Tuesday, June 5, 2012
Monday, June 4, 2012
jubilee
60 na taon na ang reyna ng mga briton na si elizabeth II sa trono. diamond jubilee kung tawagin. kagabi, habang naglilinis ako ng bahay, halos dalawang oras na kinober ng cnn at bbc ang plubyal na parada sa ilog thames ng london. karingalan at karangyaan ang ipinamalas ng pinakamalaking plotilya sa thames sa loob ng 350 taon bilang hudyat ng pagsaludo at pagdiriwang ng jubileo ng reyna. inulan ang parada ngunit di nito natinag ang masayang atmospera sa buong london.
ang reynang si elizabeth II ay tinatayang isa sa pinakamayamang indibidwal sa buong mundo dahil sa samu’t saring ari-arian nito na binubuo ng mga palasyo, koleksyon ng sining, alahas, lupain at pera. sa tagal na rin ng paghahari (o pagrereyna sa panahon ni elizabeth II at ng iba pang mga reynang regnal) ng kanyang pamilysa sa britanya, kayamanang minana pa sa kanunu-nunuan at naimpok bunga ng ilang salinlahi ang napasakanya. ngunit walang binabayarang buwis ang reyna at kanyang pamilya. bagkus, nabubuhay sila mula sa buwis na kinakaltas sa mga mamamayan ng bansa. wala ring anumang kapangyarihan ang reyna sa pagpapatakbo ng pamahalaan. seremonyal ang kanyang papel bilang pinuno ng estado. sa kabila nito, higit 80% ng mga briton ang pabor sa pagpapanatili ng monarkiya sa gran britanya at mga bansang kaalayado nito. sabi nga ni prince charles, di mananatili ang monarkiya kung di ito sinasang-ayunan ng mga tao. ayon naman kay winston churchill, ang monarkiya ay ekstraordinaryo sa kapakinabangan nito. kapag nananalo raw ang britanya sa mga digmaan, sigaw ng britanya ay “god, save the queen!”. ngunit kapag talo, pinapatalsik ang punong ministro ng gobyerno. may kung anong apeksyon at respeto ang mga briton sa kanilang monarka. dala marahil ito ng simbolismo ng reyna bilang isang matimtimang mukha ng buong bansa at buhay na kawing sa mayamang kasaysayan at nakaraan ng kanilang lipi.
sa sayki ng mga pilipino, di maaaring magkaroon ng iisang monarka. masyadong rehiyunal ang nilayan ng mga pinoy na kung may isang naghahari-harian sa isang lugar, kailangan din ng iba na may paghariang ibang teritoryo. tatapata’t tatapatan ninuman ang hari o reynang umaangkin sa isang teritoryo. bukod sa pagiging kapuluan ng bansa, di rin yata likas sa mga pinoy ang pagkakaroon at pagsunod sa iisang pinuno. bunga nito ay ang kawalan natin ng anumang konktretong portipikasyon bago pa dumating ang mga espanyol o malakihang kompleks para sa pagsamba, gaya ng borobodur sa java o angkor wat sa cambodia. sa makabagong panahon, naging bahagi na rin ng nakagawian ng mga nasa pamahalaan na biyakin nang biyakin ang mga lalawigan, bumuo ng mga bagong munisipalidad o barangay o di kaya ay iredistrito ang mga bayan at lungsod. siyempre, ang mga balangkas na ito ay isinasagawa sa pagnanais umano ng higit na mahusay na pamamalakad. ngunit ang totoo ay upang magkaroon ang mga nasa posisyon ng sari-sariling sakop na kalupaan kung saan sila maaaring maghari-harian. ang ehemplo nito ay ang paghiwalay ng isla ng dinagat mula sa surigao del norte o ng dating lalawigan ng shariff kabunsuan na ihinawalay sa maguindanao na pinawalang-bisa ng korte suprema. sangkaterba pa ang mga balakin na ganito sa kongreso – nandiyan ang pagbiyak sa cebu sa apat na lalawigan; pagbuo ng nueva camarines mula sa camarines sur at pagbuo ng ikalimang distrito sa lungsod quezon. magkakaroon kasi ng sariling laang-gugulin ang bawat bagong lalawigan, bayan o barangay. higit nga namang makikinabang ang sinumang nasa posisyon dahil magiging tila queen elizabeth II sila sa “bagong lugar” na ito. bukod sa pampurok na saloobin, di rin napagtibay ng panahon at karanasan ang kolektibong pananaw ng mga pinoy ukol sa mahika ng iisang monarka. di gaya ng sa emperador ng japan, wala sa pananaw ng mga pinoy ang paniniwalang may iisang taong sagisag ng pambansang pagkakaisa.
