Saturday, August 31, 2013

cine europa

cine europa 2013 will again be hosted by shangri-la plaza. this will be from september 5 to 15 at cinema 2 of the shang cineplex. these are my choice films:

Title: A Royal Affair
Country: Denmark
Schedule: September 5 (Thursday) at 12 NN; September 10 (Tuesday) at 8 PM
Synopsis: A true story of an ordinary man who wins the queen’s heart and starts a revolution. It centers on the intriguing love triangle between the insane Danish King Christian VII, the idealistic royal physician Struensee and the young but strong Queen.

Title: Barbara
Country: Germany
Schedule: September 5 (Thursday) at 3 PM; September 12 (Thursday) at 3:30 PM
Synopsis: About nine years before the fall of the Wall, Barbara, a doctor from Berlin, applies for an exit permit but she is arrested and transferred to a provincial hospital. When the day of her escape finally arrives, Barbara makes a surprising decision.

Title: Pranzo Di Ferragosto (Mid-August Lunch)
Country: Italy
Schedule: September 6 (Friday) at 3:30 PM; September 11 (Wednesday) at 5:30 PM
Synopsis: A middle-aged man suddenly turns into a nanny for an assortment of ill-matched, old ladies during the traditional Italian holiday weekend.

Title: La Stanza Del Figlio (The Son’s Room)
Country: Italy
Schedule: September 6 (Friday) at 5:30 PM; September 12 (Thursday) at 1 PM
Synopsis: The story of a family having to face tragedy and their extenuating and heart-rending period of mourning.

Title: Nedodržaný Sľub (Broken Promise)
Country: Slovakia
Schedule: September 7 (Saturday) at 8 PM; September 14 (Saturday) at 7:30 PM
Synopsis: A powerful cinematic retelling of the real life story of Martin Friedmann, a talented Slovak Jew soccer player who escapes death through luck and his talent.

Title: Svinalängorna (Beyond)
Country: Sweden
Schedule: September 8 (Sunday) 12:30 PM; September 13 (Friday) at 1 PM
Synopsis: Set both in the present and in the southern Swedish town of Ystad in the 1970s, the film is a gripping story of a woman’s confrontation with memories from her troubled childhood.

Title: Kautokeino-opprøret (The Kautokeino Rebellion)
Country: Norway
Schedule: September 8 (Sunday) at 7:30 PM; September 13 (Friday) at 3:30 PM
Synopsis: The movie examines the events following the eve of November 7, 1852, when 57 of the Sami people, men, women and children head for Kautokeino to spark a revolution.

Title: Musíme si Pomáhat (Divided We Fall)
Country: Czech Republic
Schedule: September 9 (Monday) at 3 PM; September 15 (Sunday) at 7:30 PM
Synopsis: When the small Czech town of Josef and Marie Cizek was occupied by the Nazi German forces during the World War II, the couple got accustomed in living a simple yet safe life until Josef meets with David Weiner, the young Jewish son of his former employer and the only surviving member the family. Fully aware of the extreme danger of harboring a Jew, the Cizeks cannot leave David to certain death and decide to provide refuge in their home.

Title: A Pas de Loup (With a Wolf’s Gait)
Country: Belgium
Schedule: September 9 (Monday) at 5:30 PM; September 14 (Saturday) at 5 PM
Synopsis: Six-year-old Cathy receives magic seeds during one of her dreary countryside weekends with her parents. Curious and excited, she decides to stay behind, alone, until she realizes that her parents will be worried and will start looking for her. She is afraid to be severely punished for this big mistake, and she runs away into the forest where she gets lost.

Friday, August 30, 2013

arabela

mamili ng mga sapatos at tsinelas talaga ang ipinunta namin sa liliw, laguna. mura kasi at matibay. nakabili na nga ako ng isa n'ung unang punta namin doon. kaya punta ulit kami baka kasi makakita ulit ng magugustuhan. pero hindi ito nangyari! nakita ulit namin ang mura't masarap na barbikyu kaya kain muna ulit... kahit na nga busog na busog pa kami mula sa palaisdaan sa tayabas, quezon. pagkaliko, nakita naman namin ang arabela! wala na ito. kumbaga, nagkasubuan na (kuno!) eh. nasa liliw ka na rin lang, bakit di pa subukan ang pamosong matatamis mula sa pamosong kainan na ito. kaya ayun, kain ulit. 

cake ang nilantakan namin sa arabela. bukod sa wala na ngang lalagyan sa aming mga tiyan ang pasta o anumang may kanin, kahit man lang daw cake ng arabela ay masubukan namin. nasa baba ang sampol at pruweba ng sikat at patok na mga cakes ng arabela! sa susunod ulit.

Thursday, August 29, 2013

Da Vinci

dumating na nga ang paham na si leonardo da vinci sa manila at ito ay sa pamamagitan ng eksibisyong da vinci – the genius sa the mind museum. ito na raw ang pinakakomprehensibong eksplorasyon ng pamana ni da vinci na gawa ng grande exhibitions australia. may halos 200 na mga gawa ng henyo ang makikita sa eksibit. mula sa kanyang mga likhang sining, pandigmang kagamitan, mga kodisyo, at maging mga prototipo ng mga makinang panlipad. kagabi, saksi kami nila ate joy at chumcie sa selebrasyon para sa isa sa impluwensyal na mga indibidwal sa kasaysayan ng tao. di matatawaran ang ambag ni da vinci sa kabihasnang mayroon ang mundo. mantakin mong ilang daang taon pa ang bibilangin pagkaraan ng kanyang kamatayan ngunit inilatag na niya ang batayan para sa modernong imbensyong tulad ng parakaida, elikoptero, eroplano,  bisikleta, otomobil at maging submarino. lahat ng ito’y nagkaroon ng malalim na impluwensya at nagbigay-daan sa modernong pamumuhay na alam natin ngayon.



nakatutuwa ang interaktibong ekperiyensya sa the mind museum. bawat sulok ng eksibit ay nakatuon sa  isang tapyas ng pagkahenyo ni da vinci. bubulaga sa iyo ang ikonikong mga dibuho ni da vinci tulad ng mona lisa at the last supper, habang ihahaylayt naman ng ibang porsyon ang kanyang mga imbensyong pangmilitar, akwatiko, paglipad, mga ilustrasyong pang-anatomiya at marami pang iba. di ko na nga napansin ang mga kawikaan sa pasukan ng eksibit kaya bago umalis ay binasa ko ang mga ito. maaaring may pinagdadaanan lang ako sa buhay-trabaho kaya napukaw ng mga linyang ito ang aking atensyon ngunit akma pa rin ang mga aksyom na ito sa pang-araw-araw na buhay hanggang ngayon:

every now and then go away, have a little relaxation, for when you come back to your work, your judgment will be surer. go some distance away because then the work appears smaller and more of it can be taken in at a glance and lack of harmony and proportion is more readily seen.

experience does not err. only your judgments err by expecting from her what is not in her power.

alam kong hindi mamuseo ang mga pinoy tulad ng ibang lahi. pero hindi dapat puro sa mga mall ubusin ang enerhiya, pera’t panahon. maano ba namang kumultura magkaminsan at paganahin ang analitikal na bahagi ng utak. magandang simula para sa lahat ang mind museum at ang bago nitong eksibit kay da vinci.  

Wednesday, August 28, 2013

bully

just had to repost this article. thanks, greatist

Bullies vs BFFs: Why Hostile Workplaces Are Destroying Productivity

On the playground, she’s mean. She laughs at our lisp and calls our pigtails ugly. She gets a bunch of her friends to stand in our way when we try to climb the jungle gym.

Flash forward 20 years and, finally, we can wear whatever we want and walk confidently down the street. That is, until 9 a.m., when we skulk past her corner office and pray she doesn’t scream at us for making a mistake on our latest project. The bully is back.

Across the U.S., workplace bullying is on the rise. The trend has some obvious negative consequences in the form of stressed and unhappy employees. But the ramifications of workplace bullying go beyond tearful staff members hiding out in bathroom stalls. Hostile workplaces often lead to less productive employees and therefore less successful companies. It might seem too simple, but perhaps the most effective way to increase job performance is to make sure everyone gets along.

What’s the Deal?

Stress Addiction_postThe term “workplace bullying” encompasses a pretty wide range of situations, but in general, it refers to repeated, health-harming mistreatment of one or more people that can include verbal abuse, offensive nonverbal behaviors, or interfering with someone’s ability to get work done. Over the last few decades, the number of people who’ve admitted to being the target of workplace bullying has increased drastically. In 2011, half of employees in one survey said they were treated rudely at least once a week, an increase of 25 percent from 1998. (Recent research also suggests that physically unattractive people are more likely to be bullied at the office.) Many people say the experience of being bullied has caused them to develop health issues such as anxiety and depression. Some have even left their jobs.

While it’s becoming increasingly obvious workplace bullying is a problem, it’s not entirely clear why bullying is on the rise. Some researchers say the recent economic downturn has put undue stress on bosses, causing them to lash out at employees. Many workplace bullies also score high on tests of narcissism and self-orientation. But those who are rude in the workplace aren’t necessarily self-absorbed tyrants. Some of us are so overwhelmed by our work responsibilities that we don’t even realize when we’re being rude to others, says Dr. Christine Porath, a Georgetown University professor who studies workplace incivility.

In spite of their negative qualities, workplace bullies often get away with abuse, receiving positive evaluations from their supervisors and moving up in the office food chain. As of now, there’s no legal way to stop them — federal law doesn’t prohibit workplace bullying. But since 2003, individual states have been lobbying the government to pass the “Healthy Workplace Bill,” legislation that would officially label and work to prevent workplace bullying.

Why It Matters

Aside from pushing for federal legislation, Porath says it’s not easy to convince already-overworked business leaders to pay attention to the issue of workplace bullying. The key, she says, is showing them how incivility takes a toll on productivity by talking in terms of dollars and cents.

There are in fact statistics suggesting incivility at the office hurts a company’s bottom line. As the incidence of workplace bullying increases, rates of employee engagement are plummeting. According to one report, less than a third of American employees say they’re engaged at work. And a survey conducted by neuro drinks found that only nine percent of people say they’re happy at the office.

It’s hard to say for sure that a hostile office directly causes people to be less enthusiastic about their work (the relationship might go the other way), but research suggests that, in general, an uncomfortable workplace makes people less engaged, less productive, and ultimately less likely to stay at their job [1]. It also makes them more likely to treat their coworkers poorly: Those who stay at their workplace after being bullied often end up becoming bullies in turn, says Greatist Expert and psychologist Dr. Michael Mantell.

It doesn’t end there. Employees who feel undermined at work are more likely to be stressed and to miss work for health reasons. And getting the death glare from a coworkerwon’t stimulate innovation: Employees are significantly less creative when they feel disrespected. Hostility is even a problem for those who aren’t directly affected: One study found that just watching someone get bullied at work is linked to depressive symptoms [2].

Perhaps most troubling is the fact that those who experience or witness bullying might not have anywhere to seek support. Compared to older generations, fewer Gen Y-ers (people between the ages of 18 and 34) are making close friends at work. That’s a big problem, given that research suggests support from coworkers can buffer the effects of work stress and boost job performance [3] [4] [5]. Employees who say they have close friends at work are also more likely to be engaged at work and to stick with their current job.

The Takeaway

The good news is that recent research on workplace bullying has paved the way for efforts to prevent it. Mantell helps train managers in workplace harassment prevention, teaching leaders how to investigate the situation when someone reports workplace bullying and discipline the alleged bullies.
Ultimately, when it comes to creating a healthier workplace, it’s important to give employees resources before bullying actually occurs — whether that’s establishing a social support network or just learning how to label workplace incivility. When someone does feel bullied at work, it’s important to stay calm and turn to a trustworthy coworker or superior. Moreover, the target of bullying should continue to focus on producing her or his best work. “You can’t change the bully,” Mantell says, “but you can prevent yourself from being a victim.” 

Got something to say? Share your stories in the comments below or tweet the author at @ShanaDLebowitz.

