mula san antonio village sa makati, di dapat lalagpas ng 120 pesos ang pagsakay ng taxi, papuntang bonifacio global city. sobrang matrapik na sa jupiter kapag sumampa ng 120 ang pamasahe ko. saulado ko na ang patak ng metro dahil sa araw-araw kong halos na pagtataxi papasok sa malayong opisina namin.
pero nitong araw na ito, 141.50 pumatak ang metro! karaniwang bigat lang naman ng trapik ang mayroon ng hapong ito kaya nakapagtatakang 141.5 ang kailangan kong bayaran. sobrang bilis ng patak ng metro ng taksing ito. nang sabihin ko sa drayber na masyado yatang mabilis ang patak ng metro niya, may resibo naman daw na ibibigay. di porke may resibong ibibigay, maaari nang manlamang sa kapwa. mga pilipino talaga.
may mga drayber ng taxi na talagang kawatan, kaya't dapat na iwasan ang mga ito. isa na rito ang r. eusebio taxi na may plakang UVA-598. mai-report nga ito sa LTFRB.

No comments:
Post a Comment