nabawasan
nga ba ang pagka-adik ko sa tennis? di kasi gaya ng dati na website ng tennis
ang una kong binubuksan bago pa man mag-login sa notes. ngayon di na masyado. o
di kaya ay magpuyat para makapanood ng anumang laban. pero di singlebel ng
dating pokus ang nangyari (o nangyayari). dedma ako sa mga iskor ngayon. di
masyadong nagbabasa ng mga artikulo. umaasa lang sa twitter para sa maikiliang
balita.
nitong
hulyo lang naman ito. una, talo kasi si rafa sa wimbledon. napayuko ni kyrgios
sa fourth round si nadal at unang araw pa lang ito ng hulyo. di ko naman
inasahang mananalo siya pero mas maganda sana kung sa semis siya natalo. sinundan
pa ito ng pagkatalo ng ibang mga paborito ko tulad nina serena, sharapova at
murray. pangalawa, naagaw ng world cup 2014 ang aking atensyon. dahil spain ang
hula kong magiging runner up pero laglag ito sa group stage, mas naging
interesado ako kung ano ang magiging iskor ko sa world cup game ng aydisi. umabante
naman ang mga pinili kong iba tulad ng belgium, costa rica, netherlands,
france, switzerland at iba pa. pinili ko ring magharap para sa bronze medal ang
germany at argentina pero sila ang naglaban para sa titulo na inuwi nga ng
germany. natapos lang nakaraang lunes ang world cup kaya agaw na agaw nito ang
aking atensyon. pangatlo, nagsimula na rin ang knockout matches sa philippine super liga. natalo ng airasia (cha cruz at ang maingay na si marano) ang cignal (aiza
maizo at angeli tabaquero) sa quarterfinals. at kahapon nga, pinataob ng
generika army (rachel anne daquis at mary jean balse) ang airasia at nanalo ang
rc cola (ia yongco at wendy
semana) laban sa pldt (lou ann latigay at sue roces). umpisa na rin ang uaap kaya marami-rami ring susundang laro. di ako
masyadong nanonood ng basketball maliban sa uaap at labang pambansa tulad ng
fiba. at kahapon din, nanalo ang manila west sa fiba 3x3 world tour manila sa
sm megamall.
sa
dami ng ibang isports na katuwa ring panoorin at sundan at dahil na rin sa
lagpas-leeg na mga gawain sa office, naging matabang ang tennis nitong hulyo.
pero sa unang dalawang linggo lang ito ng hulyo. wala pa rin kasi ang mga
naglalakihang torneo sa tennis. umpisa ulit ng pukpukan sa susunod na linggo at
sa kabuuan ng agosto bago magkulmine sa US open. at dahil dito at sa puspusang
laban para sa ranggo, tiyak ang aking muling masuyong pakikipagtipan sa tennis!
may
iba mang isports, numero uno pa rin ang tennis. tennis pa rin ang aking
beautiful game!
No comments:
Post a Comment