
nang tumagal-tagal na, natamad na akong bitbitin ang mga labahin ko at isakay ang mga ito sa mrt at fx pauwi ng novaliches. naghanap kami nila chukie, sands at charm ng palabahan sa banda ng macabulos. una naming nakita ang nasa malvar. mabango ang kanilang labada, maayos ang pagtutupi at di gaanong durog ang mga damit. pero iniistapleran nila ang mga etiketa ng damit para kilalanin ang mga damit. sa isang salita, pinaghahalu-halo nila ang mga ito at di isinasalang ayon sa kung sino ang may-ari lamang. may pagkakataon ding nastapleran ang isang kamiseta kong galing kay ate ne, hindi sa etiketa kundi sa bandang kwelyo. nabutas ito kaya pinabayaran ko ito sa kanila ng libreng plantsa't laba. pagkatapos nito, di na ako umulit sa laundryshop na ito sa malvar.


nang lumipat ako sa fine home, di na maaaring pumunta si ate josie. wala kasing maayos na labahan at wala ring sasampayan kundi sa roofdeck. kaya bumalik ulit ako sa palabahan. 'yung unang dalawang nirekomenda ni kuya jun ay maayos sana maglaba. pero nawalan ako ng mga damit, lalo na 'yung pink na polo at artwork na t-shirt, bukod pa sa mga dalawang kabiyak ng medyas. nagpa-dry clean din ako ng barong ngunit tinanggal nila ang mga butones nito sa mga himelo at di na naibalik ang mga orig. kaya lumipat ako sa isang laundryshop sa kamagong. pero laging nakasimangot ang delivery boy nito kaya lipat ulit ako. ok na sana sa bagong ito. bagamat di gaanong mabango ang kanilang laba, wala namang problema sa kanilang serbisyo. puwede pa ngang "to follow" ang bayad kasi madalas kaysa hindi, nai-deliver na ang labada ko bago ko pa malaman kung magkano ang babayaran ko. pero nitong nakaraang linggo lamang, di nila kinuha ang labada ko gayong sabado pa lang ay sinabi ko na sa guard na ipapikap ito sa kanila. lunes ng gabi na pero di pa rin kinukuha at sabi pa ng bagong guard ng fine home, di raw ako kilala ng mga tao rito. nagkataon namang may bagong laundryshop daw na sumeserbisyo sa buong bilding. dahil sa kunsumi ko sa di pagkuha ng labada ko, sinubukan ko itong bago. maayos naman kausap si ate, mabango ang labada, mukhang di gaanong gusot ang mga damit at naka-innova sa pagde-deliver ng mga labada! sinubukan ko ring ipa-dry clean ang matagal ko nang di nagagamit na jacket. sana ok naman ang kahinatnan.
sa labanderya, basta maayos ang laba, mabango ang mga damit at di gaanong durog o gusot ang mga ito, ok na ako. mas lalong ok kung nakangiti ang mga tauhan at magiliw ang mga ito. pero siyempre, mahalaga rin na matanggap mo ito sa tamang oras… kundi wala kang maisusuot. maski sa anumang serbisyo, hanap lang naman natin lagi ay 'yung maayos, walang anumang bahid ng panlalamang o panlilinlang.
2 comments:
ang haba naman, sumakit angmga mata ko sa pagbabasa.hay, balik labada ako ngayon, kasi ang tagl magbalik ng laundry shop na suki namin. pero mukhang magpapalaba ulit ako sa kanila, kasi biyak biyak na naman ang mga kamay ko.
'te joy, snapshot yan ng over a decade kong experience with palabahan and visiting labandera! hehe!
naku, mahirap talaga maglaba! ipalaba mo na 'yan sa kanila. (",)
Post a Comment