sirang
mga sapin sa paa!
bikaka
ang suwelas.
biyak
ang balat.
bumuwak
na nga ng tuluyan.
tagal
kasi ng sahod.
daming
bayarin.
daming
intindihin.
daming
kailangang kumpletuhin.
tsaka
na ang pagbili ng sapatos.
di
naman prayoridad.
di
pa naman tuluyang wasak.
dako
muna sa ibang mas mahalaga.
mapapalitan
na kaya sa susunod na sahod?
sana
naman.
sana
sa lalong madaling panahon.
sana
nga.
No comments:
Post a Comment