HUWAG KA NANG MASUNGIT
KAPAG IKA’Y LAGING MASUNGIT
LALO KANG PAPANGIT
HINDI BAGAY MAG-MASUNGIT ANG PANGIT
- Danny Javier, awiting Salawikain ng Apo Hiking Society
bakit nga ba may mga taong pagkainis lamang ang alam idulot sa kapwa? may gana pang magmalaki, gayong di naman nabiyayaan ng angking kagandahan... ga-butanding na katawan, balat na tadtad ng pilat at sing-itim ng puwet ng kawa. haaay!
maigi na sana kung talagang di maganda, ngunit may kaaya-ayang pagkatao at walang bahid ng pagiging hambog.
ngunit kung nakasusuklam na nga ang hilatsa ng mukha, maging ang gawi ay nakaririmarim at makapagpapa-baligtad ng sikmurang kumakalam, lalo na kung ang pakiramdam ng indibidwal na ito ay hulog siya ng langit sa mga taong nakapaligid sa kanya... labis-labis na yata! naroon pa ang pagbabalat-kayo, nagkukubli sa likod ng malamyos na tinig, ngunit ang katotohanan ay may matalim na dila, mapanirang mga paratang at sapin-saping mga kabulaanang walang saysay.
bagamat hindi tama na manlait ng tao, lalo't higit tungkol sa hitsura, di maiiwasang magbitiw ng salitang masakit sapagkat nakapanginginig ng laman ang mga taong tulad nito. di na lang tularan ang payapang pamumuhay ng ilan sa mga great apes.
nararapat lamang na umiba ng direksyon at iwasan ang mga ganitong tao. hangga't maaari, limitahan ang talastasan o anupamang uri ng komunikasyon. sadyang pagwawaksi ng panahon kung patuloy ang pakikitungo.
No comments:
Post a Comment