Sunday, August 25, 2013

aroi

masarap, delicioso, aroi mak! 'pag bumiyahe ka talaga sa bangkok, sari-saring masasarap na pagkain ang puwede mong i-try. ilan lamang ang mga ito sa natikman ko nitong huli kong biyahe sa bangkok! makapagmeryenda nga muna. :)

million people march

--- LATEST ANNOUNCEMENT !!! ----
1. Tuloy ang Million People March
Sa Luneta Grandstand, 9am-2pm
2. We were heard but we want him to listen.
We have more to say.
- ABOLISH PORK BARREL
- WE DEMAND TRANSPARENCY AND ACCOUNTABILITY

----------------------------------------------

TARA LET'S DO THE MILLION PEOPLE MARCH TO LUNETA! AUGUST 26, ARAW NG MGA BAYANI

WE, THE TAXPAYERS, WANT:
1. THE PORK BARREL SCRAPPED.
2. THE SENATORS AND CONGRESSMEN IN THE PORK BARREL FUND SCAM INVESTIGATED AND CHARGED ACCORDINGLY, WITH FULL MEDIA COVERAGE FOR THE PEOPLE TO SEE.

HOW: With a massive "pocket picnic" get together

WHEN: 26 August 2013, 9am

WHERE: In front of the LUNETA Grandstand

COLOR: ANY COLOR YOU CHOOSE, NOT DICTATED BY ANYONE OR ANY GROUP.

STATUS/MEME/TWEET: I am *NAME* PINOY ako. I pay my taxes, on-time & in-full. YOU, my government, owe me a full explanation. @ProtestaNgBayan

HASHTAG:#TayoAngBoss #OnePinoy #MillionPeopleMarch #ProtestaNgBayan

No group banners. No political colors. No Speeches.
Just ALL OF US ordinary, tax-paying people showing GOV'T THEY ANSWER TO US. TAYO ANG BOSS DITO.

We need this outrage, anger to reach critical mass. SPREAD THE WORD. REPOST."


'Yan ang Power ng Pinoy!

bakokang

may nagbabalik. hindi ito welcome pero nandito na naman ang bigat ng batok at sikip ng dibdib. tulad ng parehong buwan noong 2012, may kung anong bigat ang pakiramdam. tinatanong mo siguro kung bakit? wala nang iba pang rason. nagnanaknak na naman kasi ang bakokang ng lamanlupa. sa nakaraang dalawang linggo, walang puknat ang paghahasik nito ng lagim. di ba aalis na nga 'yung isang piyon, imbis na patapusin niya ang trabaho, inako ng pangit ang lahat. at dahil dito, sa mga maiiwan ikakaskas ang lahat ng negatibo at salangsang na pag-uugali.


walang habas ang pambabastos ng demonyong ito sa karaming palitan ng eletronikong sulat. ang kabutihan lang sa ehersisyong ito ng nakaraang linggo ay unti-unting napansin ng isang mandaragat ang tunay na ugali ng demona. sa mga taga-timog silangan lang kasi niya ginagawa ang magpadala ng mga walang galang at impertinenteng mga pahatid. alam kasi niyang hindi siya sisinuhin ng mga taga-ostralya at maraming beses na rin siyang inereklamo ng mga tao sa lupain ni psy. ayon sa mandaragat, matindi ang kagaspangan ng ugali ng demona at ito ay isang sorpresang di kaaya-aya. di niya siguro kasi binili ang tawag ditong malaking halimaw ng batabyana. pero ngayong siya mismo ang nakabasa sa walang pasubali nitong pambubuldoser sa mga kapanalig, siya na mismo ang tumawag dito bilang isang bully.

mukhang may aabangan tayong bagong yugto sa laro ng ipis peste demonyo at salot. ang tanong, hudyat na ba ito ng pagbabago o isa lang itong yugto na malilimutan din? alalahanin nating nagsasalita rito ang kuwarta. at siyempre, kapag usaping may kinalaman sa kaperahan, maaaring may magparaya. kung gayon, walang magbabago. pero kung dudulog ang mandaragat sa dambumbay sa isang pulong ng mga magsisinglebel, maaaring may mabago. di lang ang mga tulad ng batabyana ang makikinabang dito kundi maging ang mga mismong piyon ng mandragora ay makararamdam din ng ginhawa.


isang linggong bigat pa. bagamat inihahanda na ang sarili sa matinding istres sa 4 na araw ng huling linggo ng agosto, umaasa pa ring sana'y mabawasan ang siphayo.'wag sanang ganoon katindi. pakiusap lang.

Tuesday, August 20, 2013

difficult people

Difficult people create 50% of everyday problems. The negative behavior is primarily done to wear you down.

Corporate world is 101 on dealing with difficult people...

Dealing with difficult people is both physically and psychologically draining...

Work bends me out of shape dealing with difficult people...

