unti-unti’y
nakikilala ko ang mga tauhan
sa
bawat pagdaan ng mga araw
natutunghayan
ang mga pangyayari.
bawat
saknong at pangungusap
dala’y
iba’t ibang damdamin.
talata
at mga salita ng mga may-akda
bunga’y
pagdadala sa ibang lupai’t panahon.
nagdalawang-isip
pa sa pagbili
nitong
nagdaang big bad wolf sale.
baka
kako masayang at di naman mabasa
mabagal
nga kasi magbasa.
madali
ring manawa
at
bumaling sa iba.
pero
dahil panalo ang bawat isa
wala
pang ibinaba at di tinapos.
kaya
nga nangangalahati na
at
malapit nang makasumpong ng bago.
maiging
pinagkagastusan
walang
pagsidlan ang saya.
No comments:
Post a Comment