una
kong natuklasan ang malinamnam na imbensyong ito nang ang dodoy’s inasal ay
nasa kahabaan pa ng kamagong. malapit ito sa barbershop ni kuya jerry kung saan
ako nagpapakalbo kaya naman kada bagong tabas, siguradong mapapadaan ako rito
para kumain at magalak sa kanilang manok na inasal.
pagkaraan
ng ilang taon, nagsara ang dodoy’s. binili yata ang lupang tinitirikan nito.
lumipat sila sa pablo ocampo extension, malapit sa kanto ng sampaloc. at dito
natuloy ang aking love affair sa kanilang chicken inasal!
kaiba
sa inasal ng mang inasal, ang manok nila rito ay malinamnam, malambot, hindi
tuyo, malalasahan mo ang tamang pagmarinado sa manok bago pa ito isalang sa
uling upang ihawin. di rin gaya ng sa mang inasal, gumagamit pa rin sila ng
tradisyunal na pag-iihaw sa ibabaw ng uling kaya’t sumasarap lalo ang bawat
pecho o paa na ihahain sa iyo. sinamahan pa ito ng masarap at mainit na sabaw,
malamig at sakto ang tamis na kanilang iced tea, at siyempre ang nagdadagdag ng
swak na swak na lasa’t panghalina, ang toyo, kalamansi at sili!
di
ako nagtataka kung bakit sa halos isang beses kong pagdalaw sa doy’s ay lagging
maraming tao. sa wikend, madalas ay maghihintay ka ng mesa bago makakain. buti sa
akin, di ko pa naman kinailangang umupo sa labas para kumain.
nabitbit ko na rin ang aking pamilya para kumain sa doy's. lahat sila ay sang-ayon sa sarap at linamnam ng manok na inasal dito. dumadayo pa nga mula sa pasig at novaliches ang iba sa amin! di na tuloy ako makapaghintay na bumalik dito at kumain ng inasal, namit gid!
No comments:
Post a Comment