Friday, January 25, 2008

talo

pagkaraan ng halos dalawang linggo, tapos na ang aussie open ni rafael nadal ... sayang! haaaay... malaki sana ang pagkakataon niyang manalo ng isa pang slam bukod sa roland garros... ngunit sadya yatang malayo ang galamay ng mga bathala kahapon at napatumba siya ni tsonga! ang tsonga-tsonga, sabi nga ni zel! hahahaha!

nakagawian ko nang 'wag panoorin ng live ang mga laban ni rafa, dahil ayon kay zel, inaabot ng kamalasan ang laro sa tuwing nanonood ako. dahil doon, sa mga replays ko lang napanood ang lahat ng panalo niya, lalo na sa french open. ngunit iba ang araw na ito... hindi ko na nga napanood, maski ang pagtaya ko sa live scores sa website, ipinagpaliban ko na rin! natalo pa rin... tsk, tsk, tsk...

kailangan pa ng ibayong pagsasanay ni rafa, lalo na sa hardcourt. ngunit, mahusay na estudyante si rafa. sa tuwing may pagkatalo, asahan mo ang pagpapabuti sa laro sa susunod na torneo.

ang malas nga naman 'pag inabutan ka, hahabol maging sa ibang aspeto ng buhay!
mula sa sports.yahoo.com/ten:

Open-Nadal suffers further discomfort on flight home

MELBOURNE, Jan 25 (Reuters) - Less than 24 hours after being dumped out of the Australian Open by a rampant
Jo-Wilfried Tsonga, world number two Rafel Nadal has again been bounced -- back into economy class on his flight home.

The three-times French Open champion was thumped 6-2 6-3 6-2 by the unseeded Frenchman in the semi-finals on Thursday and turned up at Melbourne Airport for the long flight back to Spain on Friday.


Unfortunately for the multi-millionaire, who had a business class ticket through to Barcelona, he was told the connecting flight in Singapore was full and he could be forced to travel in economy back to Europe.
"The business class is full out of Singapore. He has a business class ticket out (but) he is only in economy," Nadal's agent Benito Perez-Barbadillo told Australian Associated Press.
Nadal was on the waiting list for business class for the connecting flight, Perez-Barbadillo said.

bagamat umuwi na si rafa sa mallorca, papanoorin ko pa si maria sharapova, ana ivanovic at novak djokovic!

3 comments:

same old kamote on top said...

umaasa akong malalampasan ni rafa ang isang katulad ng tsonga na yan....hayyyyy...mas maganda at exciting sana ang finals ng australian open kung c rafa at kahit sino pa man...hindi bale there is always the french open to forward to at yan walang mintis tataya ko ang pera kong kaunti sa bulsa its RAFA!

dyoobshvili said...

tataya mo talaga ha? 'alala ko, sabi mo, buo na ang loob mo na si rafa na ang nasa finals ng aussie open, pero ano ang nangyari?!! but i really do hope that rafa will be able to retain his french open crown, and finally win wimbledon!

same old kamote on top said...

again again again...nyahahaha...ako ay isang tao na tulad mo jal na fan ng tennis ngunit hindi marunong maglaro, sa katotohanan marami akong pinapanuod na palakasan na hindi ko kayang laruin....pero si RAFA nasilat ng isang tsonga jusmio corazon ang laking usapin yun sa akin..kunsabagay matalinong bata iyan hindi nauulit kay RAFA ang mga ganung pangyayari...beware the king of clay is coming!