Sunday, October 22, 2017

bago

‘yung hindi luma… ‘yung di pa nasubukan. oo, lahat naman yata ng tao nais makasubok ng bago. kailangan minsan sa ating buhay, sumumpong ng kakaiba, ‘yung bago nga… ‘yung di pa natitikman kung pagkain man ‘yan o di kaya’y di pa nasusubukan kung gawain man ‘yan. di maaaring walang bago, nakatatamad naman yata ‘yun. kabagut-bagot kapag lagi na lang yung datihan. dapat magkaminsa’y paalimpuyuin ang pamamangkang di nakasanayan at magtangkang umiba ng landas at magkaroon ng bago.

2010 ay dalawa, tapos umakyat sa 9 noong sumunod na taon. umakyat pa ito sa 13 noong 2012 at parehong bilang noong 2013. bumaba ng higit sa kalahati noong 2014 at muling tumaas ulit sa 9 noong 2015. sa nakaraang taon, 8 lamang at ngayong taon, 3 pa lamang at oktubre na!

nararapat lamang na pagsikapang malugod sa karagdagang bago. tumaya sa di pa nasusubukan at mabiyayaan ng ngiting tagumpay. magbakasakali at muling paayunin ang ihip ng hangin sa landas na ayon sa atin.

bago na ulit!

No comments: