mala-game
of thrones talaga ang epikong bunga ng dementora. gaya ng sa hunger games, isa-isa
talagang nalalagas ang mga kawan ng i panget death squad. siyempre, punong
abala sa pagsawata ng mga tao ang nag-iisang kapangitan. sino ang pinakahuling
sumuko? ang nag-iisang hetty kitty.
kinawawa
kasi ng dementora si hetty kitty. kesyo di raw niya alam kung ano ang
pinaggagawa nito. baka raw hindi siya nararapat na maging piyon ang isang ito
dahil wala nang ginawang tama, puro mali at puro palpak. wala na raw pag-asa
ito at hinatulang ihatid na sa golgotta kundi rin lang mag-iisip na lumayas.
handa
na nga si hetty kitty. may petsa na nga ng kanyang paglisan. di na raw niya
kaya pa ng isang kwarter. masikip na raw ang kanyang dibdib. nanunuot daw ang lasong
dulot ng dementora. sadyang iba ang sapi ng dementora. maging sa paggising
niya, nangungunsensya na raw ang mandragora.
ok
na sana nang dumating ang isang amasonang gapura. may edad na ito kaya nga baka
may panlaban sa kamandag ng mandragora. kung nandiyan nga naman ang amasonang
gapura, may panangga si hetty kitty sa direktang lason ng mandragora. pero
hindi rin nga kinaya ng amasona. suko rin ito. kaya magmula noong kalagitnaan
ng taon, pirmi na ang paglason ng dementora kay hetty kitty. direkta at wala
itong patumangga.
kahit
na nga walang tiyak na patutunguhan, ok na raw ang pag-alis ni hetty kitty. kahit
pulutin pa siya sa labas ng kaharian, ok lang. basta makaligtas lang siya sa
galamay ng mandragora.
sa
kabutihang palad, natagpuan ni hetty kitty ang isa pang kaharian. nagbukang-liwayway
para kay hetty kitty at dagli siyang hinainan ng hapag. may lugar daw para sa
kanya sa bagong kahariang ito, ok na raw sa reyna. kaya naman agad-agad na
nagpasabi si hetty kitty sa mandragora. pero may angking kapaitan talaga ang
mandragora. may kung anu-anong demanda pa ito laban kay hetty kitty. dapat daw
nitong tapusin ang paggalugad dahil wala nga raw gagawa nito. siyempre nga
naman, lahat na lang nagsilayas. may isa sa gapura, may isa ulit sa malaya. iilan
na lang ang matitibay na natitira sa iskwad. pero lahat ay yumukod na.
maligayang
paglayas para kay hetty kitty. di na niya kailangan pang umibang bayan. malapit
lang at may kasanayan naman siya sa bagong pakikibakang kanyang haharapin. higit
sa lahat, ilang buwan na lang at tuluyan na siyang makakawala sa galamay ng
mandragora.
sino
ang tatagal? sino ang mananatili? gaano katagal? sino ang magkakamit ng
pinakaaasam na medalyang gawa sa ugat ng mandragora?!
No comments:
Post a Comment