may lagim nga bang dala ang ika-29 ng pebrero? kada apat na taon lang dumarating ito, kaya sabi ng iba may kung anong di maipaliwanag na kababalaghan ang nagaganap. maaaring suwerte sa iba, sa iba naman malas.
sa akin, mukhang malas. 'katapos lamang ng masarap na hamburger date namin sa brothers burger, may isang wala sa hulog na taong tumawag sa akin para lang magsabi na isumite ko ang isang bagay na dapat ay mayroon na sila.
wala akong maisip na maaaring gumawa ng wala sa katwirang bagay na tulad nito kundi ang isang kokey. kagagawan ito ng kokey. kokey na wala yatang plano sa buhay kundi pilitin ang buong mundong umangkop sa kanya. ipilit ang bawat naisin. walang galang sa oras ng iba, basta-basta ang sapilitang utos.
ahora es año bisiesto. leap year. sana'y katulad ng paglipas ng ika-29 ng pebrero, lumipas na rin ang kokey. bagamat muling babalik ang bisiesto sa 2016, apat na taon pa naman ang bibilangin. kung sakaling may kokey pa, malayo pa naman 'yun. ang mahalaga ngayon, mawala ito sa landas ko. gudnayt.