bagamat wala ngang iisang monarka ang ‘pinas, nagkalat naman ang mga hari-hariang pulitiko’t maiimpluwensyang mga tao sa lipunan ng pilipinas. higit na marami ang nagugutom ngunit marami rin ang pamilyang nabubuhay sa karangyaang dulot ng mala-monarkang pag-angkin ng iisang pamilya sa kapangyarihan sa bawat lalawigan ng bansa. ang pagsasangkalan sa mantsadong demokrasya ang tiim-bagang na pagkopya ng mga pinoy sa dingal ng monarkiya ng britanya. di tulad ng dalangin ng marami sa mahabang buhay ni queen elizabeth II, sana’y maging maikli lamang ang paghahari-harian ng ilan sa mga bayan sa pilipinas. ‘wag naman sanang magdiwang pa ng jubileo ang mga mapanlamang na nasa kapangyarihan.
tulad ng maraming bansa, makikinood na lamang ako sa mariringal na salvo ng pamilyang panghan ng britanya.
nine
"There are nine requisites for contented living:
HEALTH enough to make work a pleasure;
WEALTH enough to support your needs;
STRENGTH enough to battle with difficulties and forsake them;
GRACE enough to confess your sins and overcome them;
PATIENCE enough to toil until some good is accomplished;
CHARITY enough to see some good in your neighbor;
LOVE enough to move you to be useful and helpful to others;
FAITH enough to make real the things of God;
HOPE enough to remove all anxious fears concerning the future."
yes... in total, those were all nine. nine points in time. nine stages. novena if you must. the chinese say nine is a good number because it sounds like the word 'longlasting', while for the followers of hinduism and baha'i faith, nine symbolizes completeness. longlasting and complete. only time can tell. what's there to enjoy is the now.
Sunday, June 3, 2012
strangers
Loving strangers, loving strangers,
loving strangers, oh...
I've got a hole in my pocket
where all the money has gone
and I've got a whole lot of work
to do with your heart
cause it's so busy, mine's not
Loving strangers, loving strangers,
loving strangers, oh...
It's just the start of the winter
and I'm all alone
and I've got my eye right on you
give me a coin and I'll take you to the moon
give me a beer and I'll kiss you so foolishly,
like you do when you lie, when you're not in my thoughts,
like you do when you lie and I know it's not my imagination
Loving strangers, loving strangers,
loving strangers, oh...
Friday, June 1, 2012
pos
para kang nana sa nagnanaknak na sugat. makati, namamaga at nagdudulot ng kirot. parang hanip na nagsusumiksik sa pinagtahian ng dalawang piraso ng tela. sabi ng mga detektib, may isang kaso raw sa kanilang karera na tila di maaalis sa listahan. mukhang sa akin, ikaw na ‘yun.
o pos, lubayan mo na ako. ‘wag ka na sanang lumitaw sa dako pa roon. itago mo ang iyong sipiyu sa baul. ihagis mo ang iyong monitor sa malayong ibayo. ibaon mo sa lupa ang iyong panglimbag. ipaanod mo sa pusali ang mga kapapelan at tinta. magpakalayu-layo ka… ‘yung di ka na matatanaw sa landas ko. isama mo ang walang wawang bumbay. isilid mo sa kaha de yero ang bumbay na ito at huwag hayaang makaalpas. konsulting kuno pero ang ginawa lang naman ay koordinasyon. eh kahit sinong nasa kolehiyo pa ay maaaring magawa ‘yun! liban nga ako pero ginagawa ko pa ang mga buwisit na slayd para sa buwisit na proyektong ito. nagkober sa trabaho ng apat na tao, ‘yun ang ginawa ko sa proyektong ito kahit na ang usapan ay tutulong lang ako.
tigilan na natin ang kahunghangang ito. wala nang ulitan. di rin taympers. ayawan na pagdating sa pos.
