Friday, June 26, 2015

pangit na ito

bulugang katawan
mukhang di nanaiisin ninuman
kutis na sing-itim ng kawaling naulingan.

malamyos nga ang tinig
ngunit sa telepono lang dinig
delikado ang sinumang sasandig.

puno ng arte ang katawan
nuknukan ng kawalanghiyaan
namumutakti sa kabalighuan.

ngayon ay bumabalong ang inggit
tangan ang kapasidad na magdulot ng ngitngit
walang habas na manggigitgit.

nais pumaimbulog
sana raw ay umayon sa kanya ang bilog
pero wala naman sa tamang hulog.

walang problema kung pangit lang
di rin isyu ang mukhang bulanglang
kung ang mga ito lamang ay ok lang.

pero dapat lumugar sa kalagyan
di dapat maghasik ng kalagiman
matutong magpakumbaba't makipagtulungan.

sa magandang asal lang maaaring sumandig ang pangit
kung wala nito ay lalo ka lang papangit
pangit na nga ang hitsura, pati ugali'y pangit.

o pangit, kailan ba bubuka ang lupa
o pangit, nasaan na ba ang pangil ng la lupa
o pangit, bakit nasa ibabaw ka pa rin ng lupa?


nawa'y marinig mo ang mga salita ni danny javier ng apo hiking society:

KAPAG PINANGANAK KANG PANGIT
HUWAG KA NANG MASUNGIT
KAPAG IKA’Y LAGING MASUNGIT
LALO KANG PAPANGIT
HINDI BAGAY MAGMASUNGIT ANG PANGIT

No comments:

Post a Comment