lunes ng hapon. pagkatapos ng ura-uradang misa sa simbahan ng ina ng awa sa bayan (novaliches), papunta kami sa sm fairview. may fx pero naniningil ito ng 150. kaya nagdyip na lang kami. sa loob ng dyip, wala namang kakaibang pakiramdam. masaya ang huntahan at walang di kaaya-ayang kasakay.
nang tuluyang umusad ang dyip, kumuha pa ito ng pasahero sa paglagpas lang ng jordan plains. at walang anu-ano'y bigla na lang may humablot ng hikaw ni ate she mula sa labas. magkatabi kami ni ate she at ni hindi namin parehong naramdaman ang pagdukwang ng kamay nito. halos mabilis pa sa malikmata ang kamay nito. sa isang pindot ay nakuha agad ang isang hikaw.
bagamat kagaganap pa lang ng krimen, ang unang pumasok sa isip ko ay pasasalamat. salamat na di nasaktan si ate she at walang ibayong pahamak sa aming lahat. sa akin, ano ba naman 'yung isang hikaw kung ibubuwis mo ang buhay o kaligtasan para rito. pumasok din sa isip ko ang sabi ni mama dati na kapag ang isang bagay ay nawala o nahablot mula sa iyo, isa lang ang ibig sabihin. ito'y di talaga para sa iyo. may iba pang mas malaking bagay na nakalaan sa iyo.
sabi ng iba naming kasakay sa dyip, madalas daw talaga ang mga ganitong eksena sa lugar na 'yun. walang pinipili ang masasamang loob, maski sa maliwanag at mataong lugar ay handang maghasik ng lagim at mambiktima. mukha ngang lumalakas pa ang loob ng mga ito dahil sa mataong lugar, agad nilang iisipin na walang maglalakas ng loob na hantingin sila. maski ako, di ko pag-aaksayahan ng panahong habulin pa ang mga ito. maraming kasapakat ang mga ito sa buhul-buhol na mga iskinita ng bayan. labas-masok din ang mga ito sa presinto ng kapulisan at siguradong wala ring maihahaing rekomendasyon ang mga pulpol na mga pulis dito. higit sa lahat, walang mawawala sa mga halang na kaluluwang naglipana sa matataong lugar tulad ng bayan sa novaliches. di magdadalawang-isip ang mga itong magdulot ng ibayong pinsala sa iba upang hindi mapanagot sa kanilang kasalanan. buhay na nila ito at sa panlalamang sa kapwa na umiinog ang buong buhay nila.
sa mga ganitong pagkakataon, mas kaaya-aya siguro kung malalambat ang mga halang na kaluluwa at humarap sa parusang matindi. gaya ng ipalapa sa mga buwaya sa palawan! higit na magkakaroon sila ng silbi sa lipunan sa ganitong paraan. sa pagiging pagkain ng mga buwaya, lalago ang industriya ng pagbubuwaya at higit na marami tayong maibebenta sa pandaigdig na merkado ng mga produktong gawa sa balat ng buwaya. kasabay nito, mawawala ang mga pabigat sa lipunan at mauubos ang mga masasamang loob sa mga kalsada ng metro manila. magiging higit na payapa ang ating mga damdamin at mas darami ang mga turistang pupunta rito sa pilipinas.
bakit ba kasi hanggang davao lang ang batas ni mayor duterte? sana pati sa metro manila ay may duterteng kamay na bakal na pupulbos sa mga likaw ang bituka.

1 comment:
dami na talagang masasamang loob ngayon. tsk tsk.
Post a Comment