Tuesday, January 27, 2015

santo papa

dumalaw nga si pope francis dito. higit isang linggo na ang nakalipas. ayon sa marami, ang pagbisitang ito ng papa ang muling nagpatibay sa pananampalataya ng maraming pilipino. sa mga nakapanayam ng iba't ibang grupo ng midya, ninais ng maraming pinoy ang masulyapan ang santo papa dahil para sa kanila, nabasbasan na sila nito kahit na isang kaway lang ng obispo ng roma. bilib ako sa mga di natinag ng malakas na ulan, maging sa tacloban o sa luneta. walang tindi ng ulan o hangin ang nagpauwi sa mga mananampalataya. di rin napayuko ng bolyum ng tao ang mga nakipagsiksikan sa luneta, makadalo lamang sa misa ni pope francis. 

higit sa anim na milyong katao ang nagsipagtipun-tipon sa quirino grandstand at sa lahat ng paligid nito. ayon sa kapulisan, punung-puno ng tao maging ang paligid ng burgos street kung nasaan ang national museum, ang kahabaan ng taft avenue hanggang sa sm city manila, siyempre ang t.m. kalaw street at maging ang kahabaan ng mabini... lalo na sa roxas blvd. kung saan ako tumigil.

sabi ko nga, tila naging mabait ang mga pilipino sa loob ng 5 araw. mas naging mapagbigay tayong lahat. higit sa lahat, naging disiplinado ang mga tao. walang anumang tulakan o aberya sa bawat motorcade ng santo papa. bukod sa aberya sa pagpasok sa luneta, naging mapayapa ang malakihang pagtitipon at matiwasay ang bawat programang ginawa. siyempre may mga umeksena ring gaya ni marlene aguilar at mga patama ng ilang sektor ng relihiyon. pero di na nga siguro ito maaalis sa mga pinoy. mayroon at magkakaroon talaga ng hirit na wala sa hulog... bahagi ng masalimuot na demokrasyang pinoy.  






anu't anupaman, tagumpay ngang matatawag ang pagbisita ni pope francis. sabi nga namin, ano ba naman 'yung gawing dalawang linggo ang susunod niyang pagtigil sa pilipinas. maliit na bagay, hahaha! malaking pasasalamat sa apostolikong dalaw ni pope francis. sa susunod po ulit.

No comments: