malaki nga ba ang mawawala? o nagkukuripot lang? puwede rin namang umiisteytment? o di kaya'y nalula nga lang talaga sa laki ng nagastos.
ano ba 'yung ilang dadaanin kumpara sa naiimajin kong gastusin sa ibang bansa? ni wala na nga halos halaga ang piso kapag kinonvert mo sa pera ng mga karatig-bansa nito eh. kaya di ko mawari kung ano ang malaking bruhaha sa gastusing ito. bawat buwan, abunado muna ang bawat indibidwal. kaakibat nito ang di naman kailangang stres na dala ng pag-aabono gayong dapat ay sinasagot na ng kumpanya ang paroo't parito at maski ang papatse-patseng gastos. pero dahil nga gayon na ang nakagawian, o di sige na nga… payag na ang lahat. pero di na makatarungan kapag busisiiin ng todo at hindi payagan ang pagbabayad ng regalo sa isang taong naglingkod naman ng maayos. masahol pa rito, atrasado ang pagbusisi ng dalawang buwan kaya puwedeng di na ako mabayaran sa mga gastusing ito. peste.
anu't anuman, ang gastos ay gastos. bayaran ang bawat aytem. simple.

No comments:
Post a Comment