Thursday, May 31, 2012
walo
namutakti nga ang mayo. puro dot. halos kada linggo, nagkaroon. sulang harinahan tapos kumaldag ang dapat kumaldag. sumulak ang nais sumulak. serye ng adot ay kamrukan nito lang. pangwalo.
mahaba ang digitan. napagkamalan pang wednesday ang wendy’s. may kaunti ring alinlangan sa kung anong tabernakulo ang sasadyain. pero natuloy din. glorietta. membeli ng bilyete. tagal bago makarating! di alam kung saan makabibili ng bacon cheeseburger. late sa puting telon. simula na ang abentura nina will smith at tommy lee jones. masaya ang plik. kaunting hithit at lumakad pakanan. punuan ang patimog kaya balik sa gilid ng dusit. 70 hanggang sa rotunda na wala namang pabilog na plano. may kaba kaya isa-isa ang pasok sa piksyunal na lungsod ayon kay jean-claude forest. panhik na at dumigit na. mata sa mata sa silipan.
wisik-wisik. libre ang kakaibang bakbakan sa bubtyub. daming usalan. dalawa lang magberadik at may pamilya na rin ang kakak. karumah ang bapa at nenek na lang sa malibay. walang trioptage ang bapa at nagkasakit ito ng colon cancer pero gumaling. hiwalay ang mga indung at nakapiit pala ang ibu dahil mencandu raw ito. siyam na taon pa lang ng huling makita. nagkaroon na rin ng maraming priatel’ky, ‘yung huli ay nitong disyembre lang.
bukod sa mga ‘yun, karamihan ay kritik sa kung anong meron sa bubtyub. hanggang sa magderoupa na. tagal na ng kantiyawan eh. walang harinahan sa ikawalo. may kropp sa corpo, pero di ganoon katindi. pero higit na matagal ang kaldag sa likod. masyado lang maligawgawin. panalo talaga ang kieli at lupas pag ginamit ito sa magkabilang krutsgals. ‘yun yata ang sikreto. matiyaga sa nipitan at buong husay ang trabaho. may doigt na rin sa takapuoli pero di interesado sa tuwirang nyakan.
pero parang decepcionante ang ibang hirit sa telepono. buti at walang masyadong dalang pasta. mas maganda ‘yung kusa, di ba? ‘wag na ‘yung may mga kakaibang hirit pa. maghintay at may nakalaan, ‘ika nga. mahirap na.
bukod naman sa mga pahabol, ok naman lahat. kung may kasunod pa, sa tabernakulo na lang din na ‘yun. pero dapat ay may harinahan. di pwedeng wala. adutin ang lahat ng maaaring makamtan.
Wednesday, May 30, 2012
impeached
bago sumalang si ombudsman conchita carpio morales sa senado, kumbinsido akong di mako-convict si renato corona. ang tingin ko, di siya maaalis sa puwesto dahil di maaabot ang kaukulang 16 na boto para tuluyan siyang mapatalsik. tiyak na rin akong ia-acquit siya ng mga senador na sina miriam santiago, joker arroyo at bongbong marcos.
kahapon, abut-abot pa rin ang kaba ko. baka kako magkatotoo ang aking unang pakiramdam na wala ring kahihinatnan ang limang buwang paglilitis. ngunit, salamat naman at taliwas sa naunang hinuha ang kinalabasan. napatalsik si corona bilang punong mahistrado sa botong 20-3. kanya-kanyang pasikat ang mga senador. pagkakataon na nga naman nilang magpa-star sa publiko dahil nakatutok ang halos lahat ng pilipino sa mga oras na 'yun. siyempre pa, pinakawalan na naman ni miriam ang maruruming mga salita at idineklara na naman niya ang kanyang "katalinuhang higit kaninuman".
oo nga't may mga pulitikong higit na garapal ang pandarambong sa kaban ng publiko. umiinog nga ang pagkukunwaring-banal ng ibang nasa puwesto. may mga nasa posisyong grabe ang pagkamalabiga. ngunit di nito dapat hadlangan ang higit na malaking mensahe ng pagkakatanggal kay corona sa posisyon. para sa akin, ang kahalagahan ng demokratikong ehersisyong ito ay ang paghahatid ng mensaheng maski sino'y dapat managot sa bayan at ihantad sa publiko ang mga impormasyong dapat alam namin, gaya ng mga ligal at tagong yaman. pagbabadya ang pagpapatalsik kay corona na handa na ang publikong makitang maalis sa puwesto ang sinuman, maging siya ang pinakamataas na hukom ng bansa. kailangan ng mga mamamayang makasaksi ng tuwirang pagpapanagot sa mga mandarambong at nang mabawasan o tuluyan nang mawala ang kultura ng impunidad o kawalang kaparusahan sa mga halang ang bitukang mga pinuno.
bagamat pulpol nga ang naging dating nina niel tupas at miyembro ng prosekusyon, sapat na sa akin na napatibay nila ang haka-hakang di talaga matuwid si corona. salamat at pinatawag ng depensa si carpio-morales, isang eksperto sa batas na walang bahid ng dumi ang pangala (di gaya ni miriam santiago). dahil sa kanya, tumagilid ang depensa nina serafin cuevas at lalong tumindi ang duda ng mga senador at publiko kay corona.
sa pagtatapos ng paglilitis kay corona, nawa'y matalakay at madesisyunan na rin ang mga nakabinbing panukala ukol sa reproductive health at freedom of information. higit sa lahat, dapat ay habulin na ang mga naglalakihang buwayang sina gloria macapagal arroyo at kanyang mga kachokaran at papanagutin sa batas.