When dealing with difficult people, never directly label any of their weaknesses, I realize that people here are very defensive...

 

A simple rule in dealing with those who are hard to get along with is to remember that this person is striving to assert his superiority; and you must deal with him from that point of view.

Dealing with difficult people, you learn compassion and patience.

When dealing with difficult people always remember, it is about them and their problems. Be compassionate.

Sometimes smiling and being nice is the best approach for dealing with difficult people. Muster up all the inner peace you can and try to be kind. The good karma is worth it.

 

I am thankful for the difficult people in my life.  They have shown me exactly who I don’t want to be.

Monday, August 19, 2013

janet napoles

ang bukas na liham ni ahenteng galit sa walang kaluluwang si janet napoles.


Pasensya ka na at sinulatan kita. Hindi na kasi ako makapagpigil. Hindi ako manunulat. Isa akong ahente ng kung ano ano, 18 years nq ako nagttrabaho, buong buhay ko ahente ako. Nagbenta na ako ng grocery items, plan ng cell phone, insurance, credit cards, kotse, kabaong, condo, barley, lahat pinatulan ko. May dalawa akong anak 6 at 9, babae pareho. Ang Mrs ko hindi ko na alam nasaan na cya kasi mula ng nag Qatar cya noon 2009 hindi na kami tinawagan. Sinulatan kita kasi galit na galit ako sayo. At sana kahit papano mabasa mo ito, kasama ng asawa mo, mga anak mo, mga kaibigan mo, at mahiya ka, mahiya ang mga kamag anak mo, mahiya ang mga kaibigan mo sa kawalanghiyan na ginawa mo.

Marami na akong nabasang pagnanakaw sa gobyerno mula sa pagkukurakot ni Marcos, nila Erap, Arroyo, lahat ng mga scandal na yan , pero ngayon lang ako talagang nagalit sa scandal mo. Lahat ng mga politiko kasi kahit papano may ginagawa kahit kurakot sila. Nasa linya nila yan. Sabihin natin na sa bilyon na na kurakot nila, pero kahit papano may tulay, may airport, may ospital o kalsada na nagawa, may mahirap silang pinakain, may mga batas na pinairal na nakatulong sa taong bayan. Ang San Juan pinaganda ni Erap at mahal na mahal cya ng mga tao doon kasi tinutulungan sila. Kahit si President Arroyo may mga ginawang reporma sa econimiya na nakatulong sa pagusad ng bansa natin ngayon. Eh ikaw, ninakaw mo lang ang pera ng mahihirap. Ghost deliveries, forged documents. Ginawa mo lang talagang tanga ang taong bayan. Para saan? Para mamili ka ng trentang kotse? Ilan ba kayo sa pamilya? Apat lang kayo diba? Bakit kailangan nyo ng trentang kotse? Iba ba ang sinasakyan nyo sa umaga, sa tanghali, at sa gabi? Ginawa mo cgurong lalagyan ng pera ang mga kotse na yan noong puno na ang bath tub mo ano? Lantarang ninakaw mo lang ang pera na nanggaling sa bulsa ng mga dukhang emplayado na katulad ko.

Mayabang ka kasi. Ano ba ang akala mo sa mga tao. Lahat kami tanga? Lahat kami mauuto sa kwento mo na galing sa Indonesia ang kayamanan mo?  Kung ako hindi tanga mas lalo na ang mga taga NBI at COA. Naniniwala ako na kahit corrupt ang karamihan na ng dyan, may mga tao dyan na totoong naglilingkod sa bayan, at ginagawa lang ang trabaho nila sa paghabol sayo. Nabasa ko na noong binunganga ka ng mga informants, naiyak ang isang taga NBI sa kwento. Alam mo kung bakit sya naiyak? Kasi itong NBI agent na yan katulad ko rin yan na bwan bwan naghahabol ng pambayad sa Merlaco, renta, insurance, matrikula, at pambayad utang. Naiyak cya kasi katulad ko hirap na hirap kami kumita, at ito ang kwento mo na sampung putanginang billion pesos ninakaw mo.

