projector while you're watching it, a bloom of hot and perfect whitness spread out before me and swallowed everything.
- Miss Peregrine's Home for Peculiar Children
Bimmapor Rock
Nagtipunan, Nueva Vizcaya
June 2016
- Miss Peregrine's Home for Peculiar Children
Bimmapor Rock
Nagtipunan, Nueva Vizcaya
June 2016
Friday, October 21, 2016
giving journal
tis great! yes, CBTL's 2017 giving journal is here! i can't wait to have my companion for a great 2017. :)
Begin your giving journey with our Giving Journal 2017.
Find inspiration in every page to brew your best year yet by becoming the best version of yourself, by making a positive difference in the world, and living a life full of love and service for others.
Collecting of stamps for the Giving Journal will begin October 22, Saturday, in all The Coffee Bean & Tea Leaf® stores. Available in 4 colors rose, purple, turquoise, and grey. All it takes is 12 stamps to redeem your own!
Find inspiration in every page to brew your best year yet by becoming the best version of yourself, by making a positive difference in the world, and living a life full of love and service for others.
Collecting of stamps for the Giving Journal will begin October 22, Saturday, in all The Coffee Bean & Tea Leaf® stores. Available in 4 colors rose, purple, turquoise, and grey. All it takes is 12 stamps to redeem your own!
malaise
minsan mas ok pa
'yung may sipon o ubo ka eh. sisinga ka lang o uubo para lumabas ang sipon o
plema, iinom ng maraming tubig, magpapahinga at mag-ooverdose sa vitamin c ay
magiging ok na ang pakiramdam. pero iba ang kalagayan kapag impeksyong bunga ng
baktirya ang kalaban. masasakit ang mga kalamnan at kasu-kasuan at tila ba may
mabigat na nakadagan sa iyong buong katawan at damang-dama mo ang karamdamang
pilit pa ring nilalabanan ng iyong mga antibodies.
at ito nga ang
lumukob sa aking katawan nitong buong dalawang linggong nakalipas. may panginginig
sa iyong buong katawan, mahina ang iyong pakiramdam at malaise ang kabuuan
nito. ni hindi mo nais kumilos dahil ang gusto ko lamang ay humiga at
baluktutin ang aking mga paa para maibsan ang sakit ng kasu-kasuan. ninanais mong
laging pawisan dahil nakababawas ito ng sakit. pero siyempre nandiyan pa ang
matinding sakit ng ulo na tila bumibiyak dito sa dalawa. isang klasikong
pagdalaw ni migraine. mas matindi ang sakit ng ulo kapag umiinom ng matinding antibiotic.
natapos ko nga 'yung
antibiotic at umokey naman ang pakiramdam. pero nitong nakaraang simula ng
linggo, tila bumabalik ulit ang impeksyon. dali-dali ulit akong pumunta sa
healthway para magpatingin, hindi sa GP, kundi sa ispesyalista na sa ENT. sobrang
haba ng pila at umabot ng mahigit isang oras ang paghihintay. sinabi lamang ng
duktor na bahagi talaga ng impeksyon ang sakit ng kasu-kasuan. din a raw ang
bibigyang ng bagong gamot dahil natapos ko naman ang antibiotics. ang gagawin
daw niya ay ikukultura ang baktirya sa aking lalamunan at pag-aaralan ito bago
magbigay ng bagong gamot. swab at maghihintay ng 5-7 araw bago malaman ang
resulta at saka lamang babalik sa klinika. ang tangi niyang nireseta ay
imunomax forte para raw palakasin ang aking immune system at panglaban sa sakit
at anumang impeksyon. isang kapsula kada araw.
mahirap ang maysakit.
mahirap ang araw-araw na aktibidades kapag may pisikal na dinaramdam. nawa'y
tuluyan nang lumisan ang impeksyon at magbalik ang dating sigla. kailangan natin
ito.
Saturday, October 15, 2016
stolen
This should have been a stolen shot... not a paparazzi shot since the subject isn't a celebrity. It was just a perfect frame - big tree, greens, a little of modern housing and perfect skies and clouds... until the subject turned to look at us! #laughtrip
Singapore, October 2016.
Monday, October 10, 2016
Barili
Asking too many questions is an affliction.
- Frank McCourt, Angela's Ashes
Barili, Cebu,
September 2016.
- Frank McCourt, Angela's Ashes
Barili, Cebu,
September 2016.
Sunday, October 9, 2016
ngitngit
bakit ba kasi masyadong
matindi ang galit ng isang ito sa mundo? ano na naman kayang mabagsik na asido
ang naisaboy nito sa sarili at ganito na naman ang pagnanaknak? paanong sa
isang iglap ay biglang nanumbalik ang pait at lumukob na muli sa kanyang
kabuuan?
nais na lamang isipin
ng marami na may ipinagdaramdam itong matinding sakit ng katawan. 'yung
matinding sakit ng ulo o ngiping talaga namang mamumura mo kung sinumang
kumausap sa iyo. ito ay upang maunawaan ang walang kaabug-abog na pagbabago. di
kasi maubos maisip ng marami, bakit ba puno ng ngitngit ang kanyang puso?
dahil ba sa kanyang
mga "idolo" na mga multo ng kahapon? dahil ba sa kawalan ng
kaututang-dila sa buong maghapon? o dahil ba sa ibang mga rason? anu't anuman…
di mababatid kung ano mga makatwirang rason mayroon siya. masuwerte kasi ito. kaya
kung tutuusin, wala itong anupamang dapat ikapait sa buhay.
o dahil sa walang
ikapapait sa buhay kaya sadya itong gumagawa ng mga isyu upang may
mapaglibangan? sabagay, sabi nga ng matatanda, ang isip at katawang masyadong
komportable ay dagling dadawagin ng halina ng kabalintunaan. ang di gaanong
pagal na katawan bunga ng kawalan ng mabibigat na trabaho sa araw-araw ay
sasaputan ng poot. ang di pag-iisip sa kung anong kakainin sa araw-araw ay
magtutulak sa maykatawang mag-isip ng kung anu-ano… maging ng mga bagay na
walang kapararakan.
nawa'y masumpungan mo
ang tamang ihip ng hangin. nawa'y manatili ito sa iyo sa mahabang panahon. sana'y
mawala ang anumang dawag at sapot sa iyong puso't isipan nang maging maliwanag
ang mga bagay-bagay sa iyong perspektibo.
di pa naman huli ang
lahat. sana'y mahanap mong muli ang iyong sarili.