Tuesday, May 29, 2012
har-ppy
bertdey, o'harailt. ang bertdey ay espesyal na araw upang ipagdiwang ang regalong 'ikaw' sa mundo. anumang pangarap, sana'y makamtan, dahil karapat-dapat ka sa mga ito. anumang hiling ng puso, nawa'y mapasaiyo. isang kalugod-lugod na araw at taon para sa iyo! mib3, kain-kain, kuwentuhan, relaks-relaks. har-ppy bertdey!

Friday, May 25, 2012
superiority
may superiority complex nga ba ang mga bumbay? mukhang mahirap nga yatang katrabaho ang mga ito. bahala ka. ikaw nga ang bahala.
Thursday, May 24, 2012
seven
in the mayan calendar, the blue hand is the 7th glyph, which represents creation days and creative perfection association. seven is a happy number. wonders of the world are always seven. of course, there are seven days in a week. there are seven colors of the rainbow. james bond's secret agent number is 007. there are seven chakras. traditional western scale has 7 notes. 7 is also the number of the basic principles of bushido. in physics, there are 7 SI base units. in jewish weddings, there are seven blessings recited in the huppah ceremony. seven last words during Jesus' crucifixion. the forward or winger traditionally wears the number 7 in soccer. during the 90s, i religiously followed 7th heaven.
on the seventh of this series, was there something created? yeah, i guess. was there something associated to creative perfection? looks like it. it was happy and can be included in my list of seven wonders. a rainbow can be seen although it would remain an 007. the petals were triggered really good, upping the tempo everytime. hoping that it will always be bushido-guided -- based on rei, makoto, jin, chugi, gi, meiyo and yuki. on its seventh edition... metre, kilogram, ampere, kelvin, mole, candela and second don't matter anymore. while there are no canopies, that chamber (s) represented some sort of covenant. from the looks of it, there probably won't be any last sayings anytime soon. forward is more likely. what's best is the now. much like the camdens... happy faces smiling back at me.
Wednesday, May 23, 2012
corona
ok na sana. mukhang nakapuntos na ang punong mahistradong si renato corona sa publiko dahil sa kanyang tatlong oras na talumpati't testimonya sa senado kahapon. di man siya nagbigay ng mga tuwirang patunay laban sa mga akusasyon sa kanya, tila nakuha niya ang sentimiyento ng mga mamamayang wala pang desisyon kung siya ba'y maysala o inosente. ginamit niya ang mga probisyon ukol sa akawnt na nasa dolyares at teknikalidad upang salagin ang mga paratang sa kanya. sa pagharap lamang sa korte, parang umayon ang takbo ng mga bagay-bagay sa kanya dahil sa paglapit sa ethos o emosyon ng publiko. pang-maalaala mo kaya ang iskripted niyang pagluha. pinalabukan pa ito ng matatalim na mga tingin sa prosekusyon at pagbibitiw ng mga linyang pang-oratorikal na kontes. mas mahusay pa nga 'ata siyang aktor kina diether ocampo at dingdong dantes! kahit na ba sangkatutak na patutsada sa administrasyong aquino at kay ombudsman conchita carpio morales ang ibinato niya, iginalang pa rin siya ng hukuman at ng mga senador, lalo na ni senador enrile.
tila tumigil ang paghinga ng marami nang simulan niya ang madramang pagpirma sa waiver na magbubukas ng kanyang mga akawnt sa mga bangko. sa twitter, may mga nagsabi pang, "CJ is the man" dahil sa aktong ito ng pagpirma at pagdedeklarang maaari nang bulatlatin ninuman ang kanyang mga rekord. ngunit ito'y bahagi pala ng isang tusong pambablakmeyl sa mga kongresista at sa taumbayan. may kondisyon ang kanyang waiver... bubuksan lamang niya ang mga ito kapag pumirma na ang higit sa 180 na mga mambabatas na sumang-ayong siya ay patalsikin sa puwesto. dahil dito, kanyang pinatunayan na siya ay may mataas na intelek. biruin mo namang ibatong pabalik ang bola sa mga taong nag-akusa sa kanya at hikayatin ang publikong manawagan ng malawakang pagbulatlat sa mga tagong yaman. para saan pa't naging punong mahistrado siya kung di niya gagamitin ang lahat ng tusong istratehiya upang idirek ang daloy ng paglilitis sa isang dedlak. sa huli, naging maliwanag din sa publiko na "di pahuhuli ng buhay" si corona. sa pamamagitan ng mahusay na kumbinasyon ng kaalaman sa batas at tapang ng apog, itinulak niya ang mga senador at ang publiko na magkaroon din duda rin sa mga paratang ng prosekusyon. dahil sa kondisyunal na waiver na ito, malinaw na wala rin palang anumang sinseridad si corona.
pagkatapos ng litanyang ito, biglang tumayo si corona at tumalilis palabas ng bulwagan. ito ay kahit na wala pang pahintulot mula kay enrile at ng hukuman. mula sa mala-tmz na kuha ng abs-cbn, naghihintay na ang expedition ni corona upang ibiyahe siya palabas ng senado. buti na lang at nasakote siya agad ng mga guwardiya at pinilit na ibalik sa bulwagan. pagbalik sa bulwagan, naka-wheelchair na at wala na ang amerikana. sinumpong diumano ng hypoglycemia si corona at maaaring inatake sa puso kaya nahilo ito at nanghina. nag-workshop din ba si corona kay gma? pareho ang kanilang mga taktika - paggamit ng pekeng sakit. para kay gma, upang umiwas sa mga kaso at di makulong sa bilibid, habang kay corona ay upang maiwasang ma-cross examine ng prosekusyon at di rin mausisa ng mga senador. kasangkapan din ang pagkakasakit kuno upang mabalam at lalong tumagal ang paglilitis. tila ba sinasabi ni corona sa publiko na bilang punong mahistrado ng bansa, siya ay di saklaw ng saligan ng paghanap ng katotohanan, ang mausisa ng prosekusyon, sa ating mga hukuman. at siyempre, upang gumanyak pa ng higit na lapit sa emosyon ng publikong maaaring maawa sa kanyang kalagayan. ang pagtalilis at kunwa-kunwaring pagsama ng pakiramdam ay ikatlong kabanata sa teleserye ni corona ng araw na ito at ang lahat ng ito ay matamang pinlano at ayon sa isang kumpletong koryograpiya. sa kanyang pag-alis ng walang pahintulot, hinahamon niya ang senadong desisyunan na ang kaso at dagliang magbotohan. sa gayon, kung ang magiging hatol ay di pabor sa kanya, maaari niyang ipangalandakan sa publiko na siya ay di binigyan ng kaukulang respeto at ito'y bansagang mistrial. mahusay na taktika. buti na lang at nasawata siya agad at nanindigan si enrile. bakit nga ba di siya ikinonempt ng senado? at bakit habang nangyayari ang lahat ng ito ay tahimik si senador miriam santiago? senyales ba ito ng isang malalim na sabwatan? 'wag naman sana.
sa huli, simple lang naman... kung ang yaman mo ay tunay na galing sa mabuti at walang bahid ng anumang kabulastugan, isiwalat na sa publiko nang matameme na ang mga nag-aakusa. kung may patunay kang galing ito sa wastong paraan, tataas ang kumpiyansa ng publiko sa iyo. ngunit kung may mantsa ng iregularidad, kailangangang isakatuparan ng isang tusong matsing na gaya ni corona ang kanyang pangteleseryeng akto.
magbotohan na kayo, mga senador. bagamat pulitikal na pagboto pa rin ang mangyayari... kailangang malaman na ng publiko kung ang korona ay kay corona nga.
Tuesday, May 22, 2012
kerber
with angelique kerber's semifinal finish in this year's italian open, she enters the WTA top 10 for the first time. what's more interesting is that 10 players from 10 different countries make up the current top 10. europe still dominates, with 7 players and current world number 1 victoria azarenka. serena williams is the only player from USA, while samantha stosur is the lone aussie. it seems that the days when we have multiple top tenners from USA or russia are over. french open defending champ li na carries the banner for asia. on to roland garros... the claycourt battle starts may 27.
Subscribe to:
Posts (Atom)

