Hindi mo cgurong inakalain na papatulan ka ng NBI? Akala mo cguro mabibili mo ang lahat? Kaya gigil na gigil sayo ang NBI, COA, BIR, at cguro ang buong sambayanang Pilipino, kasi ilang pamilya na sana ang nakatawid kung ang 10 bilyon na yan ay napunta sa kanila, ilang studyanteng napaaral na sana, ilang sakong bigas ang nabili at napakain sa batang lansangan, ilang ospital na para sa mahihirap ang napatayo, ilang mga OFW na sana ang napauwi, ilang matanda na sana ang nabigyan ng mas magandang pensyon. Maraming buhay ang nasira nyo madam.

Magtago ka nalang. Kasi kung ako makita kita sa kalsada sasagasaan kita. At mainam na cguro malaman mo na hindi lang ako ang galit na galit sayo. Buong Pilipinas galit sayo. Wala kang puso magnanakaw ka.

Bwiset ka,
Ahenteng Galit

panic

aalis na nga ‘yung isa sa matataas na piyon ng demona. halos dalawang linggo na lang at tuluyan nang baba-bye ang isang ito. mas pinili niyang umiba ng direksyon kaysa manatiling kilalang kapanalig ng bungang-ugat.

ang siste, abut-abot ang panic ng demona. pinagmamadali ang lahat na magsumite ng mga bagay-bagay. di na inisip na may iba pang inaatupag ang mga tao sa iba’t ibang bansa. kasalanan ba ng ibang pangkat na bigo kang mapanatiling motibado't masaya ang sariling mga kapangkat?

bakit nga ba kasi nagmamadali? hindi dahil gusto niyang magbenta pero dahil gusto niya lang magmadali. may ligaya kasing dulot sa demona ang pangangarag nito sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. para itong bitamina’t mineral na nagbibigay ng enerhiya sa demona... mas maraming napapagod, mas maigi. mas marami ang nahihirapan, mas ok para sa kanya. higit na importante para sa demona ang maghasik ng di kailangang presyur.

tutal ikaw naman ang pinakamagaling sa lahat, bakit hindi na lang ikaw ang gumawa ng lahat? peste.

maring

umuulan buong araw kahapon. pagkagising ko pa nga lang, medyo matindi na ang ulan. umuulan pa rin nang subukan kong pumunta sa waltermart para tumingin ng induction heat cooker at bumili na rin ng makakain. naisip ko ngang medyo palpak ang pagpunta ko roon kasi di ako nakapagdala ng ecobag (bawal na rin ang plastic sa makati!) at baha na sa kahabaan ng pasong tamo paglagpas lang ng dela rosa. bumalik agad ako sa sa san antonio village. kumain at nanood ng tv. 

bandang alas-10 ng gabi, apaw na ang tubig-baha sa banuyo. ilalabas ko sana ang basura ko pero lagpas bukong-bukong na ang baha. walang patid ang ulan magmula nang makauwi ako mula waltermart. paglipat ko sa abs-cbn, itinaas na ng pagasa sa red level alert warning ang ulan. dahil dito, lubog na sa baha ang malaking bahagi ng kamaynilaan. hindi raw kumikilos palayo ng bansa ang bagyong si maring at pinalalakas pa nito ang habagat na nagdadala ng mabigat na buhos ng ulan sa kabuuan ng luzon.

alam kong mahihirapan akong makapasok ngayon dahil sa pagbaha. dama pa rin ang hagupit ni maring at maging hanggang sa mga sandaling ito, patuloy pa rin ang buhos ng ulan.suspindido ang klase sa lahat ng antas ng paaralan at maging mga trabaho sa maraming tanggapan ng gobyerno. siyempre, ayokong maglunoy sa tubig-baha kaya rito ako sa bahay maglalagi buong araw. mahirap ding iwanan ang bahay ko dahil nasa unang palapag ako. 'wag sanang magtuloy-tuloy ang malakas na buhos ng ulan at humupa na ang baha.

sa takbo ng mga bagay-bagay, minimum na isang malakas na buhos ng ulan ang paparalisa sa kamaynilaan. noong 2012, habagat sa agosto (6-7) ang kumana. ngayon naman si maring. kailangan talagang maging handa sa anumang banta ng kalikasan. buti na lang at may sapat na bigas at tubig, makakaraos ako sa mga susunod na araw. ingat.

cincy

panalo! panalo si rafa sa cincinatti masters. pang-26 na panalo sa masters series 1000, pangsiyam na panalo ngayong taon, pang-59 na titulo sa buong karera. panalo sa cincy. ang saya!

