Friday, October 20, 2017

tagakusot

alam n’yo bang may bagong salta sa eter?! oo, isa itong aburijinal na nilalang. malamyos ang tinig, may komand ng salita ng reyna at buong giting ang pariringal sa pananamit kahit na nga papasa itong tagakusot nina mrs. reyes at mrs santos. mahilig din ito sa mga salitang magpapaalumpihit sa sinuman gaya ng dahhlenng, switi at kung anu-ano pang mga di bagay sa hilatsa ng pagmumukha nito.

walang problema sa kahitsuraan. pero tila pagkukusot lang batid ng isang ito. ni walang anumang sustansya ang nahihita ng mga tagasunod. bukod sa pahatirang elektroniko, wala na itong anupamang kontribusyon sa pagsasara ng mga bilihin. ni hindi umusal ng anumang salita sa isang miting. ni hindi rin makatulong sa paglalagay ng tamang tikid sa mga bagay-bagay. bukod sa pagtingin sa pisarang gitling, wala na itong ginawa kundi magpahatid ng paalala kuno at magsabi ng di naman kailangang mga hirit. eh kahit isang di pa tapos sa kolehiyo ay maaari rin itong gawin!  

ok pa rin naman sana kung ito lang talaga ang silbi nito sa eter. ganoon talaga, may mga nilalang na nariyan dahil nais ng ibang nandiyan sila. pero ang kawalan nito ng gulugod ay di na talaga kaaya-aya. ang di pakikipanig sa sariling kasapakat ay di dapat. oo nga’t kailangang ng tagakusot na makitalamitam sa mga tao sa reklamasyon, pero dapat pa ring tumulong sa mga nasasakupan lalo na nga’t may dibdibang isyuhan na tungkol sa kaalaman at dunong.

may panahon pa naman para sa tagakusot. sana’y sa kanyang paghihiwalay ng dekolor sa puti, masumpungan niya ang ilaw na makatulong sa mga tindera. sa kanyang paggamit ng tabla sa pagkukusot, gamitin din niya ang kanyang malaking mukha upang makapagsara. sa kanyang pagpiga at pagbabanlaw sa mga labahin ay matuto ito ng tamang gawi. at sa kanyang pagsasampay sa mga nilabhan, maibilad din sana nito ang tunay niyang silbi sa buhay.  

No comments: