Saturday, April 14, 2012

epal

kailangan ko raw umepal. magpalapad ng papel. ito ang gusto nilang mangyari. epal sa mga pagkakakitaan. umepal sa halos lahat ng mga bagay. epalan ang mga may potensyal na proyekto. palaparin ang papel sa mga matataas at tagabenta. epal. pero paano kung di ito ang nakikita mo para sa iyong sarili? paano kung hindi ito ang nais mong tahakin?

ok lang umepal sa mga kagaguhan. o kaya sa mga lokohang wala namang saysay. parang sa araw-araw na lokohan sa opis. jal da epal nga ang bansag sa akin ni zel eh. karami na ring mga hapening ang umusbong dahil sa kaepalang ganito. marami sa mga pakulong ito ay naging masaya. mayroon din namang pinagmulan ng usap-usapan.
pero ang maging maepal sa tuwirang mga trabaho, dayuhang konsepto para sa akin. di 'ata kasi ako 'yun eh. tagal ko na ring nagtatrabaho. pero di sumagi sa isip ko ang magpalapad ng papel. o di kaya ay mamulitika para lang umangat o mapansin. naniniwala kasi akong 'pag ok ang awtput mo, mapapansin at mapapansin ka rin. di na kailangan pa ang agresibong pormula para ka makakita ng ingkris. pero dahil din sa ayaw ko ngang umepal, nauri rin ako minsan na di "go go go" at nanganib na di mapromowt. pero di ito nangyari. nanaig ang mas malalim na epekto ng mabuting gawa. kaya naman umangat na rin kahit paano.

sa paglaon, mukhang sa pag-epal din unti-unting nauuwi ang karir. ito kasi ang buod ng lahat ng mensaheng natatanggap ko. kesyo di raw dapat maupo lang sa lahat ng panahon. dapat raw ay maging mas agresibo sa pamemera. kung kailangang makipagtalo, gawin daw.

ok. puwede kong subukan. epalan ang mga bagay-bagay. subukan nga nating magpalapad ng papel. di ko rin naman malalaman ang resulta kung di susubukan, di ba? sige na nga. wan taym lang. balitaan kita.

2 comments:

Joy Mendiola said...

nag hirap maging epal...kaya di ako makatagal sa work...di ko kayang umepal...dapat talaga ako, ako ang boss. hahahaha.

dyoobshvili said...

mahirap nga ata, te joy. pero sinusubukan ko. hehe!