Sunday, August 18, 2013

pagsubok

Niloob ng Diyos na maranasan natin ang maraming pagsubok sa buhay. 
Ang mawalan, masaktan, mainis, magkamali at magkasala.

Hindi upang wasakin ang buhay na kaloob sa atin kundi upang matutunan natin ang umunawa, magbigay, magpatawad, magpakumbaba, magmalasakit at lubos na magmahal.


Sa bawat pagsubok na ating napagtagumpayan, kaloob nito ang ibayong sigla at tapang upang harapin ang hamon ng bukas na puno ng pag-asa. 

Mapagpala at mabiyayang araw!

the host

dala na rin siguro na wala naman masyadong pagpipilian, kaya ko pinili ang the host. baka kako magandang sci-fi movie, lalo na’t bida si saoirse ronan. pero hindi. walang umaatikabong aksyon o palaisipang iiwan ang the host. isa lamang itong istupidong romansa ng mga tinedyer sa gitna ng nagbabadyang pagsakop ng mga alien. ok din naman ang romance, pero sana katulad man lang ng sa gattaca.
 
maganda sana ang paksa. ‘ika nga, may promise ang premise nito. imadyinin mo na pangalawang klase na lamang ang sangkatauhan sa mundo pagkatapos manaig ng mga body snatchers. tinawag na mga “souls” ang mga nilalang na ito mula sa ibang daigdig na sumapi sa mga katawan ng tao at tuluyang lumukob sa mga ito. kinokontrol nila ang isip, emosyon at buong personalidad ng maykatawan. pero may mga taong nanatiling buhay kahit may soul na nagmamay-ari sa kanyang katawan tulad ng nangyari kay melanie (saoirse ronan), ang host ni wanderer. naririnig ni wanderer ang tinig ni melanie sa kanyang isipan.
  
sobrang mabagal ang pelikula. parang isa lamang itong parada ng mga eksenang hindi umigting at ni hindi nagkaroon ng anumang rurok. happy ending din ang kinauwian. napakaraming seeker pero ‘yun pala “di naman sila ganoon kasama”. katawa-tawa ang maraming eksena lalo na ang tangkang halikan sa pagitan ni wanda at jared. mahuhusay sana ang mga gumanap tulad nina william hurt, diane kruger, frances fisher at ronan. pero lahat sila ay naging biktima ng kawalan ng inspirasyon ng pagsasadula sa istoryang base sa libro ni stephanie mayer. pinilit naman ng epektibong aktres na si ronan (mahusay sa atonement) na higitan ang limitasyon ng kanyang karakter pero sadyang wala nang mahuhugot na anumang tunggalian dito.

tropang keso lang siguro ang mag-eenjoy sa pelikulang ito.

Tuesday, August 13, 2013

kalam

kumalam ang sikmura eh. kaya naman nagpaanod na sa naisin. humanap ng makakain. tingin-tingin. pili-pili. may kaunting alinlangan. di mo rin kasi tiyak kung pareho lang ang lasa ng pagkain sa magkaibang tindahan ng parehong kainan. pero dahil nga may nagsusumigaw na sa sikmura mo, kailangan mo nang magdesisyon. eh di ‘yun na nga. sa likod ng iyong isipan, hinahangad mo na lang na sana’y masarap ang napili mong pagkain. sa gayon, di ka manghinayang sa ginastos mo.
 
umayon naman sa kagustuhan ang agos ng mga pangyayari. ok nga ang napili. masarap at nakabubusog. hindi ‘yung busog na busog... ‘yung tamang busog lang. sapat upang bigyan mo ng tapik ang iyong balikat na ‘ok ‘yung napili mo ah!’. ok kasi ibig sabihin nito, di nasayang ang pera at nakuha mo naman ang kabusugang nais.
ronda pa sana kung di ok ang napili eh. kung ganoon ang nangyari, doble-doble pa ang effort para lang makahanap ng masarap na pagkain. siyempre, may halong inis na ‘yun kung di umokey ‘yung unang napili.
tenk yu sa masarap na chicken joy at matamis na spaghetti ng jollibee! sa uulitin!

Monday, August 5, 2013

el nido

el nido! going back to this paradise this november. happy week ahead!