isang
taon, puno ng pagpapala
labindalawang
buwan, puspos ng biyaya
o
kaybilis ng paglakad ng mga araw
tila
tinawag ng isang bulalakaw
sa
paglalakbay tungo sa pagbabalik-loob
panunumbalik
at pagbabagong-loob
may
mga hilahil at hindi madali
maraming
pagsubok at magkaminsa’y nababali
ngunit
sumagot sa tawag
walang
anumang agam-agam sa dawag
tinura’y
oo at opo
itinuloy
ang nasimulang pagkopo
anuman
ang dumaan o di dumaan
mananatili
ang pananampalatayang tipan
salamat
po sa pag-ibig
salamat
po sa tigib na pag-ibig.
No comments:
Post a Comment